Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle

Desired by my Ex-fiance's Rich Uncle

last update최신 업데이트 : 2025-06-10
에:  Docky연재 중
언어: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
17 평가. 17 리뷰
115챕터
13.3K조회수
읽기
서재에 추가

공유:  

보고서
개요
목록
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.

(Tamahome and Lia's Story) After being buried alive by her ex-fiance and adopted sister, Lia Reed survived miraculously and promised herself to get back on the two. While performing her duty as a doctor, she met Leon Ashton, his ex-fiance's uncle. Leon was captivated by her beauty and when his grandmother came, he suddenly grabbed her hand and introduced her as his bride-to-be! Knowing Leon, Lia decided to play along and schemed a dangerous plan. Mauuwi ba sa totoong kasal ang kanilang nilagdaang contract marriage? Mahihilom ba ng hindi inaasahang pag-ibig ang malalim na sugat ng nakaraan o mas lalo lamang silang masasaktan?

더 보기

1화

Panimula

“Nagmamakaawa ako sa inyo, huwag niyong gawin sa akin ‘to. Ibibigay ko na ang shares ko sa company. Hahayaan ko na kayong magmahalan…huwag niyo lang akong ilibing ng buhay.” Halinhinang tinapunan ng tingin ni Lia Reed sina Owen Ashton at Kiana Reed. “Please. Kia, we're family. Owen, we've been together for five years! Let me go!”

Matapos matuklasan ni Lia ang affair ng kaniyang fiancé at adopted sister ay nagsunod-sunod na ang kamalasan sa buhay niya. Kiana did everything to kick her out of her own family. Owen told the media that she cheated on him after they lost their daughter. And now, they’re about to bury her ALIVE!

“Parang awa niyo na! Pakawalan niyo na ako! Kamamatay lang ni mommy! Hindi kakayanin ni daddy kapag nawala aga—”

"Oh! Really? Pinalayas ka na nga ni daddy, nasasabi mo pa rin ‘yan? Listen, I prepared something for you, my dear sister.” Kiana smiled before she got her phone. She played an audio file.

"Puro na lang kamalasan ang dala ni Lia sa pamilya natin! Mamatay na sana siya!"

Dahan-dahang tumulo ang mga luha ni Lia sa kaniyang mga mata. Simula nang mawala ang kaniyang anak at ina ay naramdaman niyang lumayo ang loob ng kaniyang ama sa kaniya pero hindi pa rin siya makapaniwalang sasabihin nito ang mga gano'ng salita!

Pilit na ngumiti si Lia. “Hindi totoo ‘yan. Ako na lang ang natitirang pamilya ni daddy. Hindi niya sasa—”

Hindi na naituloy ni Lia ang sasabihin niya nang takpan bigla ni Owen ang kaniyang bibig gamit ang duct tape. Nakaupo siya sa isang silya sa ilalim ng isang malaking puno habang pilit niyang inaalis ang mga tali sa kaniyang mga kamay at paa.

“Just accept it, Lia. Hindi ka na mahal ni daddy. Hindi ka na parte ng pamilyang Reed!” Umirap si Kiana. Sinilip niya ang hukay. "Malalim na ‘yong nahukay mo, babe. P'wede mo na siyang itapon dito pero bago ‘yon, let me have some fun.” Sinabunutan niya si Lia at saka pinagsasampal hanggang sa mamula ang parehong pisngi nito. Hindi pa siya nakuntento. Sinipa niya ang isang paa nito dahilan para matumba ito mula sa upuan.

Napasubsob si Lia sa lupa. Nagtamo siya ng galos sa kaniyang mukha nang mapatama iyon sa isang matulis na bato. Napadaíng siya nang sipain siya ng ilang beses ng kaniyang kapatid.

“Ikaw na lang palagi ang magaling sa mga mata ni mommy! Ikaw na lang palagi ang pinapaburan at ipinagmamalaki niya! Kahit anong gawin ko, balewala sa kaniya. Alam mo bang gigil na gigil ako kay mommy? Sa sobrang gigil ko sa kaniya, nakipagsagutan ako sa kaniya. Inilabas ko lahat ng sama ng loob ko kaya nalagutan ng hininga ang pinakamamahal mong ina!” Nangingilid ang mga luha ni Kiana habang sinasabi niya iyon. Dire-diretso pa rin ang pagsipa niya kay Lia.

