Chapter: Chapter 44 - A Quiet DepartureHUMINGA nang malalim si Katherine, naiintindihan kung saan nanggagaling ang kaibigan pero…“Laura, mas mabuti siguro na hayaan mo si Sherwin na magdesisyon. ‘Wag mong akuin, dahil hindi na lang ito tungkol sa’yo—may bata nang involved. Let him decide, hmm?”Mabagal ang pagtango ni Laura, matapos ay natahimik na silang dalawa. Nakatingin lang sa labas, sa mga nagdaraan na sasakyan.Ganoon sila ng ilang sandali hanggang sa napagpasiyahang bumalik na sa building.Paglabas sa convenience store ay napansin agad nila si Sherwin na palapit kahit pa marami ring naglalakad. Sa tangkad ba naman nito, paniguradong angat kahit maraming taong nakaharang sa daan.Huminto silang dalawa sa paglalakad at hinintay itong makalapit.“Sa’n kayo galing?” ani Sherwin, may kaunting hingal sa boses na tila ba galing ito sa pagmamadali.“Sa convenience store lang,” sagot ni Katherine, sabay turo sa pinanggalingang direksyon. “Ikaw, sa’n ka papunta?”“Wala… nagmessage si Cain. Ang sabi ay magkasama kayo kaya na
Last Updated: 2025-12-22
Chapter: Chapter 43 - Between Truth and SilenceSAGLIT na nanahimik si Laura, gustong magsinungaling pero alam niyang hindi niya maloloko ang kaibigan kaya tumango na lamang siya bilang sagot. “But don’t worry, sooner or later ay matatapos din kung ano man naging ugnayan namin dalawa.”Napatitig si Katherine, dahil nalalabuan siya na posible iyong mangyari. Nang kausapin niya ang kapatid kanina, parang ‘us against the world’ ang tema.Alam niyang masiyado nang malalim ang nararamdaman ng kapatid para kay Laura, pero hindi niya iyon sasabihin. Mas mabuting iyon ang isipin ng kaibigan—na titigil din si Sherwin.“Pero pa’no kung hindi? Kilala mo naman ‘yung tao na ‘yun. Sobrang kulit, kahit pa siguro itali mo ‘yun ay gagapang pa rin papunta sa’yo.”Natawa si Laura sa sinabi ng kaibigan, dahil nai-imagine niyang iyon nga ang gagawin ni Sherwin.Natigilan si Katherine sa naging reaksyon nito at natawa rin sa kanyang nasabi. “Mukhang gagawin nga niya ‘yun, ‘no?”“Hindi malabo. Pareho kayong matigas ang ulo,” ani Laura.Naniningkit ang ma
Last Updated: 2025-12-19
Chapter: Chapter 42 - He ConfessedNAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Katherine sa dalawa, naghihintay ng paliwanag pero wala man lang gustong magsalita.Tiningnan niya ang kaibigan pero umiwas lang ito ng tingin, bakas sa mukha ang guilt. Hanggang sa hinawakan siya ng kapatid sa kamay.“Do’n tayo sa unit ko mag-usap, Ate,” ani Sherwin.Nagpatianod naman siya pero napalingon pa kay Laura bago tuluyang pumasok sa unit ng kapatid.Pagkasara ng pinto ay tinitigan niya ang likod nito na naglalakad patungo sa sala. Nagpakawala siya ng buntong-hininga dahil nahihinuha na niyang hindi magiging maganda ang kalalabasan ng pag-uusapan nila.Pagkatapos ay sinundan niya ito at naupo sa sofa.“Anong gusto mong inumin—”“‘Wag ka nang mag-abala pa, gusto ko agad ng paliwanag mo,” putol niya sa sasabihin nito. Hindi na niya gustong magpaligoy-ligoy pa sila roon.Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Sherwin, saka dahan-dahang lumingon paharap sa kapatid habang nakapamewang. “Anong gusto mong malaman?”Tumango-tango si Katherine. “A
