Bella's POV
Kagabi ay tinulungan kong mag-empake si Damian ng mga dadalhin niyang mga gamit dahil ngayong araw na siya aalis. Nagbilin siya sa akin na kapag daw may kailangan ako ay tawagan ko lang daw si Azrael o si Jane dahil baka hindi niya raw masagot ang text o tawag ko dahil magiging busy siya sa mga susunod na araw dahil sa business convention at seminar na dadaluhan niya.
"Huwag mo na akong aalalahanin dito, Damian." Ani ko at ngumiti sa kanya.
"Next time I will bring you with me, okay?" Aniya.
Tumango ako sa kanya, "sige na. Baka ma late ka pa sa flight mo."
Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa noo.
"Take care of yourself, Muffin." Sabi nito.
"Opo," sagot ko sa kanya, "mag-ingat ka roon." Bilin ko sa kanya.
"Of course." Sagot nito at ngumiti sa akin.
Kumaway ako sa kanya nang makalabas na ito sa condo niya. Sumenyas naman ito na pumasok na ako. Ngumiti ako sa kanya at sinunod siya.
Nililibang ko ang sarili ko sa pagbabasa ng libro o 'di kaya ay sa panon