UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG
Dahil sa pagkabigo sa unang pag-ibig, nakipagkasundo si Leina Valencia sa kanyang sariling ninong.
Si Emil Vergara, isang lalaking seryoso, nasa kwarenta na ang edad, at hindi niya kailanman inakalang magiging parte ng puso niya. Isang peke lang sana ang kasunduan nilang kasal at walang halong damdamin.
Pino-protektahan siya ng kanyang Ninong Emil mula sa taong gumawa ng masama sa kanyang buong pamilya.
Ngunit habang tumatagal, unti-unti niyang naramdaman ang kakaibang damdamin sa puso niya.
Hanggang sa isang araw, may natuklasan si Leina ang isang madilim na lihim na matagal nang tinatago ni Emil. Isang katotohanang babago sa lahat ng akala niyang totoo.
Paano kung ang lalaking minahal na niya ay siya ring magwawasak sa kanya?
At, paano niya matatanggap ang isang relasyon na kasuklam-suklam?