Last Updated: 2025-12-17
Chapter: Chapter 41 - Keeping the TruthTINITIGAN ni Laura nang matagal si Jude, habang mariing nakakuyom ang kamay sa may hita. Gusto niyang makita kung naghihinala ba ito sa kanilang dalawa ni Sherwin, ngunit mukhang hindi naman.Pagtataka lang ang nakikita niya sa mga mata nito.“Hindi naman kami laging magkasama, kapag pumupunta lang siya sa unit ni Katherine para makikain,” sagot na lamang niya habang nakaiwas ang tingin.Tumango-tango si Jude sabay sandal sa upuan. “Nagkita kami ni Sherwin sa Canada…”Habang nagsasalita ito ay kinabahan siya. Baka kung ano-ano na ang pinagsasasabi ng binata kaya ganito na lamang ang mga tanong ni Jude.“Kung makaasta, parang bodyguard mo. ‘Wag daw akong ganito—ganyan sa’yo? Like, ‘di ko siya maintindihan. Kaya—”“Hayaan mo na lang siya, alam mo naman na may pagka-protective iyon,” ani Laura.“Gets ko naman na matagal na kayong magkaibigan, at malalim ang samahan niyong dalawa pero ako pa rin naman ang asawa mo. Kaya minsan, ‘di ko siya maintindihan. Napapaisip ako, na para bang niyaya
Last Updated: 2025-12-17
Chapter: Chapter 40 - I'll Stand in His PlaceNAHIGIT ni Laura ang hininga at mariing nilapat ang labi. Kahit na anong mangyari, hindi niya sasabihin na si Sherwin ang ama ng pinagbubuntis.Umiwas siya ng tingin habang mahigpit na hawak ang sariling kamay sa ilalim ng kumot. Sa paraang iyon lang niya nagagawang maging kalmado sa sitwasyong iyon kahit na parang tambol ang puso niya sa lakas ng kabog.“Hindi nga sabi ako buntis.”Huminga nang malalim si Jude, ngunit nanatili pa rin ang madilim na ekspresyon kaya tinatansya ni Laura kung anong dapat gawin ng sandalin iyon.“You don’t have to do this, Laura,” banayad at may kaunting lambing sa boses ni Jude.Nang tingnan niya ang mukha nito, normal na ulit ang ekspresyon. Pagkatapos ay maingat na hinawakan ang kamay niya.“Kung ayaw mong sabihin kung sino siya, ayos lang. Pero ‘wag na ‘wag mong idi-deny ang anak natin.”Sa narinig ay napakunot-noo siya, naguguluhan sa sinasabi nito. “Ano?”Marahang hinaplos ni Jude ang kamay ng asawa, at tiningnan ito nang may lambing. “Sino man ang
Last Updated: 2025-12-16
Chapter: Chapter 39 - Who?NAG-OFFER ng tulong ang staff ng restaurant nang makitang may nahimatay, “May sasakyan po kami sa likod, Sir.”“Salamat,” ani Jude saka mabilis na sinundan ang lalakeng waiter patungo sa likod ng gusali.Tinuro nito ang isang mini van at pinagbuksan siya ng pinto. Pagkatapos ay maingat niyang inihiga ang namumutlang si Laura sa likod. Saka niya tiningnan ang waiter na nasa labas pa.“Pasensiya na, Sir. Pero hindi ko pwedeng iwan ang trabaho,” paghingi nito ng paumanhin na kakamot-kamot pa sa ulo.Nilahad ni Jude ang kamay, hinihingi ang susi ng van. “Ako na lang ang magda-drive.” Pagkatapos ay kinuha ang passport. ”Iiwan ko ‘to sa’yo, babalikan ko na lang mamaya.” Para hindi nito isipin na itatakbo o modus ang lahat.Tumango naman ito at binigay ang susi ng mini van. Walang sinayang na oras si Jude at mabilis na lumipat sa driver seat at nagmaneho patungo sa pinakamalapit na ospital.Nang makarating ay binuhat niya si Laura papasok. Lakad-takbo ang ginawa niya para marating ang emerge
