Share

Kabanata 120

Author: Docky
last update Last Updated: 2025-06-25 11:37:23

‘Ano na kaya ang ginagawa ni Leon? Tungkol saan kaya ang pag-uusapan nila ni Kuya Rolly? Tungkol kaya sa company?’ Napailing si Lia sa iniisip. “Baka magbago na naman ang mood ni Leon kapag natagalan ang pagbalik ko sa baba. Daig pa naman niya ako sa pagiging moody,” bulong niya.

Nang makarating si Lia sa silid nila ni Leon ay dali-dali siyang naglakad papasok nang maramdaman niyang naiihi na siya. Nakalimutan na niyang isara ang pinto dahil dumiretso agad siya sa banyo para umihi pero kinuha niya muna ang swimsuit na nakahanda na sa may kama bago tuluyang pumunta sa banyo. It was designed only for her. Walang ibang p'wedeng magsuot noon kung hindi siya dahil ipinasadya pa iyon ni Donya Rehina para sa kaniyang sukat.

Habang si Ria ay nasa banyo, pumasok naman nang dahan-dahan si Owen sa silid. Maingat niyang isinara ang pinto. Sa bawat hakbang niya ay pinagpapawisan siya sa kaba. Hindi man niya nakuha si Lia noon ay sa kamukha naman niya nito maisasakatuparan ang lahat ng nais niyang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Joselita Garcia
buti nlang Hindi anak ni Owen ung anak ni Lia at ang contract husband talaga Niya ang tunay na ama ni Leona at sana Malaman ni Lia na buhay ang anak nila ni Leon sana din IPA review ni Leon ung CCTV ng hotel 5years ago para Malaman Niya c Lia ang babaeng kasiping niya
goodnovel comment avatar
Amy Marquez Samson
ty po sa pag update mis docky....
goodnovel comment avatar
Sue Emblawa
hahaha natawa ako sa parang asong naglalaway .........
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 120

    ‘Ano na kaya ang ginagawa ni Leon? Tungkol saan kaya ang pag-uusapan nila ni Kuya Rolly? Tungkol kaya sa company?’ Napailing si Lia sa iniisip. “Baka magbago na naman ang mood ni Leon kapag natagalan ang pagbalik ko sa baba. Daig pa naman niya ako sa pagiging moody,” bulong niya.Nang makarating si Lia sa silid nila ni Leon ay dali-dali siyang naglakad papasok nang maramdaman niyang naiihi na siya. Nakalimutan na niyang isara ang pinto dahil dumiretso agad siya sa banyo para umihi pero kinuha niya muna ang swimsuit na nakahanda na sa may kama bago tuluyang pumunta sa banyo. It was designed only for her. Walang ibang p'wedeng magsuot noon kung hindi siya dahil ipinasadya pa iyon ni Donya Rehina para sa kaniyang sukat.Habang si Ria ay nasa banyo, pumasok naman nang dahan-dahan si Owen sa silid. Maingat niyang isinara ang pinto. Sa bawat hakbang niya ay pinagpapawisan siya sa kaba. Hindi man niya nakuha si Lia noon ay sa kamukha naman niya nito maisasakatuparan ang lahat ng nais niyang

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 119

    Walang kamalay-malay si Lia sa presensya ni Owen sa likod niya. Dire-diretso lang ang paglalakad niya. Hindi maalis ni Owen ang mga mata niya sa likod ni Ria. Hindi pa ito nakasuot ng proper attire para sa pool party ngunit kahit gano'n ay hindi pa rin niya mapigilan ang kaniyang sarili na mag-init. Likod pa lang ng asawa ng Uncle Leon niya ay napakaganda nang tingnan, paano pa kaya ang harapan nito?Alam ni Owen na hindi si Ria ang ex-fiancee niya dahil asawa ito ng Uncle Leon niya, ganunpaman ay nais talaga niyang mahawakan ang malambot nitong balat, bagay na hindi niya nagawa kay Lia noon. Ni isang beses ay hindi niya nagawang mahalikan ang balat ni Lia noong nabubuhay pa ito. Kaya ngayon ay parang mag nag uudyok sa kaniya na gawin ang mga bagay na hindi niya naranasan kay Lia kay Ria, lalo na at kamukhang-kamukhang nito ang yumao niyang ex-fiancee.Sa bawat pitik ng bewang ni Ria ay napapalunok si Owen. Para siyang asong ulól na naglalaway sa isang masarap na pagkain at parang i

