NAGISING si Velora hapon na at kumalam ang kanyang sikmura. Di pa pala siya kumakain simula noong makauwi siya. Bumangon siya at paika ikang naglakad papunta sa kusina. Masakit pa rin talaga ang kanyang gitna. Di nga niya alam kung paano niyang natiis kaninang madaling araw habang pauwi siya sa apartment.
Nagluto siya at pagkatapos ay naligo. Pupuntahan niya si Aster sa bahay nito.
Nang makakain si Veloera ay pumunta siya sa kuwarto niya kinuha ang bag niya at isang bond paper. Matapos iyong sulatan ay inilagay niya sa isang malinis na white envelope at nai-seal.
Nag-ayos si Velora. Simpleng blue dress ang kanyang suot. Pero litaw na litaw ang ganda niya dahil sa mestistahin niyang aura. Tinernuhan niya ang kanyang ng white flat sandals.
Alas syete ng gabi nang lumabas siya sa apartment niya at naghihintay sa labas ang taxi.
"Good evening po, Manong Edgar." Magalang na bati ni Velora, pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng taxi.
"Magandang gabi din sa'yo. Kumusta ang araw mo, Velora