LOGINDahil sa kalasingan ay nagpresenta ang sekretarya'ng si Katherine Garcia na maging contract wife ni Cain Vergara, Presidente ng kompanyang pinagtatrabahuhan. Sa loob ng dalawang taon ay nanatiling lihim ang kanilang kasal... hanggang sa mabuntis si Katherine. Kasabay nito ay ang pagbabalik ng dating nobya ng asawa, si Margaret. Nagpasiya si Katherine na tapusin na lamang ang kasunduan sa pagitan nila ng asawa dahil doon din naman sila hahantong. Ngunit hindi naging madali ang lahat. Hanggang isang aksidente ang muntik ng ikapahamak ng bata sa kanyang sinapupunan. Dahil sa pangyayaring iyon ay tuluyan niyang iniwan si Cain. Muling nagkrus ang kanilang landas sa mismong araw ng kanyang kasal kung saan ay halos magwala at mabaliw ito. "Bakit ka magpapakasal sa iba, Katherine? Akin ka lang at ako lang ang kikilalaning ama ng anak natin."
View MoreMABILIS ang lakad ni Cain pabalik sa sariling opisina, na umiigting ang panga at mariing nakakuyom ang kamay.
Mukha man natural ang ekspresyon ngunit sa loob-loob ay gusto na niyang magwala. Pabagsak pa nga niyang binuksan at sara ang pinto. Pagkatapos ay walang ingat na naupo sa swivel chair sabay dukot sa bulsa at hagis ng ring box sa office table dahil sa iritasyong nararamdaman. Nagagalit siya ngayon dahil sa nobya-- dating nobya matapos nitong iwan siya at makipaghiwalay sa text. Plano pa man din niyang mag-propose ngayon pero ito, halata namang hindi na matutuloy. Problema niya ngayon ang Abuelo na inaapura na siyang magpakasal bago man lamang ito mawala sa mundo. Kapag hindi niya naibigay ang hiling nito ay paniguradong matatanggalan siya ng mana at babawiin sa kanya ang posisyon sa kompanya. "Hindi pwede 'to," aniya saka tinawagan si Margaret. "Sagutin mo, ano ba!" May kumatok sa pinto sabay bukas. Papasok sana ang sekretarya'ng si Katherine nang sigawan ni Cain, "Labas!" Sa gulat ng sekretarya ay natapon nito ang dalang tasa ng kape. "S-Sorry po, Mr. President," anito na natataranta at hindi malaman ang gagawin. Kung aalis ba o lilinisin muna ang natapong kape sa sahig. "Hindi mo ba ako narinig?!" Sa takot na muling sigawan ay mabilis na lumabas ng opisina ang sekretarya. Matapos ay buong maghapong mainit ang ulo ni Cain. Sa halip na umuwi sa mansion ay mas minabuti na lamang niyang magtungo sa bar, doon magpapalipas ng init ng ulo kasama ang kaibigang si Jared. Ngunit panga-alaska lang ang natanggap niya mula rito. "'Nu ka ba naman, Cain. Hindi mo dapat pinoproblema ang mga ganyang bagay. Ika nga nila... maraming isda sa dagat, mamingwit ka lang, paniguradong makakahuli ka." "Anong gusto mong palabasin?" aniya matapos uminom ng alak. Tapik sabay akbay ang ginawa ni Jared. "Maghanap ka ng pakakasalan tapos ipakilala mo sa Lolo mo. Easy, 'di ba?" "Gag*, kung makasabi ka ng easy parang 'kala mo madali talaga. Kasal pinag-uusapan dito hindi simpleng paghahanap ng babae dahil kaya ko 'yun." Natawa si Jared. "Edi, 'wag mong pakasalan. I-bahay mo na lang." "Bago mangyari 'yun, paniguradong binitay na 'ko ni Lolo." "I-hired mo bilang asawa, 'yung mga napapanuod sa TV. Gawin mo 'yun." Tinulak ni Cain ang kaibigan na muntik mabuwal sa kinauupuan. "Alam mo, lasing ka na kaya mas mabuti pang itigil na natin 'to't umuwi na." "Teka, teka. Hindi ako lasing, okay? Ang sinasabi ko rito. Humanap ka ng babaeng pwedeng i-kontrata bilang asawa. Tapos 'pag nakuha mo na 'yung mana mo-- hati tayo, a? Basta, 'pag nakuha mo na saka mo hiwalayan, i-terminate ang kontrata. 