“Hi,” bati niya sa asawa saka ito hinalikan sa pisngi.
“Hello,” bati palabalik ni Athalia sa kanya.
Pinagbuksan niya ito ng pinto, inalalayan niya na makapasok ito sa front seat ng kotse. Umikot siya papunta sa driver’s seat, sumakay na rin. Sinulyapan niya si Athalia, tahimik ito at tulala.
“Did something happened today?” nag-aalalang niyang tanong.
Ngumiti ito. “Nah, pagod lang ako.”
“Are you sure?” paniniguro niya.
“Yeah. I am just a little tired. Anong oras ba ang dinner natin with Mommy and Daddy?” kaswal na tanong nito.
“Around seven. I am sure you want to take a shower first. We still have time,” aniya saka pinaandar ang sasakyan.
Possessive siya pagdating sa asawa, kahit pa noong magkaibigan palang silang dalawa. Ayaw na ayaw niyang may lumalapit rito. Pinagbabantaan niya ang nagtatakang kausapin ito. Wala ring nagtatakang manligaw rito dahil pinagbabantaan niya lahat. Para sa kanya ay dahil nag-aalala siyang baka masaktan ito. Athalia is a good woman and she deserves so much