CHAPTER 36: REASON
Tahimik nang makarating ako sa pinakamataas na floor ng Condominium. Sinibukan kong i-activate ang doorbell ng unit pero mukhang hindi pa naka-uwi si Vladimir. Naka-ilang pindot na ako pero hindi pa rin bumubukas ang pinto. Ibinaba ko ang mga dalang gamit para buksan ang phone at tawagan siya pero wala pa ring sumasagot kaya si Kuya Roel na ang tinawagan ko. Siya kasi ang nagbigay sa akin no'ng extra key card na pambukas ng unit. Hindi ko iyon dinala dahil akala ko ay sabay kaming uuwi ni Vladimir pero naman hindi pala. Masyado siyang naging busy sa ibang bagay! "Kuya Roel!" masayang bati ko kahit papaano. Akala ko ay hindi ko na rin siya maco-contact pero buti ay sinagot niya ang tawag ko! "Opo, ma'am! Bakit po kayo napatawag?" sobrang galang niya talaga kahit mas matanda naman talaga siya sa akin. "Magkasama po ba kayo ni Daddy? Hindi ko po kasi siya ma-conta