Maghanap
Library
Home / Romance / EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG) / 018

018

Author: RIDA Writes
2025-03-12 15:03:20

NAGING maagap ang kamay ni Rosenda pilit inagaw ang papel kay Velora.

"Pipirma ka ba o hindi?!"

Napasinghap si Velora sa pagtaas ng boses ni manager sa kanya.

"Pipirma naman po ako. Pero, bakit parang ayaw niyong ipabasa sa akin ang nakalagay sa kontrata?

Naiinis na siya. Para tuloy may itinatago sa kanya ang kanilang manager.

"Ikaw ang walang tiwala sa akin, V. Sinabi ko na kay sir na tutupad tayo sa lahat ng gusto niya. Parang wala lang itong kontrata. Nagpapaka-sigurista lang siya. Ayaw niyang bigla ka na lang umatras. Sayang naman ang perang ibqbayad niya sa 'tin. Makakasuhan pa tayong dalawa at makukulong kapag may aberya. Di ba?" mahabang sagot ni Rosenda.

Kinukumbinsing maigi si Velora na pirmahan na lang ang papel at 'wag nang basahin.

Hindi na siya puwedeng pumalpak ulit. Nabalaan na siya noong nakaraan.

"Sige po, manager. Akina ang ballpen at pipirmahan ko na..." nag-aalangan na tugon ni Velora. Napipilitan na lang na umayon para matapos na ang usapan.

Sigurado naman siya s
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App