HINDI namalayan ni Velora na nakaidlip pala siya. Nagising lang siya sa malalakas na katok at sigaw sa pintuan. Napabalikwas siya ng bangon at nagmamadaling binuksan ang pinto.
"Itong taong ito talaga kung makakatok, akala mo may sunog. Sisirain pa talaga ang pintuan.."
Nang mabuksan niya ang pinto ay bumungad ang walang ekspresyon na mukha ni Dewei sa kanya. Walang paalam na bigla na lang itong pumasok sa loob ng kuwarto. Na ikinakunot ng noo niya.
"Take all your things and transfer to my room," Dewei commanded icily.
Napataas ang kilay ni Velora sa utos ng amo. "Sandali nga lang... bakit kailangan pa na ilipat ko ang mga gamit ko sa kuwarto mo?"
Para saan 'yun? Hindi naman kulang ng kuwarto dito sa bahay. May mga extrang kuwarto pa nga.
"Dahil sinabi ko... at simula mamayang gabi, sa kuwarto ko na ikaw matutulog."
"Sa isang kuwarto tayong dalawa matutulog?!" Nabibiglang tanong ni Velora, na may pagtataka.
Mariing napatiim si Dewei ng kanyang labi. "Kailangan na paulit ulit?"
"Nakaka