Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View
Nang makarating kami sa isang coffee shop sa Tagaytay, tumigil kami roon. Pinagbuksan pa nga ako ng pinto ng aking driver, eh, pero hindi ko magawang magpasalamat.
Medyo nanginginig pa nga ang aking mga hita kung tutuusin, dahil sa takot. Kanina ko pa pilit pinakakalma ang aking sarili, pero matapos kong masaksihan ang ganoong klaseng buhay, parang masisiraan na ako nang bait.
“Ayos lang po ba kayo, ma’am?” tanong sa akin ng driver ko nang huli niya kaagad ang aking siko.
Kung hindi niya ako nahawakan sa siko, at inalalayan, baka kanina pa ako napasalampak sa maruming semento.
“Nanginginig ka, ma’am,” puna ng driver.
Sinubukan kong ngumiti, pero hindi ko talaga kaya. Matapos kong masaksihan ang ganoong senaryo, magagawa ko bang umakto na parang normal?
First time ko ang ganoon. First time kong habulin kami ng kalaban, at pilit pang pinauulanan ng bala.
Kung ikukumpara nga ‘yon, walang-wala ang bagay na ‘yon sa nangyari dati sa engagement