“Babe, tama na. Sugat na ang mga braso ni Lia. Hindi ba’t ang usapan natin ay hindi natin siya sasaktan pero ililibing natin siya ng buhay? Hindi ba gano'n ang nais mo? Bakit sina—”

"Mahal mo pa ba ang babaeng ‘yan?” Itinuro ni Kiana si Lia na halos wala ng malay.

"Hindi na! Kung mahal ko pa siya, bakit ko pa hinukay ang magiging libingan niya? Kumalma ka. Tama na. Kailangan na nating madaliin ito,” ani Owen.

Mabilis na binuhat ni Owen si Lia habang nagwawala ito. Pinipilit pa rin nitong sumigaw kahit may takip na ang bibig nito. “Lia, save your energy. Kahit anong sigaw mo, walang makakarinig at tutulong sa'yo rito,” bulong niya sa likod ng tainga ng kaniyang fiancee sabay tawa nang malakas.

‘Mga demonyo kayo! Sagad na sa buto ang kawalang hiyaan niyo! Oras na makaligtas ako rito, pagbabayarin ko kayo! Pagbabayaran niyo ang lahat ng ginawa niyo sa akin at kay mommy!’ piping sigaw ni Lia bago pa man lumapat ang buong katawan niya sa lupa. Masyadong malakas ang pagkakahagis sa kaniya ni Owen kaya nawalan siya ng malay.

“Sige na! Tabunan mo na siya para matapos na." Lumakad si Kiana patungo sa isang upuan. Kumuha siya ng yosi at sinindihan iyon. “Sa wakas, masosolo ko na rin ang yaman ng mga Reed. Madali nang iligpit si daddy dahil nasimulan ko na ang paglason sa kaniya."

Pilit na iminulat ni Lia ang kaniyang mga mata. ‘Kailangan kong mailigtas si daddy! Kailangan kong mabuhay!’

Tumingin si Kiana kay Owen na ngayon ay abala na sa pagtatabon ng lupa sa halos wala nang malay na si Lia. Hinithit niya ang sigarilyo. “Wala ng magiging hadlang sa pagmamahalan namin ni Owen. Rest in peace, my dear sister.”

Makalipas ang ilang minuto ay natapos din si Owen sa pagtatabon kay Lia. Umupo siya sa tabi ni Kiana at naki-hithit ng sigarilyo rito. “Now, she's with tita and our daughter. She will be happy. She should thank us for doing her a favor.”

Kiana smirked and stood up. "That bítch doesn't know how to be thankful.” She suddenly kissed Owen.

Ayaw pa sanang tumigil ni Owen sa paghalik kay Kiana pero si Kiana na mismo ang kusang lumayo sa kaniya. Kinuha nito sa kaniyang kamay ang sigarilyo at itinapon iyon sa may damuhan.

“If you want to have more, then we should go," pilya at malanding sambit ni Kiana.

Agad namang ipinulupot ni Owen ang kaniyang mga kamay sa bewang ni Kiana na para bang wala silang ginawang kasalanan. Nilisan nila ang gubat nang nakangiti at nagdidiwang.

Hirap na hirap nang huminga si Lia. Wala na siyang nagawa kung hindi ang manalangin. Pumatak ang kaniyang huling luha habang pikit ang kaniyang mga mata.

"Tama, wala na sila. Nakaalis na ang kanilang sasakyan," ani Jackson sabay supla ng bubblegum sa lupa.

Mabilis na tumakbo si Leon sa pinaglibingan kay Lia. "Let's save her! Hindi siya p'wedeng mamatay!”

“ Tamahome este Leon, kukuhanin ko na ba ang hidden camera?” tanong ni Jacob habang sumusupsóp ng lollipop.

"Nako, Hakob, itinatanong pa ba 'yan? Malamang! Isa pa, huwag na nating tawaging Tamahome si Tama dahil Leon naman pala ang totoo niyang pangalan. Leon Ashton, ang tagapagmana ng Ashton Ventures! Akalain mong nagresign sa pagiging pulis para maging negosyante tulad nating mga Gra–"

"Jett, puro ka daldal. Mamaya ay tatawag na sa atin ang ating mga asawa kaya kailangan na nating kumilos para iligtas si Miss Reed," ani Jackson habang pingot niya ang tainga ni Jett habang naglalakad palapit sa pinaglibingan kay Lia.

