CHAPTER 29: WHO ARE YOU?
Kaagad na uminit ng todo ang pisngi ko at bumulwak ang tawa ko dahil sa pagiging seryoso niya masyado. "Vlad!" puna ko at kaagad na hinawakan ang kamay niya para patigilin siya. Ramdam kong uminit din ang parte ng pagkababae ko dahil nabubuhay na naman ang katawan ko! "Stop teasing me first, Reina!" hiling niya at muling umangat ang haplos niya. Hindi talaga siya nagpatinag! Napakagat ako ng pang-ibabang labi para pigilan ang ngiti. "Hindi na po!" pagsuko ko at humigpit ang hawak sa kamay niyang nasa hita ko. Naging malalim ang titig niya sa akin at umawang ng kaunti ang labi niya. "Confess your feelings for me, baby," hiling niya sa malalim ding boses. Napadila ako ng pang-ibabang labi ko na nanunuyo. Pansin kong bumaba ang tingin niya roon kaya hindi ko mapigiliang mapangiti. Nakakatunaw ang titig niya! Parang ang ganda-ganda ko sa paningin niya! Hin