'Di ba, ang dali lang?" "Kalokohan. Uminom ka na nga lang kaysa kung ano-ano pa'ng sinasabi mo." ~*~ MALAMYOS na tugtugin at malamlam na ilaw ang bumungad kay Katherine pagpasok sa bar. Kasama niya ng mga sandaling iyon ang bestfriend na si Lian. "Sa kotse na lang ako maghihintay," aniya. "Hindi pwede, magtatagal ako kaya tara na," ani Lian sabay hawak sa kamay ng kaibigan. Matapos ay tinungo ng dalawang babae ang VIP room kung saan naghihintay ang fiance ni Lian. Ngunit ang totoong dahilan ni Lian kaya isinama si Katherine sa bar ay dahil sa kaibigan ng kanyang fiance. Pagkatapat nila sa pinto ay binulungan niya si Katherine, "Nasa loob ang crush mo." Nanlaki ang mga mata ni Katherine at nagtangkang umalis nang mabilis na pigilan ni Lian. "Uuwi na 'ko, marami pa 'kong gagawin sa bahay," palusot ni Katherine. Hinawakan ni Lian ang magkabilang balikat ng kaibigan. "Hindi ka pwedeng umalis, bakit? Kasi kailangan ka niya. Alam mo bang nag-break na sila ng girlfriend niya? It means, malungkot siya ngayon. Kailangan niya ang kalinga at pagmamahal mo," aniyang may halong pagbibiro. "Ayoko pa rin," ani Katherine kahit nabigla sa ibinalita nito. "Sad boy siya ngayon. Saka, minsan lang 'to mangyari, palalampasin mo pa ba?" Bigla namang bumukas ang pinto at nagpakita mula sa loob si Jared. "Babe, kanina ka pa ba riyan?" Lumingon sabay halik sa labi si Lian. "Kararating lang namin." Saka lang napansin ni Jared ang kasama ng fiancee. "Oh, kasama mo pala ang kaibigan mo. Tara, pasok kayo." Saka nilakihan ang bukas ng pintuan. Napasinghap naman si Katherine nang magtagpo ang tingin nila ni Cain. Ang kanyang boss at ang lalaking tinutukoy kanina ng kaibigan. Ang mali lang ni Lian... ay hindi na simpleng crush ang nararamdaman ni Katherine. Matagal na niya itong minamahal... walong taon, simula ng una niya itong masilayan. Ganoon katagal niyang itinago ang nararamdaman at wala siyang balak, ni minsan kahit sa isip man lang na ipagtapat ang pag-ibig kay Cain. Wala siyang karapatan. Sa agwat ng estado nila sa buhay, maghahangad pa ba siya? Siyempre, hindi na. "Anong ginagawa mo rito?" Biglang natigilan sa pag-upo si Katherine sa tanong ng amo. "S-Sorry po, Mr. President--" Biglang natawa si Jared kaya natigilan si Katherine. "Nakakatuwa rin 'tong kaibigan mo, babe. Kahit wala na sa trabaho ay tinatawag pa rin si Cain na Mr. President." "'Wag mong pagtawanan si Katherine kundi mag-aaway tayo," babala ni Lian. Sabay-sabay naman silang natahimik hanggang sa nagkanya-kanya na ng mundo. Si Jared at Lian ang magkausap at kapwa intimate sa isa't isa ng mga sandaling iyon. Habang sina Katherine at Cain ay tahimik lang sa kanya-kanyang puwesto. Nang medyo nakakarami na silang lahat ng inom ay umalis muna si Cain para magbanyo saglit. Ang medyo lasing na si Jared ay hindi napigilang idaldal ang problema ng kaibigan. Kung ano-ano na ang pinagsasasabi habang si Lian at Katherine ay nagkakatinginan sa isa't isa. "May mali ba sa suggestion ko?" ani Jared. "Magandang solution naman ang mag-hired na lang siya ng pakakasalan, 'di ba?" "Ay naku, lasing ka na, babe. Kung ano-ano nang sinasabi mo kay Cain," ani Lian. Ngunit ang ikinuwento nito ay tumatak sa isipan ng lasing na si Katherine. At nang pauwi na silang apat ay biglang humirit si Jared, "Cain, pwedeng isabay mo na si Katherine?" Habang akbay ang fiancee. "Babe, isinama ko rito si Katherine, 'di ko siya pwedeng iwan," ani Lian. May kung anong ibinulong si Jared sa fiancee na agad nitong ikinahiya. "Ang bastos mo talaga~" ani Lian. "Ano, Cain? Pwede bang ikaw na ang maghatid sa sekretarya mo?" ani Jared. Nagkatitigan ang magkaibigan saka iiling-iling na binalingan si Katherine. "Tara sa kotse," ani Cain. Tahimik namang sumunod si Katherine matapos magpaalam sa kaibigan. Nang nasa sasakyan na ay mas lalo siyang kinabahan. Paulit-ulit sumasagi sa isip ang ikinuwento ni Jared. "Kaya ba mainit ang ulo mo kanina sa office, kasi naghiwalay kayo ng girlfriend mo?" lakas-loob niyang tanong. Kunot-noo'ng lumingon si Cain. "At sino naman ang nagsabi sa'yo niyan? Saka, baka nakakalimutan mo kung sino ako? Kung kausapin mo 'ko--" "Wala naman tayo sa trabaho kaya hindi mo 'ko secretary ngayon," mapangahas na wika ni Katherine. "Lasing ka ba?" "... Kung kailangan mo ng babaeng magpapanggap bilang asawa mo ay ako na lang." Biglang natawa si Cain. "Nasisiraan ka na ngang talaga." "Kailangan mo ng babaeng mapagkakatiwalaan, malapit sa'yo at handa kang paglingkuran... at ako 'yun, ang sekretarya mo." Napatiim-bagang si Cain. Sa isang iglap ay hinawakan niya ang batok nito sabay siil ng halik sa labi.NAHIGIT ni Laura ang hininga at mariing nilapat ang labi. Kahit na anong mangyari, hindi niya sasabihin na si Sherwin ang ama ng pinagbubuntis.Umiwas siya ng tingin habang mahigpit na hawak ang sariling kamay sa ilalim ng kumot. Sa paraang iyon lang niya nagagawang maging kalmado sa sitwasyong iyon kahit na parang tambol ang puso niya sa lakas ng kabog.