Chapter: Kabanata 191Matapos ang halos lampas dalawampung minuto, nakabihis na si Akira base sa style na napili ni Graciella. Hindi lang ito nagpalit ng damit, pati make-up ng dalaga ay pinalitan din ni Graciella sa isang light and fresh na style.Kani-kanina lang ay hindi pa sang-ayon si Kimmy sa pagtulong ni Graciella pero maya-maya lang ay nakisali narin siya sa dalawa at tinulungan si Akira na palitan ang nail polish nito sa kamay."Kakamanicure ko lang sa salon," pagmamaktol ni Akira.Inirapan naman ito ni Kimmy. "Masyadong mahaba ang mga kuko mo sa kamay. Hindi ka ba nahihiya na baka masabihan ka ng Master Levine mo na mukha kang mangkukulam?"Sandali na natahimik si Akira. Naalala niya noong nakaraan na ipinakita niya kay Levine ang manicure niyang may diamonds pang nakalagay. Mukhang hindi naman naging interesado si Levine doon. Siguro nga ay tama si Kimberly. Ang mga ginagawa niya sa sarili niya ay siya lang ang nagandahan at hindi iyon ang taste ni Levine kaya lagi siya nitong binabalewala."Oka
Last Updated: 2025-05-02
Chapter: Kabanata 190Mabilis namang tumango si Akira habang may matamis na ngiti sa labi. Lihim na napailing si Graciella. Mukhang inlove na inlove si Akira kay Master Levine ah. Pero sabagay, age doesn't matter naman pagdating sa pag-ibig diba?Humugot ng hangin si Graciella bago tumango. "Okay, sige, tutulungan kita "Lumapit na si Graciella sa mga rack na nasa harapan nila. Baby face si Akira kung titingnan at napakaenergetic pa kagaya ng mga styles ng damit nito na nasa rack. Maganda naman ang mga damit pero napaisip siya na parang hindi iyon katanggap-tanggap sa mga taong medyo may edad na. Kung gusto mong magpaimpress, dapat ay medyo formal na damit ang susuotin nito.Sa isipan ni Graciella, isang medyo may edad ng lalaki si Master Levine. Hindi din naman niya kasi ito nakita kahit isang beses lang kaya hindi niya alam kung ano ang itsura nito.Habang namimili ng damit, hindi niya maiwasang mapanguso. May edad na si Master Levine pero ang hilig din pala nito sa mga babaeng batang-bata pa.Tsk!Paran
Last Updated: 2025-05-02
Chapter: Kabanata 189Walang panama si Akira kay Kimberly kung lakas lang ang pag-uusapan. Nang humakbang ng isang beses si Kimberly ay mabilis na napaatras si Akira sa takot na baka bugbugin siya ng kapatid niya. At dahil nakasuot siya ng ten centimeters heels, hindi siya nakatayo ng maayos at muntikan pang matumba.Mabuti nalang at may sumalo sa kanya mula sa kanyang likuran. Akala niya ay isa lang saga kasambahay nila but to her surprise, isang pamilyar na mukha ang nakita niya nang lumingon siya.Agad na namilog ang mga mata ni Akira at malawak na ngumiti. "Oh my! It's you!" Excited na sambit ni Akira at hindi na nga naisipang itanong kung bakit naroon si Graciella sa bahay nito.Bahagya ding nagulat si Graciella. Hindi niya inaasahan na makitang muli sa bahay ni Kimmy ang babaeng tinulungan niya sa mall kanina lang.Nangunot naman agad ang noo ni Kimmy habang pinagmamasdan ang dalawang babae sa harapan niya. "Magkakilala kayo?"Unang lumingon si Graciella sa kanya. "Naalala mo ba yung babaeng ikinuwen
Last Updated: 2025-05-02
Chapter: Kabanata 188Nang sagutin ni Kimmy ang telepono ay napag-alaman niyang ang kanyang Kuya Oliver pala ang tumawag."May problema ba Kuya?" Agaran niyang tanong."Balita ko nandyan daw si Miss Graciella sa bahay ngayon," bungad nito."Uhm, yup! Pinapasyal ko siya. Bakit?""Bakit naman hindi mo sinabi sakin ang ganito kaimportanteng pangyayari. Papunta na ako. Wag mo muna siyang pauwiin, okay? Kailangan magkita kami."Agad na nagsalubong ang dalawang kilay ni Kimmy. "At bakit naman kailangan mo siyang makita bago siya umalis? I'm telling you this Kuya, may boyfriend na si Graciella."Mahina naman itong natawa. "Bakit? Ano bang iniisip mo ngayon?"Napatingin si Kimmy sa telepono nang marinig niya ang mabilisang pagbukas sara ng pintuan ng kotse sa kabilang linya. Mukhang nagmamadali na yata ang Kuya niya pauwi ng mansion.Sa kaisipang iyon, hindi niya maiwasang mapairap. Kilala niya ang kapatid niya. Alam niyang hindi ito gagawa ng anumang bagay na ikakapahamak ni Graciella. At dapat lang talaga. Graci
Last Updated: 2025-05-02
Chapter: Kabanata 187"Grabe, sobrang yaman niyo pala Kimmy. Nakakahiya naman," mahinang sambit ni Graciella habang patuloy parin sa pagmamasid sa paligid at binubusog ang kanyang mga mata sa magagandang tanawin.Mahina namang natawa si Kimmy. "Madalas ko ring marinig yan at ikinukumpara pa kami sa mga Yoshida at Nagamori. Pero alam mo, hindi naman totoo yan. Ang Yoshida at Nagamori mayaman na talaga sila ilang daang taon na ang nakalipas mula pa sa kanunu-nunuan nila samantalang kami, yung lolo ko nagsikap pa para maghukay ng mga gold sa mga namatay at inilibing na kaya kami yumaman."Nanlaki naman ang mga mata ng kasambahay na nakasunod sa kanila at mabilis na nilapitan si Kimmy. "Ma'am Kimberly, wag niyo pong sabihin yan. Baka marinig kayo nina Madam at Sir at magalit sila," mahina nitong sambit.Inirapan ni Kimmy ang kasambahay. "Ano bang problema mo sa sinabi ko, eh totoo naman yun. Tsaka wala sina Daddy at Mommy dito ngayon."Hinila ni Kimmy si Graciella palayo sa kasambahay at dinala sa kabilang gar
Last Updated: 2025-05-01
Chapter: Kabanata 186"Wala pa akong narinig tungkol sa mga Nagamori," ani Graciella.Nagkibit balikat naman si Kimmy. "Normal lang talaga na wala kang maririnig sa pamilyang yan dahil kung low-key man ang mga Yoshida, mas misteryoso pa sa kanila ang mga Nagamori."Napatango-tango si Graciella. "Talaga? Bakit kaya parang halos nagtatago sila ano?" "Ganito kasi yan, twenty years ago, may naaksidente sa pamilya nila at nataon pa na anak ng mga matatandang Nagamori na si William ang casualty tapos nawala pa yung maliit niyang anak na babae sa dagat. Bali-balita na nabaliw ang asawa ng lalaking Nagamori dahil hindi niya matanggap ang nangyari sa mag-ama niya. Tapos si Mrs.Nagamori na nanay ni William, matanda narin at may sakit na.""At kaya nanatili silang low-profile ay dahil naniniwala sila na buhay pa ang anak ni William na nawawala at kasalukuyan parin nilang pinaghahanap. Siguro para masiguro na walang magtatangka na manloko sa kanila tungkol sa nawawala nilang apo kaya low-key lang sila." mahabang kwen
Last Updated: 2025-05-01
