Lara Yves Cassidy
Pagtapos ng meeting namin naisipan ko maglibot sa France, namiss ko rin kasi.
Kasalukuyan kaming pabalik sa room namin mag papaalam na rin muna ako kay Lemuel ayoko muna sana siyang makita.
"Anyways maglilibot lang ako dito ka na lang muna." napahinto siya sa sinabi ko.
"Sasamahan na kita, total namiss ko rin naman ang France gusto ko rin mag unwind ilang days na lang tayo dito. May business party tayo sa last day natin." nakapamulsa lang siya habang sinasabi ang mga salitang yan.
"Gusto mo ba sumama? 'wag na magpahinga ka na lang sa room." Gusto ko sana lumusot para hindi siya makasama dahil gusto ko sana mapag isa.
"No, I'm totally good sasamahan na kita." bigla niyang hinigit ang kamay ko at ipinasok ako sa elevator.
Wala naman na akong magagawa hays.
Hawak hawak niya lang ang kamay ko at nananatiling tahimik kami sa elevator. Nakikita ko sa reflection ng salamin ng pinto ang magandang postura ni Lemuel. So