Last Updated: 2025-12-15
Chapter: Chapter 52LUMIKOT ang mga mata ni Caitlyn, hindi matingnan ang binata sa mata. Nasa puntong aamin na siya nang biglang hawakan ni Ezekiel ang buhok niya sabay gulo.“Halata sa mukha mong kinakabahan ka. Why are you denying it?”Napakurap-kurap ng mata si Caitlyn, nalilito pa sa nangyayari nang mapagtanto na iba pala ang tinutukoy nito.Akala niya ay tuluyan na siyang mabubuko, tamang hinala lang pala siya.“M-May iniisip kasi ako,” iyon na lang ang sinabi niya, ang tingin ay nanatili sa ibang direksyon.“Ano naman ‘yun?”Napakunot-noo siya nang maramdaman ang hininga nitong dumampi sa kanyang pisngi kaya nilingon niya ito. Nabigla na sobrang lapit na pala ng mukha nito sa kanya, kaya hinarang niya ang kamay saka ito marahang tinulak.Umayos naman ng tayo si Ezekiel pero ang tingin sa dalaga ay nanatili, tila isang hayop na nangha-hunting at si Caitlyn ang pagkain.Nakakakaba lalo pa at nakangiti ito ng kakaiba.“A-Anong oras na ba? Wala kang pasiyente ngayon?” pag-iiba niya ng usapan.Tumingin
Last Updated: 2025-12-22
Chapter: Chapter 51ALAM ni Caitlyn na wala naman siyang ginawang mali, hindi niya kasalanan ang nangyari kay Fiona at sa pinagbubuntis nito pero nang sandaling iyon… nasaktan siya.Pakiramdam niya may malaking parte siya kung bakit nakunan si Fiona.Lagi naman siya ang sinisisi kapag may nangyayari kaya marahil ay unti-unti na ring tinatanggap ng utak niya na baka nga, may kasalanan din siya.Kaya habang abala pa ang doctor at dalawang nurse kay Fiona ay tahimik na siyang umalis doon.Sa hallway, habang naglalakad ay napasandal sa pader matapos biglang manghina. Hinawakan niya ang braso dahil nasaktan nang husto ang kamay niyang may IV cannula.Sinabayan na hindi pa siya gaanong magaling kaya bumibigay ang katawan niya, lalo na ang tuhod.Mula naman sa dulo ng pasilyo ay naroon sin Ezekiel, hinihingal at pawisan ang noo. Matapos tumakbo nang malaman na nawawala si Caitlyn. Hinanap niya ito sa paligid ng ospital hanggang sa mahagip ng mga mata.Hinahabol niya ang hininga nang lapitan ang dalaga. “Sa’n ka
Last Updated: 2025-12-20
Chapter: Chapter 50HINDI na nagsalita pa si Ezekiel at tahimik na lamang naglakad palayo. Sa halip na bumalik sa office ay dumiretso siya sa silid ni Caitlyn. Pagbukas niya ng pinto ay naabutan itong kumakain kasama ang kaibigan.“Good evening, Dok,” magalang na bati ni Mika. “Nag-dinner na kayo?”Binaba ni Caitlyn ang hawak na kutsara saka tinitigan ang binata. “Kung hindi pa, saluhan mo na kami, marami ‘tong binili ni Mika,” aya niya pa.Sa totoo lang, iyon talaga ang plano ni Ezekiel pero dahil sa nasaksihan kanina ay nawala sa isip niya. “Sige lang, busog pa ‘ko.”Nanatili ang titig ni Caitlyn. Kanina pa kasi ito umiiwas ng tingin. “May nangyari ba?” kaya tinanong na niya.Wala siya sa posisyon para magsabi pero dahil pamilya nito ang involved kaya nagsalita na siya, “Napadaan ako sa emergency room kanina. Nakita ko ang pamilya mo ro’n pati si Jude.”Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Caitlyn. “B-Bakit, anong nangyari? Sinong nasa OR?”“Si Fiona… hindi ko alam kung anong nangyari. Basta ang narinig
