ALTHEA’S POINT OF VIEW
Hindi ko alam kung paano nangyari, pero isang umaga, paggising ko, may notifications akong halos isang libo sa phone ko. Puro tags, mentions, at messages sa Messenger. Puro emojis ng shock, crying face, at screenshots. Kinabahan ako agad. Nanginginig ang kamay ko habang nag-scroll sa group chat namin ng mga kaklase. At doon ko nakita.
Isang blurry photo pero malinaw pa rin ang subject. Ako. Naka-crop top, may hawak na red cup, at nakangiti habang may isang lalaking yakap-yakap ako. May background na parang bar o party place. At caption ng kung sino mang nag-post: “Valedictorian? O Party Queen?”
Hindi ako makahinga. Para akong sinaksak sa dibdib habang binabasa ko ang mga comments. "Si Althea ba 'to? Grabe siya, akala ko good girl." "Sayang naman." "Yan pala yung laging top 1, oh."
Napalunok ako. Gusto kong itapon yung cellphone. Gusto kong burahin ang buong internet. Pero hindi pwede. Masyado nang huli. Kumalat na.
Narinig ko ang kaluskos sa labas ng kwarto