CHAPTER 24: STEP BROTHER
"Girls! I missed you, both!" maarteng tili ni Sandy nang magkita-kita kami. Nakasuot siya ng pink glittery dress at nakakulot pa ang buhok niya! Ako naman ay clean half up ponytail samantalang nakalugay iyong ibabang bahagi at nakaladlad sa magkabilng gilid ng mukha ko ang ilang kulot na hibla ng buhok ko. Sobrang linis ng pagkakagawa ni Erica roon at naka-sleek pa sa hairline ko ang mga baby hair ko para hindi magulo tignan. Si Erica, naka-high bun kaya litaw na litaw ang payat at mahabang leeg niya. Ang se-sexy namin! Pakiramdam ko, hindi talaga kami pagkakamalang underage mamaya! Humalik ako sa pisngi niya at gano'n din siya nang yumakap kami sa isa't-isa. "I have my gift for you, nasa likod ng car! And I also have one for Erica from Dubai!" masayang paliwanag niya dahil galing sila roon ng pamilya niya. Hindi pa namin bakasyon pero sadyang napa-aga lang iyong kanya. Nex