"Hold on, Lia. I'm going to save you. Iniligtas mo nang araw na ‘yon ang buhay ko kaya ako naman ang magliligtas sa’yo ngayon," bulong ni Leon habang naghuhukay kasama ang kaniyang mga kaibigan --ang magkakapatid na Gray.

"Wala na rito ang camera!” sigaw ni Jacob sabay takbo palapit sa kaniyang mga kasamahan.

"Fúck! That kid! Hayaan niyo na! Tumulong na kayo rito! We need to save her ASAP!” buong lakas na sigaw ni Leon.

Matapos ang mabilisang paghuhukay ay nakita rin sa wakas ni Leon ang doktor na nagsalba sa buhay niya noon. Dali-dali niya itong binuhat at inihiga sa may damuhan. Pinulsuhan niya ito at agad tsinek ang paghinga nito. Nang hindi niya ito maramdaman ay mabilis niyang pinump ang dibdib nito. “L-Lia, gu-gumising ka…” aniya sa nag-aalalang boses. Sinunggaban niya ang labi nito para subukang bigyan ito ng oksihina. “Lia, wake up!”

Inawat ni Jackson ang kaniyang kaibigan sa ginagawa nito. “Leon, isakay na natin siya sa sasakyan. Jacob already called the hospital where she works. They’re now waiting for her arrival.” Tiningnan niya si Jett. “Get her. May oxygen tank sa sasakyan ni Hakob.”

Agad na tumalima si Jett sa sinabi ng kaniyang kuya. Kinuha nito si Lia kaya’t naiwang tulala habang nakaupo si Leon sa may damuhan. Kuyom na kuyom ang mga kamao nito.

“I let you have her, Owen dahil buong akala ko ay mas mapapabuti at mas sasaya siya sa piling mo. You proved me wrong. Magsimula ka nang magdasal na sana ay mabuhay pa si Lia dahil kung hindi, you and your mistress will take the fall. Either way, you’re going to pay for this. Your long lost uncle will help your ex-fiancee to get her revenge,” nagngingitngit na sambit ni Leon sabay suntok nang sunod-sunod ng napakalakas sa lupa.

펼치기
다음 화 보기
다운로드

최신 챕터

더보기

독자들에게

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

댓글

default avatar
Rose Marie Erespe
Nice and thank you s mga magagandang story ng mga books mo,
2025-05-09 06:55:00
1
user avatar
Michelle Magpantay
napaka gandaaaaa
2025-04-05 14:43:22
1
user avatar
Ulyssies Magpantay
ang ganda ng story basahin niyo na!
2025-04-05 10:06:37
1
user avatar
Glenda Magpantay Doctorr
Ganda ng story ate tuloy mo lang yan 🫶
2025-04-04 22:53:40
1
default avatar
Mia Shielet Africa Bigata
Worth to read, basta di sayang yung oras mo sa mga libro ni Ms. Docky...🥹... Waiting for more chapters......
2025-04-03 23:31:16
1
user avatar
Jenny
Ang ganda ng story, basahin niyo na rin! Waiting pa sa upcoming chapters ni Ms. Docky....️
2025-04-01 18:34:30
1
user avatar
Sue Emblawa
nakaka-excite basahin araw-araw...
2025-03-25 10:34:45
2
user avatar
Purple Moonlight
A must read story again! (⁠つ⁠✧⁠ω⁠✧⁠)⁠つ
2025-03-25 07:08:28
1
user avatar
MeteorComets
Highly recommended everyone. Must read basta gawang Ms. Docky!
2025-03-22 11:19:06
1
user avatar
Totoy
highly recommended
2025-03-20 03:47:49
1
user avatar
Roxxy Nakpil
Highly reccommended ...️
2025-03-19 21:09:33
1
user avatar
Chanel Louis
Highly recommended... Waiting for next chapters po Ms. Docky
2025-03-19 11:59:52
1
user avatar
Mairisian
Highly recommended !!! 🫶🫶🫶
2025-03-19 02:24:26
1
user avatar
Sue Emblawa
ang bago kong aabangan araw-araw.........
2025-03-18 14:44:43
1
user avatar
Sue Emblawa
ang bago kong aabangan araw2x.
2025-03-18 14:43:39
1
  • 1
  • 2
115 챕터
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status