‼️ Warning : R-18 SSPG ‼️ Velora Venice, mabuting empleyada sa Solara Essence. Sa kabila niyon ay mayroon silang lihim na kasunduan ng kanyang boss na si Dewei Hughes. Isang araw sa piling ni Mr. Dewei Hughes, singkwenta mil ang ibinabayad nito sa kanya. Pangdagdag sa pang-dialysis ng kanyang kapatid at para sa gastusin nila sa bahay. Inalok siya ng boss niya ng isang gabing pagt@t*lik at babayaran siya ng malaking halaga. Pumayag din siyang maging isang exclusive escort ng isang mayamang estrangherong lalaki. Ginawa ni Velora ang magsakripisyo para mabuo ang malaking halagang kailangan sa kidney transplant ng kanyang nakakababatang kapatid na si Vanna.
View More⚠️ Warning: R-18 ‼️ There are some words that may not be suitable for young readers.
"V, tawag ka ni manager," sabi ni Marisol kay Velora. Kasalukuyang, naglalagay ng make up si Velora sa mukha nang pumasok sa loob ng kanyang cubicle si Marisol. Ang kanyang baklang kasamahan sa club. Napatigil siya at napalingon kay Marisol. "Sabihin mo kay manager, susunod na ako." "Bilisan mo at baka mainip ang customer na naghihintay sa'yo. Alam mo, bakla, rinig ko, ha. Madatung! Mayaman at guwapo!" Tumitili pang sabi ni Marisol kay V. "Wala akong pakialam kung guwapo siya. Ang mahalaga sa akin ay kung may pera. Baka mamaya niyan barya barya lang ang ibigay sa 'king tip. Sayang lang ang oras ko d'yan." "Promise, galante daw 'to. Makapal nga ang bulsa at hindi mo pagsisihan. May pangdagdag ka na para sa kidney transplant ng kapatid mo." Parang biglang lumaki ang butas ng tenga ni Velora sa narinig. Kailangan na kailangan niyang makaipon para sa kidney transplant ng kanyang kapatid. Kulang kulang nasa 25 million pesos ang kakailanganin niya para sa transplant. Bukod pa d'yan ang three times a week na dialysis nito na tig-six thousand pesos per session. Kaya doble kayod si V para matutusan ang pagpapagamot ng kanyang kapatid. Daig pa niya ang makina kung kumayod. Sa umaga, nagtatrabaho siya sa kompanya at sa gabi ay sa club. Hinahati niya ang mga oras niya para mayroon pa siyang panahon upang makapagbantay sa kanyang kapatid. Nagtatrabaho si V sa isang malaking kompanya sa araw at pagsapit ng alas syete ng gabi ay nasa club siya hanggang alas dose ng madaling araw. Hindi siya puwedeng lumampas sa oras niya. At bawat segundo ay napakahalaga sa kanya, kaya dapat hindi nasasayang. Ang kapatid na lang niya ang kasama niya sa buhay at hindi niya kayang mawala si Vanna. "T^ngn@ mo, Marisol! Kapag hindi totoo 'yan sinasabi mo, kukunin ko ang isang gabi mong kita..." Napalunok si Marisol at napaatras sa takot. "Hoy, V! Sobra ka naman. Mas malaki ang kinikita mo kesa 'kin. Pag-iinteresan mo pa ang kakarampot kong kita gabi gabi. Kaloka ka! Makaalis na nga. Bilisan mo, naghihintay si manager!" Pahabol pa na sigaw ni Marisol saka lumabas ng cubicle ni V. Natatawa na lang ang dalaga sa reaksyon ni Marisol. Parang binibiro lang niya ang bakla, kumagat naman kaagad. 