Last Updated: 2025-12-15
Chapter: Chapter 49SA LAKAS ng sigaw ng katulong ay napasugod ang mga nakarinig, kabilang na roon si Meriam na halos madapa sa labis na pagmamadali. Inalalayan siya ng isang kasambahay patungo sa hagdan.Maliban sa sumigaw na katulong ay nasaksihan din nina Alejandro at Sandro ang pagkahulog ni Fiona sa hagdan.“Dad, hindi kaya ay narinig—”“Tahimik,” mahinang saway ni Alejandro, matapos mapansin ang asawa na papalapit sa walang malay na dalaga.“Fiona!” hiyaw ni Meriam matapos makita ang anak sa ibaba ng hagdan. Nagmadali siyang lumapit, nais itong hawakan ngunit agad na pinigilan ni Sandro.“Dali, tumawag kayo ng ambulansiya!” utos ng binata sa katulong. Pagkatapos ay inilayo ang ina at dinala sa sala saka pinaupo sa sofa. “Dito lang muna kayo, hindi natin pwedeng galawin ang katawan niya.”“Jusko!” may isang katulong ang muling sumigaw.Nabahala si Meriam at agad na napatayo. Nilagpasan ang anak upang muling lapitan si Fiona. “A-Anong nangyayari, ba’t ka sumigaw?!” tanong niya sa kasambahay.Ngunit b
Last Updated: 2025-12-14
Chapter: Chapter 48KADALASAN sa hapon bumibisita si Meriam sa ospital pero nang araw na iyon ay maaga siya sa nakasanayan. Tanghali para makasabay sa pagkain si Caitlyn. “Pinaluto ko ang paborito mong pagkain at baka namimiss mo na,” malambing niyang sabi habang inilalabas ang mga container sa dalang bag.Inayos naman ni Rita ang maliit na table sa tabi para magamit nila.“Salamat,” ani Meriam, matapos siyang tulungan nito. “Saluhan mo na rin kami.”“Sige po, Ma’am,” tugon ni Rita.Pinapanood lang ni Caitlyn ang ina, parang hindi pa kasi siya makapaniwala sa nangyayari. Sa dami ba naman ng nangyari simula nang bumalik siya, ngayon na lamang niya ulit naramdaman ang pag-aasikaso ng ina.Parang gusto niyang maiyak sa tuwa pero ayaw niya naman maging emosyonal—dapat ay masaya lang siya.“Itong kutsara’t tinidor, kumain ka,” ani Meriam, sabay bigay ng kubyertos. “Kaya mo bang kumain o gusto mong subuan kita?”Umiling si Caitlyn. “Kaya ko, ‘Mmy.” Pagkatapos ay nagsimula nang kumain matapos magdasal.Kumain n
Last Updated: 2025-12-12
Chapter: Chapter 47MATALIM na tingin ang ibinato ni Ezekiel kay Dr. Ramirez kaya agad itong nagpaalam at lumabas kasama ang nurse. Nang sila na lamang ang naroon sa silid ay nag-stay siya saglit, hinihintay ang kompirmasyon ng dalaga habang isa-isang nilalabas ang libro sa paper bag.“Kompleto naman lahat,” ani Caitlyn, hawak ang listahan. Pagkatapos ay tiningnan ito nang hindi na umalis sa puwesto. “Wala kang pasiyente ngayon?”“Break time,” sagot ni Ezekiel. “Mamaya pa ang schedule sa mga bagong pasiyente.”Tumango lang si Caitlyn at sa sandaling iyon, inabot ang librong ‘Eleanor Oliphant Is Completely Fine’.Napatingin si Ezekiel, medyo nabigla—dahil para pala sa kanya ang libro na iyon. “S-Sa’kin?” nautal pa siya nang tanungin iyon.Natawa si Caitlyn, marahang nangiti. “Alangan naman na sa’kin lang lahat ng libro. E, ikaw ‘tong bumili at pera mo ang pinambayad. Don’t worry, paglabas ko rito, magwi-withdraw ako para mabayaran ka.”“Ayos lang,” tugon ni Ezekiel. May munting ngiti sa labi. “Wag mo na l
