CHAPTER 23: MESSAGE REQUEST
@JoMar: Pwedeng ikaw na lang kainin ko? Pinigilan kong tumawa habang ngumunguya ako dahil sa comment na iyon. "Bawal po, e!" natatawang tanggi ko at inignora na ang comment ng mga lalakeng sobrang horny. Puro tuloy mga babae ang sinasagot kong comment. @Thanos Ford sent Tik Tok Universe @Thanos Ford: Sent you that gift coz you're my universe. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat at malaki ang ngiti ko habang pinapanood ang animation no'n. "Thank you, Thanos! You're such a sweet, guy!" medyo naiiyak na sambit ko dahil sa tuwa nang masundan iyon nang masundan dahil sa gift ng ilan. May lagpas one hundred na ring nag-send ng Rose. May nagsasabi pa sa comment na ang swerte ko dahil pinakamahal iyong sinend ni Thanos kaya