Walang kamalay-malay si Lia sa presensya ni Owen sa likod niya. Dire-diretso lang ang paglalakad niya.
Hindi maalis ni Owen ang mga mata niya sa likod ni Ria. Hindi pa ito nakasuot ng proper attire para sa pool party ngunit kahit gano'n ay hindi pa rin niya mapigilan ang kaniyang sarili na mag-init. Likod pa lang ng asawa ng Uncle Leon niya ay napakaganda nang tingnan, paano pa kaya ang harapan nito?
Alam ni Owen na hindi si Ria ang ex-fiancee niya dahil asawa ito ng Uncle Leon niya, ganunpaman ay nais talaga niyang mahawakan ang malambot nitong balat, bagay na hindi niya nagawa kay Lia noon. Ni isang beses ay hindi niya nagawang mahalikan ang balat ni Lia noong nabubuhay pa ito. Kaya ngayon ay parang mag nag uudyok sa kaniya na gawin ang mga bagay na hindi niya naranasan kay Lia kay Ria, lalo na at kamukhang-kamukhang nito ang yumao niyang ex-fiancee.
Sa bawat pitik ng bewang ni Ria ay napapalunok si Owen. Para siyang asong ulól na naglalaway sa isang masarap na pagkain at parang i