Last Updated: 2025-12-11
Chapter: EpilogueTAHIMIK ang hapon sa bagong tahanan ng mag-asawa. Ilang linggo pa lamang mula nang makalipat ay naging komportable na agad sila, ramdam na ramdam ang init ng isang tahanang puno ng pangarap.Kahit abala sa trabaho ay sinisigurado ni Archie na makakapaglaan siya ng oras para sa nalalapit nilang kasal, ngunit sa hapon na iyon ay si Jewel lang ang kausap ng wedding planner.Sa table ay may iba’t ibang nakalatag na mga sample ng decoration, mula sa bulaklak, telang gagamitin, at kulay. Habang sinusuri ni Jewel ang tela ay napalingon siya matapos makarinig ng yabag ng sapatos.Ilang sandali pa ay nakita na niya ang asawa kaya agad siyang tumayo at sinalubong ito ng yakap saka halik sa labi. Pagkatapos ay hinila niya ito at pinaupo sa kanyang tabi. “Ano sa tingin mo ang maganda?” aniya, pinapapili ito dahil nahihirapan siyang mag-decide.Pinagmasdan ni Archie ang mukha ng asawa, kahit halata sa mukha na pagod at puyat ito dahil sa pag-aalaga ng kanilang anak ay hindi niya maiwasang isipin na
Last Updated: 2025-08-31
Chapter: Chapter 60SIMULA ng araw na iyon, pinatunayan ni Archie ang nararamdaman para sa asawa. Araw-araw, tuwing tanghali na nagigising si Jewel ay may nakahandang bulaklak sa side table, kasama ang isang maliit na note para sa kanya.Paraan ito ni Archie ng panliligaw na hindi nito nagawa noon dahil hindi naman sila dumaan sa isang normal na relasyon.Pero kapag naaabutan ni Jewel nasa kwarto pa ang asawa ay tinatawag niya ito madalas, “Archie…” mahina niyang bulong sa pangalan nito saka tumingin sa table, naroon na ang bulaklak na lagi niyang natatanggap.Bumangon siya at kinuha ang maliit na note saka binasa sa isip ang nakasulat, “Good morning, Hon. Maaga na ‘kong umalis kasi natutulog ka pa, as always. I love you.” Napangiti siya saka ito tiningnan na nakatalikod, nag-aayos ng kurbata. “Hon~” malambing niyang tawag na ikinalingon nito.Awtomatikong ngumiti si Archie saka lumapit upang yakapin ito na nakaabang na sa kanya. “Ang aga mo naman nagising, matulog ka pa.”Umiling-iling si Jewel, ayaw it
Last Updated: 2025-08-30
Chapter: Chapter 59MATAPOS iyong marinig ay sunod-sunod ang pagtulo ng luha sa pisngi ni Jewel. Sobrang saya ng puso niya kulang na lang ay lumundag sa tuwa pero ibang-iba naman ang sinasabi ng isip.“You’re lying!” iyak niya, parang bata na ngumangawa.“Totoo, kaya ‘wag ka ng umiyak, okay?”“Hindi ako naniniwala!” na lalo pang lumakas ang pag-iyak.Gusto sana ni Archie na yakapin at aluhin ang asawa pero nasa gitna pa sila ng daan saka nagmamaneho siya. Kaya naghanap pa muna siya ng mahihintuan na lugar bago ito muling kausapin.Pagkahinto sa kotse ay inalis niya ang seatbelt upang makalapit nang husto sa asawa. “Tahan na, ‘wag ka ng umiyak. May mali ba sa sinabi ko?”Hindi matigil sa pagpupunas ng luha si Jewel, sa puntong naiinis na rin siya sa sarili dahil hindi naman siya iyakin. Kahit na nasasaktan ay madali niyang naitatago ang nararamdaman. Pero ngayon, hindi na niya kilala ang sarili na para bang ibang tao na siya.“Lahat, mali. Si Chantal ang mahal mo tapos sasabihin mo ngayon na ako na?”Kumu