'Di na siya magtataka dahil sa lahat ng nagtatrabaho sa club ay iniilagan siya. Dahil sa sobrang prangka at may matapang na personalidad. Hindi naman siya papayag na basta na lamang siyang tapak tapakan ng kung sino sino. Kahit pa ganito ang uri ng kanyang trabaho. Taas pa rin ang noo niyang naglalakad sa kalsada. Ang kanyang golden rule, no touchi at hindi puwedeng all the way. Puwede siyang magpatable o magpahalik sa pisngi. Mahigpit niyang ipinagbabawal ang halikan siya sa labi. Masyadong mahal ang presyo niya. Ngunit, masisiyahan naman ang kahit na sinong mga customer ang magiging kasama niya sa loob ng limang oras niya sa club. Tapos na siyang mag-ayos. Red lipstick ang kanyang pinaka-final touch. Walang nakakaalam na nagtatrabaho siya sa club. Ayaw din niyang may makaalam, lalo na ang kapatid niya. Itinaas pa niya ang laylayan ng kanyang fit na fit na black dress at pinausli ang puwet. Saka ibinaba pa ang neckline ng suot para mas lumitaw ang kalahati ng kanyang mayamang mga dibdib. "Perfect!" Usal niyang may malanding ngiti sa labi. "MAUPO ka, V." Utos ni manager sa kanya. "May nagrequest sa'yo. Personal request ka niya sa loob ng isang linggo. Ang gusto niya sa condo niya at hindi dito sa club." Nagulat siya sa tinuran ni manager Rosenda. "Tinanggap mo, manager?" tanong niya na medyo napataas ang tono ng boses. "Natural! Pera na, eh. Binayaran na niya ako ng advance sa commission ko. Five hundred thousand para sa unang gabi." Nanlaki ang mga mata niya sa narinig na ibiniyad sa manager nila ng customer. Ganoon kalaking pera? Sino naman kaya ang galanteng customer na 'yon? Mga tanong niya sa isip. "Five hundred thousand pesos ang ibinayad niya sa inyo? Buo ba?" Mabilis na tumango si manager. "Kaya nga hindi ko na pinalampas. Pareho tayong kikita dito, V. Ang pakiusap niya, pasayahin mo daw ang kaibigan niya. At kung magustuhan ka ay kukunin niya ang serbisyo mo ng isang buwan," lagpas sa mata ang ngiti na sagot ni manager na mas lalo niyang kinatakhan. "Para namang nakakapang-duda ang taong 'yan. Ayokong sumabit, manager. Baka mamaya pakitang gilas lang ang paglabas niya ng pera." "Hindi ang customer na nagbayad sa akin ang magiging kasama mo ng isang linggo. Malaki ang ibabayad niya sa'yo kapag nagustuhan niya ang trabaho mo. Baka nga magresign ka na bilang star ng club ko 'pag natanggap mo buong bayad." Kailangan niya ng pera pero iyong sa labas ng club ay labas sa kanyang rules. "Magkano naman ang ibabayad niya sa akin, kung sakaling magustuhan niya ang trabaho ko?" Untag ni V. "Thirty million..." Nanlaki na naman ang mga mata ni V nang marinig ang napakalaking halaga ng ibabayad sa kanya. Mapapagamot na niya ang kapatid niya at hindi na niya kailangan na magpakahirap mag-ipon para sa transplant ni Vanna. "Ganoon kalaki? Thirty million pesos... sobra naman ata para sa isang linggong serbisyo ko." Napataas ang gilid ng labi ni manager sa tinuran niya. "Thirty million sa loob ng isang buwan. Pero alam ko na magugustuhan niya ang performance mo. Kaya galingan mo. Isa pa, kailangan mong sumiping sa kanya. Ikaw ang ibinigay ko dahil kailangan na kailangan mo ang pera para sa kapatid mo. Malaki ang ibabayad niya sa'yo dahil virgin ka pa," sabi nito. Hindi siya pumapayag na sumiping sa kahit na sinong lalaki. Kahit na ganito ang uri ng trabaho niya ay maipagmamalaki pa rin niya sa lahat na virgin pa siya. Iyan ang hinding hindi niya kayang ibigay sa mga naging customer niya, ang kanyang