Jasmine'sPOV
Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Jarred sa sinabi niya. Hindi ko akalain na ganun ang epekto ng tatlong katagang iyon. Kailan lang noong hiniling ko na sana marinig ko iyon mula sa kaniya.
Ngayon, paulit-ulit ko na naririnig mula sa kaniya. Napakabilis ng tibok ng aking puso ko ng mga sandaling iyon. Para bang hindi gumagana ng maayos ang utak ko. Sh*t! Tumikhim si Jarred at ipinaghila ako ng upuan.
"Maupo ka, Jasmine." aniya. Doon lang bumalik ang aking kamalayan sa kasalukuyan.Nginitian ko siya.
"Salamat." ani ko at umupo sa upuan.
"Walang anuman." aniya at hinila ang upuan niya patungo sa tabi ko.
Kumuha siya ng dalawang plato na nasa gilid ng mesa. May disk cabinet roon na may katamtamang laki. Inilapag niya ang isa niyon sa harapan ko at ang isa naman ay sa harapan niya. Kinuha niya ang lunch box na naglalaman ng kanin at nilagyan ang plato ko, ganun din ang plato niya. Ti