Amara Ysabelle Santiago is a 21-year-old architecture student who has lived most of her life trying to survive, not to dream. Raised in a small province and thrust into Manila by a scholarship, she never expected to catch the eye of the country's most powerful and cold-hearted billionaire, Killian Alaric Dela Vega. When their paths collide due to an unexpected business arrangement involving her estranged father, Amara finds herself locked into a marriage contract she can’t escape. He’s rich, ruthless, and emotionally frozen. She’s warm, stubborn, and hiding a past darker than he could ever imagine. Will Amara melt the ice surrounding Killian’s heart, or will she shatter in his world of power games and betrayal? This is the story of a girl forced into a cold billionaire’s world, where love was never part of the deal—but destiny had other plans
view moreAMARA POINT OF VIEW
Luma na ang bubong ng bahay namin. Tuwing umuulan, kailangan kong saluhin ang tumutulong tubig gamit ang mga plastik na timba at palanggana. Sa gabi, hindi ako agad makatulog dahil sa ingay ng mga kuliglig at tunog ng mga ipis na tumatakbo sa dingding. Pero hindi iyon ang pinakamahirap sa lahat. Ang pinakamahirap ay ang makitang unti-unting nanghihina si Mama araw-araw. "Ysa, anak..." mahinang tawag ni Mama habang nilalagyan ko siya ng basang bimpo sa noo. "Ako na po, Ma. Magpahinga na kayo," sabi ko habang pinipilit kong hindi magpakita ng pag-aalala sa boses ko. Tatlong taon na simula nang ma-diagnose si Mama ng chronic kidney disease. Pero nitong mga huling linggo, mas lumalala na ang lagay niya. Hindi na siya makabangon nang walang tulong. Ang mga mata niya laging mapungay, at ang balat niya parang kinapos sa dugo. Kasabay ng sakit ni Mama ay ang dagok ng bayarin—gamot, laboratory tests, dialysis. Kahit anong tipid ko sa baon at kita ko sa part-time job ko sa maliit na cafe sa bayan, hindi ito sapat. "Ysa, 'wag mong pabayaan ang pag-aaral mo, ha. Pangako mo 'yan sa akin noon," paalala ni Mama minsan habang sabay kaming nakahiga sa makitid na kama. Tumango lang ako at pinisil ang kamay niya. Oo, pinangarap ko talagang makatapos ng architecture. Scholarship student ako sa isang unibersidad sa Maynila, pero pansamantala akong bumalik sa probinsya para matutukan si Mama. Tuwing gabi, habang binabantayan ko siya, gumuguhit pa rin ako sa notebook ng mga bahay na may malalawak na bintana, matataas na kisame, at hindi kailangang saluhin ng timba ang ulan. Pero ang totoo, hindi ko na alam kung may patutunguhan pa ang pangarap ko. Kinabukasan, habang nilalakad ko ang kahabaan ng palengke papuntang ospital, dala ang isang brown envelope ng mga resulta ni Mama, pinilit kong hindi lumuha. Dalawang araw na akong walang maayos na tulog. Wala rin akong ganang kumain. Pinilit ko lang uminom ng tubig para hindi ako himatayin. Pagdating ko sa ospital, sinalubong ako ng amoy alcohol at tunog ng monitor ng vitals. Sa kwarto ni Mama, naroon ang doktor—si Dr. Ligaya, may edad na pero mabait. "Amara," sabi niya, malumanay ang boses. "Kailangan na talaga ng immediate dialysis ng nanay mo. Hindi na sapat ang maintenance niya. Kailangan na ring mag-umpisa ng series ng treatment para hindi na lalong lumala." Tumigil ang mundo ko. "Dok... magkano po lahat?" mahina kong tanong. Nagbuntong-hininga siya bago nagsalita. "Mahigit kalahating milyon, anak. At kailangan ito agad. The longer we wait, mas malaki ang chance na lumala ang kondisyon niya." Parang may kumalabog sa dibdib ko. Mahigit kalahating milyon? Ni hindi ko nga alam kung saan ako kukuha ng limang libo para sa susunod na linggo. "May social worker po ba? May pwede po ba kaming lapitan?" "May options tayo, pero mabagal ang proseso. We can try PCSO, pero hindi ito agad-agad. Baka ma-late na tayo." Tumango lang ako at hindi ko na narinig ang kasunod niyang sinabi. Parang nabingi na ako. Paglabas ko ng ospital, umupo ako sa waiting area, itinago ang mukha sa pagitan ng mga palad, at tahimik na umiyak. Diyos ko... ano na pong gagawin ko? Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakaupo roon. Ang init ng araw, pero parang hindi ko nararamdaman. Sa pagitan ng hikbi at panalangin, naramdaman kong parang may humintong sasakyan sa harapan ko. Tumigil ang isang itim na luxury car—isang SUV na mukhang hindi dapat dumadaan sa makipot na kalsada ng ospital namin. Wala akong pakialam. Hindi ko man lang tiningnan. Hanggang sa bumukas ang pinto at may lumabas na lalaki—matangkad, maayos ang postura, naka-itim na suit kahit tanghaling tapat. Sa likod niya ay isang lalaking mukhang bodyguard. "Amara Ysabelle Santiago?" tanong ng lalaki. Napatigil ako sa pag-iyak at agad na napalingon sa kanya. Napakunot-noo ako. "Sino po kayo?" Hindi siya ngumiti. Diretso ang titig niya sa akin, malamig pero hindi bastos. "Ako si Marco Santiago... ang tunay mong ama." Nanigas ako. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko—ang gulat, ang pagdududa, o ang inis. "Sorry po, pero siguro po nagkakamali kayo ng taong nilalapitan." "Sigurado ako. Ikaw ang anak ko. Anak kita sa nanay mong si Rowena." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. "Imposible. Hindi ko kayo kilala." Naglabas siya ng envelope mula sa kotse. Mga dokumento—birth certificate, DNA test result, mga larawan ng nanay ko noong bata pa siya na kasama siyang lalaki—siya. Ang lalaking ito. Hindi ako makapaniwala. Ang buong buhay ko, ang akala ko'y iniwan kami ng tunay kong ama. Ni hindi ko nga kilala ang pangalan niya. Tinanong ko minsan si Mama, pero lagi lang siyang umiwas sa usapan. At ngayon, eto siya. Nakaharap sa akin. "Bakit ngayon lang?" mahina kong tanong. "Bakit sa ganitong paraan n’yo ako kinilala?" "May dahilan ako, Amara. At handa akong bayaran ang lahat ng gastusin ng nanay mo." Napatingin ako sa kanya, nagtatalo ang puso at isipan ko. Totoo ba ‘to? May kapalit ba ‘to? At kung sakaling totoo nga... bakit ngayon? "Ano po'ng kapalit?" diretsong tanong ko, hindi na ako umiiwas. Tumingin siya sa akin, seryoso ang mga mata. "May kailangan akong pakiusap sa'yo. Pero hindi ko ito sasabihin ngayon. Sa ngayon, gusto ko lang malaman mo na hindi kita pababayaan." Tahimik akong tumango, pero ang puso ko'y puno ng tanong. Kung siya nga ang tunay kong ama... ito na ba ang sagot sa dasal ko? O panibagong simula ng gulo? Nilingon ko ang ospital, at ang bintanang kinaroroonan ni Mama. Gusto ko lang siyang gumaling. Gusto ko lang siyang mabuhay. Kaya kahit anong duda ko, kahit anong takot... huminga ako ng malalim at muling hinarap si Marco Santiago. "Sige po. Pero hindi ibig sabihin nito na naniniwala agad ako. Gagawin ko 'to para kay Mama." Tumango siya. "Iyon lang ang hinihiling ko." At sa araw na iyon, habang papasok ako sa loob ng sasakyan niya, alam kong binuksan ko ang pinto sa isang mundo na hindi ko kailanman inakalang sasapitin ko. Isang mundo ng yaman, lihim... at kapalit. —End of Chapter 1—Althea’s POVTahimik ang buong bakuran, maliban sa tawanan ng mga bata na naglalaro sa ilalim ng puno ng mangga. Nakaupo ako sa veranda, may tasa ng kape sa kamay at ang liwanag ng hapon ay sumasayad sa mga halaman na itinanim ni Mama noon. Ang bahay na ito—kung saan ako lumaki, nagrebelde, nagmahal, at bumalik—ngayon ay punong puno ng bagong alaala.Sa dami ng pinagdaanan ko, akala ko noon hindi ko mararating ang ganitong yugto ng buhay. Pero ngayon, habang nakikita ko ang anak ko at ang mga pamangkin niya na tumatakbo sa damuhan, ramdam ko kung gaano kaganda ang cycle ng pamilya.Dumating si Adrian, may dalang tray ng snacks. “Para sa mga gutom na apo,” biro niya habang nakatingin kina Mama at Daddy na nakaupo sa ilalim ng puno. Si Daddy, kahit medyo mabagal na kumilos, nandun pa rin yung postura niya. Si Mama naman, hawak ang isang maliit na gitara at tinutugtugan ng simpleng lullaby ang bunso naming anak na nakadapa sa kandungan niya.Lumapit ako sa kanila, umupo sa tabi ni Mama.
