SABAY napalingon sina Dewei at ang kaniyang ama sa lalaking biglang nagsalita. Nakita nilang pababa ng hagdan si Dwight, kasama ang isang babae, at papalapit sa kanila.
Matiim na sinusundan ng mata ni Dewei ang paglapit ng nakababatang kapatid.
Mas matanda siya ng limang taon kay Dwight. Pero kung titingnan, parang mas mukhang mas matanda si Dwight. Matalino kasi ito at seryoso sa buhay. Palagi siyang nakikipagkumpetensya sa kanya sa lahat ng bagay. Magkasingtangkad sila at halos magkapareho rin ng kulay ng balat. Kaya mahirap hulaan kung sino sa kanilang dalawa ang panganay.
Si Dwight ang may gustong pamahalaan ang Solara Essence. Pero sa kanya ito ibinigay ng daddy nila. At kay Dwight naman napunta ang trading company na sa naka-pangalan na sa kapatid.
"Hi, Dad," bati ni Dwight saka binalingan siya. "Kuya Dewei, it's been a long time, ha." Iniabot nito ang kamao para sa isang fist bump.
Ayaw niya sanang tanggapin, pero ayaw rin niyang maging bastos sa harapan ng ama, kaya gina