pinakaiingatang puri. "Alam mo naman ang patakaran ko. Kaya, paano mo tinanggap ang offer na pera?" "Ang sa akin ay kikita ako at empleyado kita dito sa club ko. Isang linggo o isang buwan lang naman, V. Patusin mo na. Sayang din ang thirty million. Hindi mo iyan makukuha sa isang buwan mo dito sa club." Pangungumbinsi ni manager. "Pero, 'di ko kaya ang ipinapagawa mo, manager. Hindi ako nakikipag-s^x sa mga lalaking customer. Alam mong ayoko ng ganyang klaseng trabaho. Kung hindi lamang dahil sa kapatid ko ay 'di naman ako magpo-pókpòk dito sa club," rason ni V. May prinsipyo pa rin siya sa buhay. Naniniwala pa rin siya na dapat maging birhen ang babae hanggang sa araw ng kaniyang kasal. At tanging sa lalaking handa siyang pakasalan ibibigay ang kanyang sarili. "Sunggaban mo na. Kalimutan mo na ang prinsipyo mong 'yan. Mas mahalaga ang buhay ng kapatid mo. Ipaligo mo lang pagkatapos. Saka, hindi ka naman niya makikilala. Hanggang ngayon wala pang nakakilala kay Queen V. Sayang din 'to," pamimilit ni manager para kagatin ni V ang offer. Oo, thirty million pesos na 'yon. Pero ang kapalit ay ang kanyang puri. Wala na siyang itinira para sa sarili niya kung gagaya siya sa mga kasamahan niyang nagbebenta ng katawan. Ayaw niyang babuyin siya ng kung sino sinong lalaki. Mahalaga pa rin sa kanya ang kanyang dignidad at dangal. "Pero, manager. Importante pa rin po sa akin na malinis ako sa araw na ikakasal ako. Magiging hindi na rin ako iba sa mga kasama ko dito sa club, mga babaeng mababa ang lipad." "Ayaw mo bang makaalis dito sa club ko? Pagkakataon mo na 'to para makaahon. Velora, pag-isipan mo itong maigi. Bibigyan kita ng tatlong araw para mag-isip. Natanggap ko na rin ang advanced payment. Sa oras na tumanggi ka, ipapasara niya ang club ko. Ako, walang problema. Pero ang mga kasama mong sinasabi mong mababa ang lipad, mawawalan silang lahat ng trabaho." Natahimik si V. Hindi niya alam kung anong isasagot sa sinabi ni manager. Wala na rin siyang choice, kailangan niyang tanggapin ang offer kesa masara ang club. Parang 'di kaya ng konsensiya niya na marami ang madadamay sa pagtanggi niya. "P-Pag-iisipan ko...." napipilitang tugon niya saka mariing napalunok. Napangiti si manager. Kinuha ang isang bungkos ng pera. "One hundred thousand 'yan, sa'yo na 'yan. Puwede ka ng umuwi sa inyo at pag-isipan mong maigi ang desisyon mo. Bumalik ka dito sa club kapag desidido ka na. Tandaan mo, Velora, tatlong araw lang ang ibinibigay ko sayo para makapag-isip." Marahang tumango si V. Tinanggap ang isang daang libong piso mula sa paunang bayad sa kanya. Tumayo siya at dahan dahang naglakad palabas ng opisina ni manager. Nang makalabas si V ng opisina ay nag-ring ang phone ni manager. "Did she accept it?" Bungad na tanong ng nasa kabilang linya. "Hindi pa po, sir. Pero alam kong tatanggapin po niya ang inaalok ko sa kanya." "Make it sure, Rosenda. Dahil kung hindi pati ikaw ay hindi na masisilayan ang sikat ng araw. Mabubulok ka sa kulungan at ipapasara ko ang mga negosyo mo!" Madiing babala ng lalaking nasa kabilang linya. Nanlalaki ang mga mata ni Rosenda at nanginig ang kanyang mga kamay sa sobrang takot. "Sir, 'wag niyo naman po akong takutin." "Hindi kita