Althea’s POVHawak ko ang gitara ko sa backstage, pinakikiramdaman ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi dahil kinakabahan ako sa performance, kundi dahil alam kong ito na ang huling chapter ng mahabang kwento ko. Ang daming pinagdaanan para makarating dito — mula sa pagiging batang matigas ang ulo, hanggang sa pagiging babaeng natuto magmahal at magpatawad.Ngayon, narito ako sa harap ng isang malaking audience. Pero higit sa lahat, narito ang dalawang taong dahilan kung bakit naging posible ang lahat ng ito: sina Mama at Daddy.Naririnig ko ang tawanan ng audience, ang murmur ng mga tao habang naghihintay. Ramdam ko ang init ng ilaw mula sa stage na para bang nagsasabing oras na para tapusin ito sa paraang dapat — puno ng puso at pasasalamat.Pumikit ako sandali at huminga nang malalim. Naalala ko ang lahat ng sakripisyo nila. Ang mga gabing nag-aaway kami, ang mga araw na tahimik silang sumusuko sa akin pero hindi ako iniwan. Ngayon, gusto kong ibalik sa kanila lahat ng pagmamahal a
Althea’s POVNasa terrace ako ngayong gabi, hawak ang tasa ng tsaa habang nakatingin sa malayo. Tahimik ang paligid, maririnig lang ang mahina at banayad na hampas ng hangin sa mga halaman ni Mama. May lamig ang gabi pero hindi iyon sapat para palamigin ang init ng mga alaala na bumabalik sa akin ngayon.Hindi ko alam kung bakit ngayong gabi, pero parang kusa na lang sumulpot sa isip ko ang mga nakaraang taon. Yung mga panahong hindi ako marunong makinig, yung mga gabi na sumisigaw ako para ipaglaban ang tingin kong tama. Yung panahon na galit ako sa mundo at pakiramdam ko lahat ay kumokontra sa akin.Tumingin ako sa langit. Ang dami nang nangyari mula noon. Ngayon, may pamilya na ako, may anak na tinitingala ako. Hindi ko maiwasang mapaisip kung paano ako umabot sa puntong ito mula sa dating batang galit at palaging sumusuway.Naalala ko pa yung unang beses na nagsinungaling ako kay Mama at Daddy para lang makalabas kasama ang mga kaibigan ko. Ang bigat ng kaba noon, pero sa oras na
Althea’s POVHawak ko ang makapal na photo album na ilang taon nang naka-display sa sala. Ito yung album na unang binuo ni Mama noong kasal pa lang nila ni Daddy, at simula noon, naging tradisyon na namin na magdagdag ng mga bagong pictures bawat mahalagang yugto sa buhay namin. Noon, ako lang ang nasa huling mga pahina — baby pictures ko, unang birthday, first day of school. Ngayon, habang nakaupo ako sa harap ng album na ito, mapapansin na lumawak na ang kwento. May sarili nang pahina para sa pamilya ko.Dahan-dahan kong nilipat ang mga pahina habang nakaupo sa sahig ng sala. Nasa tabi ko ang anak ko na abala sa pagdudrawing, si Adrian naman nasa kabilang sofa, nagbabasa ng dokumento pero paminsan-minsan ay sumusulyap sa amin.Tumigil ako sa pahina kung saan nakalagay ang picture ng wedding namin. Nasa gitna kami ni Adrian, nakangiti, habang nasa gilid sina Mama at Daddy, parehong puno ng emosyon. Naalala ko pa ang araw na iyon, kung gaano kabigat at gaano kagaan sa puso. Kabigat da
Althea’s POV Hindi ko pa rin talaga makalimutan kung gaano kabigat ang emosyon na naramdaman ko noong araw na iyon. Five years old na ang anak ko ngayon, at kahit gaano siya kalikot at katalino, may mga moments pa rin na para siyang baby sa mata naming lahat. Nasa garden kami ng parents ko noon, isang simpleng weekend lunch lang dapat kasama ang buong pamilya. Pero naging espesyal ang araw dahil may isang maliit na eksenang hindi ko akalain na tatatak sa puso ko. Si Daddy—ang laging seryoso, laging composed—ay tahimik na nakaupo sa bench, pinapanood ang apo niya habang tumatakbo sa paligid. Nasa kamay niya ang isang maliit na laruan na bigay niya noon pa, at nakita ko kung paano siya napapangiti sa bawat tawa ng anak ko. Lumapit ako sa kanya. “Dad, okay ka lang?” Tumingin siya sa akin saglit, at doon ko nakita na medyo namumula ang mata niya. “Thea, hindi ko alam bakit pero… parang kahapon lang hawak kita sa ganito ring garden. Ngayon, apo ko na ang tumatakbo dito. Iba pala a
Althea’s POVLimang taon na ang lumipas mula nang una kong makita ang maliliit na kamay ng anak ko. Parang kailan lang, mahigpit ko siyang yakap sa ospital, natatakot akong baka madapa siya o may mangyari sa kanya. Pero ngayon, heto na siya—malaki na, matalino, at parang maliit na bersyon ko na may halo ring ugali ng tatay niya.“Mommy, tama ba ‘to?” tanong niya habang hawak-hawak ang maliit niyang ukulele. Mali pa ang paghawak niya sa chords pero kita ko ang effort sa mga daliri niya. Nakaupo siya sa maliit na stool sa tabi ng baby grand piano na minsan ginagamit ko sa pagtuturo sa kanya.Ngumiti ako at lumapit sa kanya. “Medyo mali ang hawak mo, sweetheart. Sige, Mommy will show you.” Hinawakan ko ang maliliit niyang daliri at inayos ang posisyon. “Dito dapat nakapindot para tumunog nang maayos. Try mo ulit.”Sinubukan niya ulit at medyo mas malinaw na ang tunog ngayon. Bigla siyang napangiti at parang proud na proud sa sarili. “Narinig mo, Mommy? Tama na!”Tumawa ako. “Oo, tama na
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments