Nahuli ni Scarlett Dorothy ang asawa niyang si Liam Griffin Vergara na nagtaksil sa kanya kasama ang babaeng una nitong minahal. At ang mas masakit pa ay pinili ni Liam ang babae nito kaysa sa kanya. Kasabay ng pagkawasak ng kanyang puso, nawala din ang anghel sa sinapupunan niya. Tinalikuran siya ng kanyang asawa, namatayan siya ng anak, naiwan siyang mag-isa. Kung kailan akala niya wala ng pag-asa ang buhay niya, dumating ang mag-asawang nagpakilala na kanyang tunay na mga magulang. She became a billionaire heiress in an instant with all the resources she could use to stand on her own feet. Pipiliin kaya ni Scarlett ang paghihiganti sa mga taong nanakit sa kanya o mas gugustuhin niyang magpatawad para sa kapayapaan ng puso niya?
View More"A—anong ibig sabihin nito?" Nanginginig ang boses na sambit ni Scarlett Dorothy nang makita mismo ng dalawa niyang mga mata ang kanyang asawa sa ibabaw ng kama, hubo't-hubad kasama ang isang babae.
Gulat na napatingin sa gawi niya si Liam Griffin Vergara—ang kanyang pinakamamahal na asawa.
"S—scarlett," tanging naibulalas nito.
Mabilis na bumangon sa kama si Liam at isinuot ang hinubad nitong boxer shorts samantalang ang babaeng kasama nito ay kaswal lang na nagtakip ng katawan para itago ang sarili habang siya ay halos hindi na makahinga dahil sa sakit na nararamdaman niya. Para bang pinipiga ang puso niya at mamatay yata siya sa sakit.
"P—paano mo nagawa sakin 'to Liam?" Hindi makapaniwala niyang hagulhol.
Naalala pa niya kung paano siya niligawan noon ng lalaki. Lumabas siya sa library bitbit ang kanyang libro sa English subject. Malungkot siyang nagtungo sa pinakamalapit na bench para umupo. Nag-aral naman siyang mabuti. Maaga nga siyang gumigising pero hindi parin siya pumasa. Mukhang mahina talaga ang utak niya.
Ilang sandali pa'y nakarinig siya ng malamyos na tugtog ng isang gitara. Inilibot niya ang tingin sa paligid hanggang sa dumako ang kanyang mga mata sa isang binata na nakaupo sa malaking puno ng acacia ang siyang tumutugtog.
Naglakbay ang kanyang mga mata sa makapal nitong kilay at matangos na ilong pababa sa mamula-mula nitong labi. Isa yata ang lalaki sa pinakagwapong mukha na nasilayan niya. At sa unang pagkakataon, tumibok ang pihikan niyang puso para sa binata na walang iba kundi si Liam.
Subalit nalaman niyang may kasintahan ito kaya pinili niyang itago at ibaon sa limot ang nararamdaman niya. Isa pa ay masyadong matalino at gwapo si Liam para sa kanya.
Akala niya ay hindi na niya ito makikita pa nang magtapos sila pero nang dumating sila ng kolehiyo ay muling nagkrus ang kanilang landas. Naging malapit sila sa isa't-isa. Ginawa ni Liam ang lahat para mapasagot siya hanggang sa nagpakasal sila. Akala niya iyon na ang simula ng walang hanggang kasiyahan niya. Akala niya lang pala ang lahat. Nang makita niya ang mahigit sa sampung check-in records sa motel ni Liam, gumuho ang mundo niya.
Paano siya nito nagawang lokohin? Wala siyang ibang ginawa kundi mahalin at pagsilbihan ang asawa niya. Ni halos hindi na nga niya maasikaso ang sarili niya dahil iginugol niya ang oras at atensyon sa pag-aalaga dito at pagtatrabaho para makatulong sa panggastos nila sa bahay.
"Napakalandi mo!" Puno ng gigil niyang asik at akmang susugurin ang babae ni Liam na nakatalikod sa kanya pero mabilis siyang napigilan ng lalaki at itinulak pa palayo.
Marahas siyang nag-angat ng tingin kay Liam. Hindi siya makapaniwala na itinulak siya nito para protektahan ang babae nito.
"Please, huwag mo siyang saktan Scarlett…"
Hindi siya makapaniwalang napatitig sa kanyang mahal na asawa. "Pinoprotektahan mo siya? Pinoprotektahan mo ang babaeng sumira sa pagsasama natin?"
Dahan-dahan namang lumingon ang babae sa kanya at ganun nalang ang pagkagimbal niya nang makita kung sino ang kasama ni Liam.
"D—daphne?"
Isang mapanuyang ngisi ang kumawala sa labi ni Daphne. Mas lalo lang siyang nakaramdam ng panghihina nang makita kung sino ang kalaguyo ng asawa niya.
Daphne delos Reyes…
Ang babaeng unang minahal ni Liam bago siya. Hindi niya alam na nakabalik na pala ang babae sa bansa, at… at ito ang kabit ng asawa niya?!
Dahil sa labis na panibugho, sumulak ang galit sa kanyang dibdib at pinukol ng nakamamatay na tingin si Liam. "I hate you, Liam! Ipapakulong ko kayo ng babae mo!"
Mabilis siyang tumalikod at naglakad palabas subalit hinabol siya ni Liam at agad na lumuhod sa harapan niya. Bahagya siyang nagulat sa ginawa nito pero nakaramdam ng munting saya ang puso niya sa ginawa ng kanyang asawa.
"Patawarin mo ako, Scarlett…" Humihikbi nitong sambit.
Umawang ang kanyang mga labi. Humihingi ng tawad sa kanya si Liam!
"...pero mahal ko parin si Daphne. At hindi ko kaya na mawala siya sa akin. Kailanman ay hindi nawala ang pagmamahal ko kanya."
Pakiramdam niya mabibingi siya sa panibagong dagok ng sakit sa kanyang dibdib. Hindi pala para sa kanya ang pagluhod nito kundi para sa babae nito. Kung mahal parin nito si Daphne hanggang ngayon ay nasaan pala siya sa buhay nito sa mga nagdaang taon nilang pagsasama?
Naging mabilis ang lahat. Pinili ni Liam si Daphne at naiwan siyang mag-isa pero ang mas masakit pa ay ang pagkawala ng tanging buhay na kinakapitan niya. Napahawak siya sa kanyang tiyan kasabay ng pagsigid ng hindi maipaliwanag na kirot. Ilang saglit pa'y umagos ang masaganang dugo pababa sa kanyang mga binti.
Hindi!
Ang anak niya!
Subalit bago paman siya makakilos ay nawalan na siya ng lakas at unti-unting kinain ng kadiliman.
Napapitlag si Scarlett nang tumunog ang heater. Wala na siya sa hotel kung saan nahuli niya ang kanyang asawa kundi nasa loob na siya ng opisina ng Finance Bureau ng Economic Development Zone ng Makati City kung saan siya nagtatrabaho.
Huminga siya ng malalim at hinugot iyon mula sa saksakan saka ibinuhos sa cup noodles na nasa kanyang harapan. Mahigit dalawang buwan na pala ang lumipas magmula ng mangyari ang bagay na iyon at hanggang ngayon ay masakit parin sa kanya.
Napatingin siya sa kanyang repleksyon mula sa dingding na salamin. Ang kanyang maputlang kutis ay mas lalo pang pumusyaw nang matamaan siya ng liwanag mula sa kisame. Wala sa sarili siyang napahawak sa manipis niyang tiyan kasabay ng kusang pagtulo ng kanyang masagang mga luha.
Pakiramdam niya tumigil na sa pag-ikot ang mundo niya. Pinagtaksilan siya ng kanyang asawa at mas pinili nito si Daphne kaysa sa kanya. At higit sa lahat nawala sa kanya ang kanyang anak na hindi man lang niya nasisilayan.