“Hindi nga sabi ako buntis.”Huminga nang malalim si Jude, ngunit nanatili pa rin ang madilim na ekspresyon kaya tinatansya ni Laura kung anong dapat gawin ng sandalin iyon.“You don’t have to do this, Laura,” banayad at may kaunting lambing sa boses ni Jude.Nang tingnan niya ang mukha nito, normal na ulit ang ekspresyon. Pagkatapos ay maingat na hinawakan ang kamay niya.“Kung ayaw mong sabihin kung sino siya, ayos lang. Pero ‘wag na ‘wag mong idi-deny ang anak natin.”Sa narinig ay napakunot-noo siya, naguguluhan sa sinasabi nito. “Ano?”Marahang hinaplos ni Jude ang kamay ng asawa, at tiningnan ito nang may lambing. “Sino man ang
NAG-OFFER ng tulong ang staff ng restaurant nang makitang may nahimatay, “May sasakyan po kami sa likod, Sir.”“Salamat,” ani Jude saka mabilis na sinundan ang lalakeng waiter patungo sa likod ng gusali.Tinuro nito ang isang mini van at pinagbuksan siya ng pinto. Pagkatapos ay maingat niyang inihiga ang namumutlang si Laura sa likod. Saka niya tiningnan ang waiter na nasa labas pa.“Pasensiya na, Sir. Pero hindi ko pwedeng iwan ang trabaho,” paghingi nito ng paumanhin na kakamot-kamot pa sa ulo.Nilahad ni Jude ang kamay, hinihingi ang susi ng van. “Ako na lang ang magda-drive.” Pagkatapos ay kinuha ang passport. ”Iiwan ko ‘to sa’yo, babalikan ko na lang mamaya.” Para hindi nito isipin na itatakbo o modus ang lahat.Tumango naman ito at binigay ang susi ng mini van. Walang sinayang na oras si Jude at mabilis na lumipat sa driver seat at nagmaneho patungo sa pinakamalapit na ospital.Nang makarating ay binuhat niya si Laura papasok. Lakad-takbo ang ginawa niya para marating ang emerge
BIGLAANG desisyon na bagama’t pagsisisihan ni Laura ay hindi naman niya babawiin. Pino-provoke siya ni Sherwin kaya gumanti siya at nang makita ang reaksyon nito ay na-satisfied siya.“Laura! Seryoso ka?” tanong ni Katherine, na nabigla rin gaya ng binata.Huminga siya nang malalim, kahit gustong sabihin na nagbibiro lang siya ay kailangan niyang panindigan dahil naroon si Sherwin. “Oo.”“Ba’t ‘di mo naman sinabi sa’kin? Nagkaayos na kayo ni Jude?” tanong muli ni Katherine sabay lapit at hinawakan ang magkabilang braso ng kaibigan.Kaysa magsinungaling muli ay tumango na lamang siya bilang sagot. “Sorry, ‘di ko agad nasabi sa’yo.”“Ayos lang,” ani Katherine.“Sige, kailangan ko nang umalis at baka ma-late pa ‘ko sa meeting place namin,” paalam niyang muli.Pagkabitaw sa kanya ni Katherine ay tumalikod na siya, ngunit nahagip ng paningin ang madilim na ekspresyon ni Sherwin. Saglit lang iyon, pero walang duda na galit na galit ito.Kaya ang normal na kilos ay naglahong bigla pagkalabas
SURPRISINGLY, simula ng araw na iyon ay hindi na nagkrus ang landas nilang dalawa ni Sherwin. Ilang araw na silang hindi nagkikita—ni boses nga nito hindi niya naririnig kahit pa nasa katabing unit lang ito.Masakit at mahirap pero kinakaya niya dahil ito ang gusto niyang mangyari. Hiniling niya ito kaya dapat ay panindigan niya.Sa ikalimang araw, weekend iyon kaya tanghali na siyang bumangon—mag-a-alas-onse na rin iyon ng umaga. Iyon din ang araw na magkikita sila ni Jude.Pagtingin niya sa cellphone, may message ito sa kanya two hours ago.Jude: Boarding na kami. See you soon.Bumuntong-hininga siya saka hinawakan ang tiyan na bagama’t maliit pa rin—ay kapansin-pansin na ang pagbabago. May kaunti ng baby bump, kaya recently ay nagsusuot na siya ng maluluwag na damit. Kapag sa work naman ay lagi siyang naka-cardigan para walang makapuna.Laura: Okay.Reply niya sa message at pagkatapos ay tumayo na siya para makapagsipilyo at maghilamos. Habang nasa loob ng banyo, ay biglang ginutom






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore