Lara Yves Cassidy
Pagkamulat ng aking mata hindi nahagip ng tanaw ko si Lemuel.
"Baka may pinuntahan lang." napabalikwas ako sa kinahihigaan ko. Wala na akong maalala basta ang alam ko nakatulog ako sa sobrang pagod.
Nilibot ko ang aking tingin ang ganda ng interior design ng room, kung hindi ako nagkakamali baroque style ang inapply nila sa room. Sobrang elegant.
Hindi ko namalayan na nasa hotel na pala kami sa lalim ng tulog ko.
Hinawi ko ang bintana upang masilayan ang labas. Kitang kita ko ang mga bituin ang ganda, pati ang modernisadong kapaligiran.
Habang nililibot ko ang tingin ko naramdaman ko na may pumasok sa kwarto.
May yumakap mula sa likuran ko, naamoy ko ang matapang na pabango at alam ko na agad kung sino ito.
"Lemuel saan ka galing?" tanong ko.
Hinigpitan niya ang yakap niya sa'kin.
"Pinatawag lang ako ni Mr. De Chavez ang may ari nh Luisito company may pinag usapan lang kami." sagot niya.
"