"A—anong nangyari?" Tanong niya nang magising siya.
"Nasa ospital po kayo Mrs.Vergara," ani ng isang nurse.
Napahawak siya sa kanyang tiyan. "A—ang anak ko?"
Napayuko ang nurse. "Ikinalulungkot ko subalit wala na ang iyong anak. Tinawagan narin namin ang emergency number na nasa ID ninyo pero hindi po interesado ang nagmamay-ari ng numero na malaman ang kalagayan ninyo."
Tila nabingi siya sa kanyang narinig. Wala siyang pakialam kung hindi na siya pupuntahan ni Liam pero ang malaman na wala na ang anak niya, hindi niya iyon matatanggap!
Ano nalang ang gagawin niya? Paano niya kakayanin ang sakit na nararamdaman niya? Napatingin siya sa bintana ng kanyang silid. Kung tatalon ba siya ay matatapos na itong paghihirap niya?
Pinahid niya ang mga luha sa kanyang pisngi at ibinaling ang mga mata sa napakaraming dokumento sa kanyang mesa. Noon ay ayaw niya sa trabahong meron siya pero ngayon, ang bagay na ito nalang ang naiisipan niyang pagtiyagaan para lang manatili siya sa kanyang katinuan.
Huminga siya ng malalim at dinampot ang cup noodles at dinala sa kanyang mesa. Pagod na pagod na siya. Ilang linggo na siyang nagtatrabaho bilang night-shift, kaharap ang napakaraming dokumento at pagsagot ng walang hanggang tawag sa telepono.
Ipinusod niya ang lampas sa balikat niyang buhok at hindi na alintana pa ang halos nagmamantika na niyang mukha. Suot ang kanyang makapal na salamin, muli niyang itinutok ang atensyon sa harap ng computer para tapusin ang naiwan pa niyang trabaho.
Ala-una y media na ng madaling araw ng matapos siya sa pagtitipa sa computer. Kumuha siya ng kumot at inayos ang mahabang upuan na nasa loob ng opisina at pagod na humiga. Siguro dahil sa pagod, mabilis lang siyang hinila ng antok at tuluyan ng nilamon ng kadiliman.
Kinabukasan ay maaga paring nagising si Scarlett para linisin ang opisina. Paglabas niya ay nakita niya si Secretary Mila. Napansin naman ng huli ang pamumutla ni Scarlett kaya naisipan nitong bigyan ng isang linggong bakasyon ang babae.
Nagpasalamat naman si Scarlett kay Secretary Mila. Agad niyang ipinasa sa kanilang Section Chief na si Darwin ang summarize form sa lalaki, nilisan na niya ang opisina at pumara ng taxi para pumunta sa bahay ni Liam at kunin ang natitira niyang mga gamit.
Pagdating niya sa bahay ay nakita niyang inilabas na ang lahat ng mga gamit at dekorasyon na napili niya sa dating pamamahay nila ni Liam. Binili niya ang mga iyon sa sarili niyang pera.
"Naku, ingatan mo iyang TV! Baka mabasag yan!"
"Hawakan ninyong mabuti iyang refrigerator. Napakamahal niyan!"
"Ilabas ninyo ang mga yan! Ayaw ni Daphne sa istilo ng bahay. Napakapangit at walang taste!" Boses ng ina ni Liam na si Amelia.
Humugot siya ng hangin para pakalmahin ang sarili niya bago nagtuloy sa loob. Ayaw niyang kainin siya ng emosyong niya lalo pa't bawat sulok ng lugar na iyon, si Liam at ang pagmamahalan nila sa loob ng walong taon ang naalala niya.
"Anong ginagawa mo dito?!" Mataray na sita ni Amelia nang makita siya.
"Nandito ako para kunin ang mga gamit ko," walang buhay niyang tugon.
"Nasa bodega ang mga gamit mo!" Padabog nitong sagot.
