Claire cleared her desk. Mag-aalas singko na. She needed to get home before seven pm. She put some lipstick and powder. Sakto namang bumukas ang pinto ng president's office.
"Yo, Claire. You're not home yet?" Tanong ng boss niya.
She rolled her eyes upwards. Duh. 'Di halata? Gusto sana niyang isatinig.
"Paalis na 'ko, boss."
"Want to tag along?"
She shook her head. "Hindi na."
Umingos ito. "C'mon, Claire. Hindi mo na nga ako sinagot, ipagkakait mo rin ba ang paghatid ko sa'yo?"
Natawa siya. Grabe talaga ang trip ng boss niya. Oo at nandito na ang lahat. Gwapo, mabait, mayaman at yummy. Pero hindi niya ito type. Hanggang kaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay dito.
"Sumbong kita kay Marian."
Agad namang nagbago ang timpla ng mukha nito. "Claire naman, joke lang yun. Baka totohanin mo," bawi nito. "Sige, mauna