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 118

    Agad na tumayo sina Leon at Lia at sinalubong ang dalawa.“Good evening po, Ate Guada and Kuya Rolly," malambing na bati ni Lia.“Good evening too, Ria. Magbibihis ka na ba? Gusto mo sabay na tayo? I know where your room is. I will drop you first tapos saka ako pupunta sa room namin ni Rolly,” nakangiting sabi ni Guada.“Ah. Salamat na lang po, Ate Guada. Sasamahan na po ako ni Leon. Sabay na po kaming magbibihis," magalang na pagtanggi ni Lia.“I'm afraid Leon can't accompany you. May kailangan kasi silang pag-usapan ng Kuya Rolly niya. It's an important matter and an urgent one too. Hindi ba, honey?" Ipinatong ni Guada ang kaniyang isang kamay sa balikat ni Lia.Tumango lang si Rolly.“Let's go, Ria. We need to change na para makaligo na tayo sa pool. Hinihintay na tayo for sure ng mga bisita. Lalo na ikaw. Isa ka sa highlights ng gabing ito," aya ni Guada.“S-Sige po, ate." Tumalikod si Lia at sumunod kay Guada.“Wifey,” pigil ni Leon sa asawa. “Where are you going?”Tipid na ngumi

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 117

    Nang makapasok sina Lia at Leon sa loob ng mansyon ni Donya Rehina ay bumungad agad sa kanila ang ingay na nagmumula sa pool area. Iginiya sila ng kasambahay papunta sa pool area at nakita agad nila ang iilang board members na naroon.“Mr. Leon. Miss Ria!” bati ng matandang lalaki na unang lumapit sa mag-asawa.Nakipagkamay sina Lia at Leon sa matandang lalaki hanggang sa sunod-sunod na ang bumati sa kanila. Hindi magkamayaw ang mag-asawa sa pagbati pabalik. Hindi na nila mabilang kung ilang tao na ang nakamayan nila. Ramdam ng lahat roon na sila talaga ang bida sa gabing iyon. Mainit ang pagtanggap ng lahat sa kanila.Sa isang sulok sa pool area ay nakaupo si Owen sa isang rattan chair. Prente siyang nakasandal habang sumusubo ng ubas. May suot siyang black shades kaya hindi halata kung sino ang tinitingnan niya.“The main characters of the party are finally here,” naiiling na sambit ni Owen sa kaniyang isipan. Nakaramdam ng lungkot si Owen dahil wala ang fiance niya sa party. Napa

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 116

    Hinabol ni Leon si Lia bago pa man may makakita sa kanila na hindi sila magkasabay na pumasok sa loob. “Wifey…” "Bakit Mr. Pogi? May kailangan ka?” pang-aasar ni Lia. Hindi niya rin mawari kung bakit madalas siyang naiinis sa kaasbagan ni Leon. Totoo naman ang sinasabi nito pero hindi na naman nito kailangang ipamukha palagi sa kaniya na magandang lalaki ang napangasawa niya. Iniisip pa lamang niya na ganoon din kahangin ang asawa niya sa ibang babae ay nanggagalaiti na siya sa inis. Siguro ay abot-tainga ang ngiti nito kapag may pumupuring babae rito lalo na siguro kung sexy, maganda at mabango ang babaeng naguguwapuhan dito. Napapikit siya nang mabilis para iwaglit sa isip niya ang naiisip niya. “Oh? Akala ko ba, hindi ako guwapo? Bakit Mr. Pogi ang tawag mo sa akin ngayon?” Inayos ni Leon ang buhok niya. "Hindi mo ba alam ang salitang sarcasm?" Nawala ang kurba sa labi ni Leon. “Sarcasm?" Pilyo siyang ngumiti. May naisip na naman siyang paraan para asarin ang misis niya. Inakb

  • Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle   Kabanata 115

    Nakarating nang matiwasay sina Leon at Lia sa mansyon ni Donya Rehina. Hindi pa rin umiimik si Leon kay Lia. Bago pa siya makababa sa kotse ay pinigilan siya nito. “Leon,” tawag ni Lia. Lumingon si Leon kay Lia, “What is it?” “Are you okay now?” tanong ni Lia. Ayaw niyang masama pa rin ang timpla ni Leon pagpasok nila sa loob. “I mean, kanina ka pa kasing wala sa mood. Ayaw kong isipin ng iba na hindi tayo magkaayos…Leon. Kung anuman ang kinagagalit mo–” “Hindi ako galit,” agap ni Leon. “Ayos lang ako. Pumasok na tayo sa loob. Alam natin na hinihintay na tayo ng lahat kanina pa.” Nag-iwas siya ng tingin sa kaniyang asawa. Bumuntong hininga si Lia. Ramdam niya ang panlalamig ni Leon sa kaniya pero hindi na niya iyon binigyan ng pansin. “Then that’s great. Baba na tayo?” “Sige,” tugon ni Leon saka bumaba. Hindi man lamang niya nilingon ang kaniyang asawa. Napangiwi na lang si Lia dahil halatang-halata naman niyang hindi pa rin okay si Leon. Nauna itong bumaba ng sasakyan kaysa s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status