Katunayan ay nagkaroon lang naman sila ng ideya dahil sa anak ni Landon. Natanong nito sa kanila kung ano ang blood type nina Leonardo at Emily para sa assignment nito.
"Daddy, anong blood type nina Grandpa at Grandma?" Tanong ni Luke.
"Pareho silang type AB," sagot ni Landon.
Kinuha ni Luke ang kanyang notebook at sinulat ang sagot nito. Maya-maya pa'y unti-unting nangunot ang maliit na noo ni Luke. "Pareho po kayong lahat na type AB pero bakit si Tita Liliana type O siya?"
Agad namang lumapit si Landon sa kanyang anak at tiningnan ang laman ng notebook nito. "Anong blood type ng Tita Liliana mo?"
"Daddy naman eh! Type O nga!" Nayayamot nitong sagot.
"Sinong nagsabi sayo?" Muling tanong ni Landon.
"I called Tita Liliana to ask. Sabi niya type O siya."
Pinatapos muna ni Landon sa aralin nito si Luke bago niya kinausap ang mga magulang niya.
"Dad, sigurado po ba kayo na kapatid ko talaga si Liliana?" Tanong ni Landon sa mga magulang niya.
Napailing si Leonardo bago sumagot. "Kapatid mo