NAGISING SI Magenta nang maramdaman ang brasong yumakap sa kanyang katawan.
"Hmm..." she moaned softly when he gave her shoulder light kisses.
"Merry Christmas," he whispered to her ear tenderly.
Tumihaya ng higa si Magenta at ikurap-kurap ang namimigat pa niyang mga mata. Kapagkuwan ay banayad siyang ngumiti nang luminaw ang kanyang paningin at makita si Malcolm na nakatingin sa kanya. Tumaas ang kanyang kamay patungo sa ulo nito at masuyong hinaplos ang buhok ni Malcolm patungo sa pisngi nito habang nanatiling magkahugpong ang kanilang mga mata.
Her heart was beating too fast, Malcolm was staring at her with too much affection in his eyes. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya masanay-sanay, there were still butterflies fluttering inside her tummy, her veins were racing, her senses were in haywire every time Malcolm was with her.
"Merry Christmas, Mal," she said while caressing his lips.
Napatingin siya sa mga labi nito, she wanted to feel its softness. At hindi siya nabigo dahil