Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View
Bumabagabag sa akin ang handwritten note na ‘yon. Sa coffee shop na ‘to kasi, hindi sila nagdidikit ng note sa mga order. Kaya bakit mayroon akong natanggap na note, tapos pangalan ko ang nakalagay?
Napahilamos naman ako ng aking mukha, dahil bumagabag ‘yon sa akin hanggang sa makarating kami sa headquarters.
Inabot kami nang gabi sa daan kanina, dahil nagpalipas talaga ako nang oras doon kasama ng aking mga bodyguard, at maging si Francesco.
Kahit naman nasa labas lang si Francesco ng coffee shop, at may kausap sa earpiece niya, alam kong nakikiramdam ‘yon sa paligid.
“What’s with the sudden attack?” tanong ng kung sino nang dalhin ako ni Francesco sa isang room.
‘Yong mga lalaking nandito sa loob ng office ay mga nakita ko na no’n nang magpunta kami rito biglaan ni Saverio. ‘Yong time na nalaman kong ibinenta pala ako sa isang drug lord, at ‘yong nagawa namin ni Saverio ang bagay ‘yon sa kuwarto ng kaniyang office.
“Take yo