Tinupad nga ni Bryan ang sinabi nitong hindi na papansinin pa si Marie. Parang gusto naman niyang lumundag sa tuwa sa t'wing makikita niyang lalapitan ni Marie si Bryan at deadma lang ang huli.
Ngayon ay nagtatrabaho na si Bryan sa isang department store bilang isang promodiser.
Isang araw na may trabaho ito ay nagkaroon siya ng 'di inaasahang bisita. Hindi niya alam ang gagawin niya n'on dahil hindi pumasok sa isip niya na matutunton sila nito.
"Claire, I hired a private investigator to see you both." Inilibot nito ang tingin sa buong bahay. "And I can see you both survived in this place."
Wala siyang maisagot dito.
"We have so many dreams for him, Claire. Please let him achieve his goals in life. Makapaghihintay pa ang pag-ibig n'yo."
Napayuko siya.
"Sana pina-graduate mo na lang si Bryan bago kayo nagtanan. He's running for a cum laude. Nasayang ang lah