Last Updated: 2025-08-28
Chapter: Chapter 58NAPASINGHAP si Chantal sabay takip sa bibig. Tiningnan niya si Archie na natulala na habang nakatitig kay Jewel. “Hindi mo alam na buntis siya?” Nang hindi ito mag-react ay hinampas na niya sa braso. “Ano ba, ba’t ka tumutulala riyan! Sundan mo na ang asawa mo!”Napakurap-kurap si Archie, tila natauhan saka humakbang ngunit agad rin tumigil at nilingon ito. “Pa’no ka?”Natawa si Chantal. “Ba’t ako ang iniisip mo? Unahin mo ‘yung asawa mo ‘wag ako.” Saka ito tinulak-tulak pero hindi na umusad.“Babalikan ko na lang siya mamaya.”“Ano?!” react ni Chantal, hindi makapaniwala. “Asawa mo ‘yun, dapat siya–”“Pero mas komplikado ang pagbubuntis mo. Plus, tandaan mong ikaw lang ang mag-isa sa bahay kasama ng mga bata.”“May kasama naman akong katulong,” ani Chantal.Naglakad si Archie saka ito marahang iginigiya palayo sa lugar. “Parang hindi ko alam na pinapalipat kayo ni Mama sa bahay.”“Exactly! Lilipat kami mamaya kaya ayos lang ako. Hindi mo na ‘to kailangan gawin… baka, sumama pa ang lo
Last Updated: 2025-08-27
Chapter: Chapter 57SUMAMA ang loob ni Jewel matapos ang gabing iyon. Nasaktan siya ng sobra sa puntong umiiwas na sa asawa. Ngunit si Archie, hindi man lang napapansin ang pagbabagong nangyayari.Hanggang isang gabi, habang nasa kama na sila at gusto niyang makipagtal*k ay umusog lang palayo si Jewel. Akala niya ay wala lang kaya hinawakan niya ito sa balikat sabay haplos pero inilayo nito ang sarili.“‘Wag ngayon, pagod ako.”“Ano bang ginawa mo ngayon sa school?” ani Archie.“Marami,” walang kabuhay-buhay nitong sabi.Kaya napabuga na lamang ng hangin si Archie, patihayang nahiga at tumitig ng ilang sandali sa kisame. Ilang sandali pa ay muli siyang gumalaw, umusog palapit sa asawa at niyakap ito mula sa likod.“Archie,” mahihimigan ang pagtutol sa boses ni Jewel saka nagpumiglas.Binitawan naman siya ni Archie sabay bangon sa kama. Sa isip-isip niya ay galit ito kaya lumingon siya ngunit hindi na nakita kung anong reaksyon ang nasa mukha nito hanggang sa makalabas ng kwarto.Naghintay siya ng ilang s
Last Updated: 2025-08-26
Chapter: Chapter 56DAHAN-DAHAN pa ang pag-awang ng labi ni Jewel matapos ng sinabi ng Ginang. Makailang ulit siyang kumurap, naroon ang tuwa ngunit agad rin nagduda.“P-Pa’no niyo naman nasabi, Ale? Doctor ba kayo?”“Hindi, Hija pero dati akong kumadrona kaya alam ko kung buntis ba ang isang babae.”“Gano’n ho ba?” may pagdududa niyang komento. Dahil sa sinabi nito ay mas lalo siyang hindi naniwala. Magkaganoon man ay hindi niya inalis ang posibilidad na baka nga nagdadalang-tao siya. “Sige ho, magpapa-check up ako para makasigurado.”Hindi niya makukumpirma kung buntis nga ba siyang talaga sa pamamagitan ng menstruation period dahil irregular siya. May pagkakataon na inaabot ng ilang buwan bago siya magkaroon, minsan naman ay dalawang beses sa isang buwan.Lumipas ang ilang minuto ay nakarating na ang bus sa destinasyon, marami ang nagsibabaan kabilang na siya roon. Dahil malayo-layo pa ang condominuim building ay nilakad na lamang niya kaysa maghintay ng masasakyan.Madilim na ang langit at pagtingin
Last Updated: 2025-08-22