tinatakot, Rosenda. Gawin mo ang ipinapagawa ko sa'yo at siguraduhin mong papayag si Velora." Pagkasabi niyon ng lalaki ay kaagad na pinatay nito ang tawag. Nailapag ni Rosenda ang kanyang phone sa ibabaw ng lamesa at pinunasan ang butil butil ng namuong pawis sa kanyang noo. Kailangan niyang mapapayag si V dahil kung hindi ay mawawala lahat ang pinagpaguran niya.NAPAKAPIT ng mahigpit si Vanna sa braso ng asawa. Tila may bumalot na takot sa kanyang mukha nang makita ang matandang kinakatakutan. "Andito lang ako, Vanna. Po-protektahan kita," sabi ni Zander sa asawa na nakikitaan niya ng takot sa mga mata. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito. Napatingin si Dewei sa mag-asawang sina Zander at Vanna, bago siya lumingon kay Jai na tahimik lang sa gilid. “Jai,” mahinang tawag niya. “That man is terrorizing my sister-in-law.” Napalingon si Jai mula sa kape niyang hawak. Tumango ito matapos makita kung sino ang tinutukoy. “Mayor Oscar,” bulong ni Jai. “You sure he’s here to stir trouble?” “I don’t trust him,” mariing sagot ni Dewei. “Not around Vanna.” “Then you know what to do,” sabi ni Jai, bago muling tumingin sa matandang lalaki. Hindi na nag-aksaya ng oras si Dewei. Lumakad siya palapit sa mag-asawa para magsilbing harang mula sa paparating na hindi inaasahang bisita. “Magandang gabi,” kaswal na bati ni Mayor Oscar saka ng
PANAY ang lakad ni Zander pabalik-balik. Naghihintay sa pagdating ng kanyang pinakamamahal na bride. "Kabado ka bang hindi sisipot ang kapatid ko, Zander?" untag ni Velora nang nilapitan ang asawa ng bunsong kapatid. Napatunghay si Zander kay Velora at payak na ngumiti. "Sa totoo lang, hindi. Alam ko kasi na darating ang asawa ko sa kasal namin. Hindi niya ako iiwan na nag-iisang naghihintay sa altar." Siguradong-sigurado na sagot niya. "Malaki ang tiwala mo sa kapatid ko. Ano?" Mabilis na tumango-tango si Zander. "Siya lang ang babaeng minahal ko kaya ganoon na lang ang tiwala ko sa kanya na hindi niya ako tatalikuran. Kinakabahan lang ako na baka hindi ko kayang ibigay sa kanya ang mga bagay na nakasanayan niya. Iyong mga nakukuha niya sa inyo noong dalaga pa siya. Natatakot ako sa expectation n'ya." Napahinga nang malalim si Velora. Tiningnan niya si Zander na parang binabasa ang laman ng loob nito. "Zander..." malumanay niyang wika. "Ang kapatid ko, hindi 'yan nagpakas
"HAYAAN mo na kung ayaw. May nakuha naman na kayong bagong best man ni Zander. Di ba?" sabi ni Lyca. Magksama sila sa hotel room at naghahanda para sa kasal ni Vanna maya-maya lang. Alas siyete pa lang ng umaga at pareho sila ni Vanna na maagang nagising. Excited lang sila sa magaganap na kasal mamaya. Malungkot na tumingin si Vanna sa kaibigan at umiling. "Hindi kami kumuha ng papalit na best man. Umaasa pa rin ako na darating si Tony." "E, bakit? Ayaw na nga nung tao. Dapat hindi mo na pinilit..." "Maghihintay pa rin kami ni Zander at aasa. Kung hindi man dumating si Tony, ikaw na lang ang aming nag-iisang maid of honor at best man. Puwede naman siguro 'yon?" Giit ni Vanna na ngumiti kay Lyca. Napangiti rin si Lyca at hinawakan ang kamay ng kaibigan niya. "Dapat masaya tayo. Kasal mo na kaya. Darating na rin ang magmake-up sa atin. Yes, this is it! Sobrang maligaya ako para sa inyo ni Zander." "Ako rin. Hindi ko nga akalain na darating kami sa ganitong pagkakataon na maikakasa
HUMUGOT muna ng malalm na paghinga si Vanna habang nakatayo sa harapan ng mansyon ng mga Bautista. Napatingin siya sa kanyang tabi nang hawakan ni Zander ang kanyang kamay. "Huwag kang kabahan. At saka, alam ko naman na hindi siya galit sa'yo. Andito rin ako, kasama mo," pagpapalakas ng loob ni Zander kay Vanna. "Hindi ko alam kung tatanggapin niya na maging best man sa kasal natin. Baka kasi masama ang loob ni Tony sa akin." Hinaplos ni Zander ang likod ng kamay niya at bahagyang ngumiti. "Kung ako nga napatawad mo, si Tony pa kaya? Alam kong nasaktan siya, pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ka na niya mahal bilang kaibigan." Tumango si Vanna, bagamat bakas pa rin sa kanyang mukha ang pag-aalala. "Siguro... siguro kailangan ko lang talagang humingi ng tawad. Hindi dahil kasal na tayo kundi dahil gusto ko lang mapawi ang bigat sa pagitan namin." "Sige na, tayo na. Bago ka pa umatras," biro ni Zander sabay bahagyang hila sa kanya papasok sa gate. Habang papalapit sila sa pint
NASA Batangas muli sina Zander, Vanna at si Len para dalawin ang pamilya Hughes. "Oh, kumusta ang preparation ng kasal ninyong dalawa?" untag ni Velora habang ibinababa ang dalang tray. Karga ni Vanna ang pangalawang anak ni Velora na babae. "Okay naman po, Ate. Pero, bakit ganoon po ka-engrande? Puwede na po kami ni Zander sa simple lang." Napaayos ng tayo si Velora at seryosong tinignan ang bunsong kapatid. "Hindi naman magarbo. Ang sa akin lang gusto kong ibigay sa'yo ang nararapat. Ikaw na lang ang hindi naikakasal sa atin. Si Ate Marilyn kasal na rin siya. Saka, 'wag kang mag-alala sa gastos," sagot ni Velora. "Velora, hindi naman puwede na aakuin n'yo ni Mr. Hughes ang buong gastos sa kasal. Kahit na mahirap lang kami ay kaya ko naman ibigay sa asawa ko ang isang magandang kasal. Mahal ko siya kaya nararapat lang na maghanda rin ako para sa araw na 'yon," sabi ni Zander, sabay hawak sa kamay ni Vanna. "Hindi lang ito tungkol sa engrandeng selebrasyon, kundi sa pangako namin
"LOVE, andito na ang wedding coordinator natin. Ipinadala nina Velora at Mr. Dewei Hughes," anunsyo ni Zander habang papasok sa kusina. Napatigil si Vanna sa paghalo ng niluluto. Nilingon niya ang asawa at kunot-noong nagtanong, "Ha? Bakit kailangan pa ng wedding coordinator? Okay na sa atin ang simpleng kasal..." Naghugas siya ng kamay, nagpupunas habang patuloy na nagsasalita. "Saka akala ko ba intimate lang, 'yung tayong dalawa lang talaga at ang mga bisita ay malalapit lamang sa atin." "Alam mo naman ang mga kapatid mo, mas excited pa sila sa kasal natin kaysa sa atin," natatawang sabi ni Zander. Lumapit siya at hinawakan sa magkabilang balikat ang asawa, saka marahang inilabas sa kusina patungong sala. Natawa na rin si Vanna. "Sabagay. Lalo na si Ate Velora, parang siya ang ikakasal, eh." Tinabihan siya ni Zander at agad ipinulupot ang braso sa beywang ni Vanna, saka bumulong, "Basta ako, ang mahalaga sa akin ay ikaw ang mapapangasawa ko." Namula si Vanna at bahagyang tinam
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments