Kinabukasan
"Bakit ang tagal mo nagising ngayon? Di ka naman ganyan." Tanong ni Shanel sa binata.
"May lagnat ka pa? Ang aga mo ah? Himala." Kontra naman na sagot ng binata.
Nasa likod ng kusina ang dalawa. Papunta na dapat si Shanel sa quarter ng mga kasambahay ng makita nya ang aso ni Thunder kaya sinubukan nya lumapit. Bago pa makita ni Thunder si Shanel eh para syang tangang kinakausap ang aso.
"Ano nga uli tinawag sayo ni Thunder? Ah. Grabe ang laki mo pala talaga sa malapitan. Para kang yong amo mo. Ang laking tao. Parang giant na nakakatakot pero nakaka in-love tss erase erase. Nakaka stress pala."
kumahol ang aso at sabay nyang naalala ang pangalan nito. Kaya napangiti sya.
"Ah naaalala ko na. Jolly... Jolly ang pangalan mo. So babae ka. Hindi ako mahilig sa aso pero cute ka naman kay pagbibigyan na lang kita."
"Anong ginagawa mo dito? Aba nakabihis ka na. Handa ka na ba for school?"
Putol ni Thunder sa iniisip nya habang kausap ang aso.
"Pag late ako may problema ka. Pag maa