Chyrll Point of View.
Nagtipon tipon na kami dito sa ginawa naming bonfire, pinaapoyan ito ni Cohen kanina.
Maraming Mangyan ang mga trabahador dito ni Lolo at ni Lola na halos dito na nakatira kaya nakasanayan na daw ni lola ang na gawin ang tradisyon ng mga katutubong Mangyan kapag ka ganitong may pagdiriwang.
Pinatugtog nila ang tradisyon nilang kanta ang Ambahan na isang uri ng kanta na ginagamit ng mga Mangyan sa seremonyas at pagdiriwang.
Tumayo na ang iilan na mag-aasawa na Mangyan, sila ang nagpasimuno ng sayaw. At mga ilang minuto ay sina Lolo Daimond at Lola Elizabeth naman ang tumayo at nakisayaw narin. Napapalibotan nila ang bonfire habang sumasayaw sila, nakakatuwa lang dahil hindi ko akalain na sila Lolo Daimond at Lola Elizabeth ay marunong makihalubilo sa mga katutubong Mangyan.
Lumapit sa akin si Cohen, ang binatang Mangyan na naghanda ng meryenda namin ni Rasselle.
Nagkatinginan kami Rasselle ng ilahad ni Cohen ang kamay niya sa akin.
Nakangiti naman na