Hindi na niya pinansin pa ang ginang at nilampasan na ito. Pagkabukas niya ng bodega ay ganun nalang ang pagsulak ng galit sa kanyang dibdib nang makitang parang basura lang itong itinapon sa kung saan at puro alikabok na.
Mariin siyang napapikit. Mula noon hanggang ngayon hindi nagbago ang pagtrato nito sa kanya. Napupuno na siya. Nang magmulat siya ng mga mata ay dumako ang kanyang tingin sa kahoy na nasa isang sulok. Wala sa sarili niyang iyong dinampot at lumabas ng bodega…
Tatlo silang magkakapatid at si Liliana ang kaisa-isang babae sa pamilya. She was spoiled since childhood at maalwan ang buhay niya. Kahit pa noong nagpakasal siya kay Janus Sandoval na general manager ng Sandoval Group, hindi nagbago ang lahat sa pagitan nila ng pamilya niya.Pero ngayon ay humagulhol siya ng iyak para ilabas ang lahat ng bigat na nararamdaman niya. Totoo man na hindi basta-basta mawawala ang pinagsamahan nila, but it won't change the fact na hindi siya ang totoong anak ng mga magulang niya.Nang umiyak na si Liliana, hindi narin napigilan pa ni Emily ang kanyang sarili na mapaiyak. Agad niyang nilapitan si Liliana at niyakap ang babae. Namumula narin ang mga mata ni Leonardo habang si Landon naman ay nakatayo lang sa isang tabi.Ilang saglit pa'y napatingin siya sa kanyang Grandma Carmen at Tito Lucas. "Grandma, Uncle, wala po akong planong makipagkumpitensya kay Liliana tungkol sa properties na sinabi niya. Binibiro ko lang naman siya noon para inisin siya."Katuna
Katunayan ay nagkaroon lang naman sila ng ideya dahil sa anak ni Landon. Natanong nito sa kanila kung ano ang blood type nina Leonardo at Emily para sa assignment nito."Daddy, anong blood type nina Grandpa at Grandma?" Tanong ni Luke."Pareho silang type AB," sagot ni Landon.Kinuha ni Luke ang kanyang notebook at sinulat ang sagot nito. Maya-maya pa'y unti-unting nangunot ang maliit na noo ni Luke. "Pareho po kayong lahat na type AB pero bakit si Tita Liliana type O siya?"Agad namang lumapit si Landon sa kanyang anak at tiningnan ang laman ng notebook nito. "Anong blood type ng Tita Liliana mo?""Daddy naman eh! Type O nga!" Nayayamot nitong sagot."Sinong nagsabi sayo?" Muling tanong ni Landon."I called Tita Liliana to ask. Sabi niya type O siya."Pinatapos muna ni Landon sa aralin nito si Luke bago niya kinausap ang mga magulang niya."Dad, sigurado po ba kayo na kapatid ko talaga si Liliana?" Tanong ni Landon sa mga magulang niya.Napailing si Leonardo bago sumagot. "Kapatid mo
Malakas na napabuntong hininga si Scarlett bago sumandal sa sofa at pinanood ang unti-unting paglubog ng araw."Wag mo ng isipin pa ang bagay nayun Scarlett. Malay mo sa ikalawang test magiging negative na ang resulta," kumbunsi pa niya sa sarili niya kahit na ayaw namang kumalma ng puso at utak niya.Pakiramdam niya tumaya siya sa lotto't sumakay ang lahat ng numero niya at ang huling number nalang ang hinihintay niya. Literal na hindi talaga siya mapakali!Hindi naman makapaniwala si Liliana sa narinig niya mula sa kanyang ama. Hilaw siyang natawa bago nagsalita."Is this some kind of prank, Dad?" Tanong pa niya.Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Leonardo bago nagsalita. "Hindi ako nagbibiro, anak. I know it sounds absurd and it will be hard for you but it's the truth," anito sa basag na boses.Lumaki siyang emosyonal. Kahit nga palabas sa telebisyon iniiyakan niya. Kaya naman ngayon habang sinasabi niya ang totoo kay Liliana, hindi niya mapigilan ang sarili na umiy
