"Miya, hindi ka ba talaga puwede ngayon?" I asked over the phone.
[Avi, I'm sorry. Daddy is here and I can't takas. You know naman na he doesn't allow me to gala during this hour.]
"It's only 10 in the evening, Miya," sabi ko sabay irap kahit hindi niya nakikita.
[Exactly, Avi! It's 10 pm na! Gabi na so you should go home na.]
"May bibilhin lang naman akong art materials."
[Why didn't you call, Ors?]
"May kabebe time. Iiyak na naman 'yon next week," sabi ko sabay iling. Tumawa naman si Miya dahil sa sinabi ko. "Bye na," paalam ko.
[Bye! Ingat!]
Nilagay ko na ang phone ko sa bulsa ng maong shorts ko at nagpatuloy na sa paglalakad sa loob ng mall.
Pumasok ako sa National Bookstore at nakitang marami-rami pa ang mga tao. Papunta na sana ako sa gawi ng mga art materials nang may mamataan ako.
&