Chapter: Kabanata 17: Pagkikita Unti-unting bumagal ang lakad ni Scarlett nang makita niya ang mag-asawa sa unahan. Nakasuot ang lalaki ng isang makintab at mamahaling suit habang ang ginang namang kasama nito ay suot din ang isang puting silk dress. Parehong elegante at kagalang-galang ang dalawa.Biglang nakaramdam ng panliliit sa kanyang sarili si Scarlett. Kitang-kita naman na malayo ang agwat ng estado nito sa kanya. Ang mabagal niyang lakad ay kusang huminto habang nanatili siyang nakatitig sa mag-asawa na papalapit na sa gawi nilang dalawa ni Kairo.Humakbang si Kairo at binati ang mag-asawa. Uncle Leo, Auntie Emily, this Scarlett Dorothy Lopez," pakilala ni Kairo sa kanya.Nag-alinlangan Scarlett kung lalapit ba siya para bumati sa mga ito pero dahil hindi naman sila magkakilala, napagdesisyunan niyang panatilihin ang distansya sa pagitan nila. Tumayo siya sa likod ni Attorney Kairo at nagsalita."Magandang araw po."Maingat na pinagmasdan nina Leo at Emily si Scarlett. Kahit nakita na nila ang impormasyon n
Last Updated: 2025-05-02
Chapter: Kabanata 16: KabaDahan-dahang umusad ang sasakyan paalis sa tinutuluyan ni Scarlett. Nilibang nalang niya ang sarili sa panonood sa nakikita niyang mga building sa labas. Humigpit ang hawak niya sa laylayan ng kanyang damit.Hindi niya masasabi kung ano ang nararamdaman niya sa sandaling iyon, kung naghihintay ba siya sa katotohanang malapit nang mabunyag, o natatakot na harapin ang hindi mahuhulaan na hinaharap. Sobrang kumplikado naman ng lahat."Dito ka ba talaga nakatira, Miss Lopez?" Basag ni Kairo sa katahimikan sa pagitan nila."Oo, bagong lipat lang ako dito," patangong sagot ni Scarlett.Nakatira siya sa isang iskwater sa pagitan ng lungsod at mga kanayunan. Kung ikukumpara sa ibang mga lugar, medyo marumi at magulo nga ito at medyo malayo pa sa bus station. Gayunpaman, ang renta at ang mga presyo ng mga pang-araw-araw na pangangailangan dito ay mas mababa kaysa sa lungsod kung saan swak sa budget niya.Ngunit para sa mga taong nasanay sa maginhawang buhay na tulad ni Kairo na karaniwang luma
Last Updated: 2025-05-01
Chapter: Kabanata 15: AwaNatigil si Scarlett sa plano niyang pagbubukas ng pinto kasabay ng pagkunot ng kanyang noo. "Hindi kaya nagkakamali lang kayo, Attorney Vasquez?"Kinagat ni Kairo ang pang-ibaba niyang labi bago sumagot. "Kung totoo man ang nakasulat sa resulta then ikaw nga ang batang naipalit na anak ng mga magulang mo sa client ko ng taong iyon."Umawang ang labi ni Scarlett sa narinig mula sa abogado. Pakiramdam niya panaginip lang ang lahat at tila ba parang tumigil ang mundo niya sa pag-ikot. Wala sa sarili siyang pumasok sa loob ng tinutuluyan niya at napaupo sa sofa. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nanatiling tulala bago siya nahimasmasan."N—nandyan pa po ba kayo Attorney?" Tanong ni Scarlett sa nanginginig na boses."I'm still here.""Ano ang dapat kong gawin ngayon?" Naguguluhang tanong ni Scarlett. Hindi niya alam kung haharapin ba niya ang biglaang katotohanang pasabog o pipiliin niyang balewalain ang nalaman niya?"Are you free today? Gusto ng client ko na magsagawa pa ng karagd
Last Updated: 2025-05-01
Chapter: Kabanata 14: ResultaKinabukasan, nagluto ng sopas si Scarlett para magkalaman ang kumukulo niyang sikmura. Gutom na gutom siya lalo pa't tinanghali na siya ng gising. Nang matapos niya ang kanyang pagkain, saka palang siya nakaramdam ng kaginhawaan.Pagkatapos niyang kumain at maglinis ng kusina, muli siyang humiga sa kanyang kama. Pinakiramdaman niya ang sugat na natamo niya. Hindi naman iyon ganun kagrabe pero mas mabuti narin na makapagpahinga siya.Hindi namalayan ni Scarlett na nakatulog na pala siya sa kaisipang iyon. Nagising nalang siya dahil sa maingay na ringtone ng kanyang cellphone. Pupungas-pungas siyang nagmulat ng mata at tiningnan kung sino ang tumawag. Nangunot ang kanyang noo nang makitang si Mang Ben iyon. Gayunpaman, pinili parin niyang sagutin ang tawag ng lalaki."Hello po, Mang Ben…""Naaksidente ka raw kahapon, Scarlett. Kumusta ka na? Maayos lang ba ang kalagayan mo? Nagamot na ba ang mga sugat mo?" Tanong nito sa nag-aalalang boses."Ayos lang po ako, Mang Ben. Hindi naman ganun
Last Updated: 2025-03-15
Chapter: Kabanata 13: Pag-aalagaSa lakas ng impact ng pagkakabangga niya, nauntog ang ulo niya sa steering wheel ng kotse. Ramdam niya ang pag-agos ng mainit at malagkit na likido mula sa kanyang sugat sa bandang noo. At hindi lang iyon, pati ang dalawa niyang ilong ay dumudugo narin.Dahil nakaramdam ng pagkahilo si Scarlett, nanatili siyang nakasubsob sa steering wheel hanggang sa unti-unti na siyang bumalik sa huwisyo.Agad na nanuot sa kanyang ilong ang matapang na amoy ng gasolina. Mabilis siyang kumuha ng tissue at pinahiran ang dugo sa kanyang ilong saka bahagyang diniinan ang kanyang sugat para tumigil ang pagdurugo.Pilit niyang binuksan ang pintuan ng koste. Mabuti nalang at hindi siya masyadong nahirapan. Gumapang siya palabas ng sasakyan at nagpunta sa ligtas na lugar.Mabilis namang siniyasat ng driver na nakabanggaan ni Scarlett ang sitwasyon ng babae. Agad itong tumawag ng ambulansya. Hindi rin naman sila naghintay ng matagal at agad na dumating ang rescue. Isinakay si Scarlett sa stretcher at dinala
Last Updated: 2025-03-08
Chapter: Kabanata 12: Aksidente Inalala ni Kairo ang mukha ni Scarlett. Kahit na mukhang haggard ang babae, mahahalata mo parin ang matangos nitong ilong at nagniningning na mga mata. Bilugan ang hugis ng mukha nito at kapag tinititigan mo ay parang kay sarap na pisilin. Kung mag-aayos lang ito kagaya ng mga babae sa alta sosyedad, mas maganda pa ito sa babaeng ipinalit ng dati nitong asawa…Kinabukasan, habang naglilinis sa kanyang mesa si Scarlett ay dumaan si Chief Darwin habang bakas sa mukha nito ang disgusto sa kanya. Sigurado siyang nagsumbong na si Liam at nakarating na sa tenga nito ang nangyari sa pagitan nila noong nakaraang araw. Malamang sa malamang, pagdidiskitahan na naman siya nito.Lihim siyang napabuntong hininga kasabay ng paglukob ng lungkot sa puso niya. Kailangang makapasa siya sa civil service exam sa susunod na taon para makakuha siya ng mas maayos pang trabaho malayo sa mga taong nang-aapi sa kanya.Hindi man siya kinausap ni Chief Darwin, tinambakan naman siya ng lalaki ng napakaraming file
Last Updated: 2025-02-28