CHAPTER 35: RED FLAG
Huminto siya sa paglalakad nang makarating ako sa tapat ng pwesto ko kanina. "I'll go ahead, Rei!" paalam pa niya at pinanood ko siyang bumalik sa madilim na bleachers. Muli kong binuksan ang phone ko nang maka-upo ako ulit sa pwesto ko imbes na patuloy panoorin ang mga estudyante sa Class B. Kumirot lalo ang puso ko dahil walang paramdam si Vladimir. Busy ba talaga siya sa trabaho kaya nakalimutan niya ako? Pinindot ko ang pangalan niya para magtipa na lang ng mensahe sa kanya imbes na lunurin ang sarili sa mga tanong na tanging siya lang ang makakasagot. Reina: Hello po. Natanggap ko na 'yong awards ko. Okay lang kahit hindi ka na pumunta kung busy ka po masyado. Eat ka na rin po ng dinner. Love you, Vlad! Bumuntong hininga na lang ako nang mai-send iyon sabay nilibang ang sarili sa panonood ng event. Kahit inaantok na ako at wala nang gana ay ngumiti pa