Lumapag na ang eroplanong sinasakyan ni Liliana. Sinundo siya ng family driver ng mga Van Buren na si Mang Bert. Kinuha ng lalaki ang kanyang suitcase at iginiya siya papuntang parking lot."May problema po ba sa mansion, Mang Bert? Bakit bigla nalang akong ipinatawag ni Grandma Carmen?" Kaswal na tanong nj Liliana."Namiss lang po siguro kayo ni Madam Carmen, Miss Liliana," sagot ni Mang Bert habang abala na sa pagmamaneho.Marahan namang tumawa si Liliana. "Masyado kasi akong busy nitong mga nakaraang buwan. May bagong project na ilalaunch ang kumpanya. Pabalik-balik ako sa abroad kaya hindi ko na nabisita si Grandma.""Sigurado akong matutuwa si Madam Carmen na makita kayo," tugon ng lalaki.Ilang sandali pa'y pumasok na ang sasakyan sa malawak na bakuran ng mansion. Maya-maya pa'y tuluyan ng huminto ang sasakyan at agad na lumabas ng passenger's seat si Liliana."Mang Bert, pwede bang ipahatid nalang ako ng mga luggage ko sa itaas. Pupuntahan ko na agad si Grandma.""Wala pong prob
Napahilamos ng mukha si Leonardo at hindi malaman kung ano ang gagawin niya. “Tulungan mo ako, Mom. Ano ba talagang dapat kong gawin para maayos ang lahat ng ito?”Umayos ng upo ang ginang at pinukol siya ng isang masamang titig "Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ba't anak mo si Scarlett? Hindi mo siya inalagaan kaya aksidente siyang nawalay sa inyo. Ngayon gusto mong makabawi tapos ako ang tatanungin mo? Inalagaan kita mula ng maliit ka pa hanggang sa ngayon, Leonardo. Wag mong sabihin na hanggang sa mamatay nalang ako itatanong mo parin sakin kung ano ang gagawin mo?!" Nayayamot nitong asik.Napasabunot ng sariling buhok si Leonardo. "Hindi naman namin ginusto na mangyari ito, Mom. Masyadong magulo ang ospital ng araw nayun kaya maling bata ang naibigay ng nurse sa amin."Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Carmen. "Kahit na nagkamali ang nurse, responsibilidad mo parin na hanapan ng solusyon ang nangyari. Tinawagan ko na si Liliana at darating siya mamayang alas kwa
Matapos makausap ang kanyang ina, agad na nilukob ng labis na kalungkutan ang puso ni Scarlett. Siguro dahil sa kaguluhang nangyari, mali ang batang nakuha ng mga magulang niya. Mariin siyang napapikit. Grabe namang maglaro ang tadhana sa kanya kung ganun.Matapos makapagpaalam ni Leo kay Kairo, umuwi na siya sa mansion kasama ang kanyang asawang si Emily na hanggang ngayon ay umiiyak parin. Mabilis na nagtago ang mga kasambahay nang makita ang sitwasyon ng amo nilang babae. Alam nilang may nangyari kaya umiiyak ang ginang dahil kahit kailan ay hindi pa nila ito nakita sa ganung sitwasyon. Ngayon palang.Nakaupo naman si Carmen Van Buren at nanonood sa mga goldfish na nasa fish pond habang may ilang mga larawan sa kanyang kandungan. Nang makita niyang papalapit na ang mag-asawang Leo at Emily sa gawi niya, iminuwestra niya ang upuan malapit sa kanya."Maupo kayo."Tinulungan ni Leo na unang makaupo si Emily bago ito tumabi sa asawa. "Nakatulog po ba kayo ng maayos Mom?"Huminga ng mala
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments