“Okay ka lang?” concerned na tanong ni Darwin. At dahil doon ay hindi ko na napigilan ang maiyak. Mahigit isang buwan kong hinintay na magkamalay si Lance. Tapos paggising niya ay hindi man lang niya ako maalala. Ang sakit-sakit at maging ang lalamunan ko ay tila may apoy na bumabara.
“Ang sakit pala kapag ma-experience ang gano’n. Sa TV ko lang nakikita ang mga ganiyan, pero ngayong naranasan ko na mismo para akong pinapatay,” humahagulgol na sabi ko. Ni hindi na ako makahinga nang maayos dahil sa sobrang paninikip ng dibdib ko.
“Huwag mo na munang isipin iyon. Sabi naman ni Dok, normal lang daw iyon, ‘di ba? Malay mo mamayang paggising niya makilala ka na niya ulit,” pang-aalo niya sa akin. Bahagyang humina ang pag-iyak ko at tiningnan siya.
“Paano kung hindi?” parang batang tanong ko.
“So, susuko ka na?” tila nanghahamong tanong niya. Pero agad akong umiling at pinahid ang mga luha ko.
“Hindi. Marami na kaming pinagdaanan ni Lance. Kaya kahit ano’ng mangyari hindi