Tahimik si Luna sa ilang saglit, pinipigilan ang bahagyang pamumula ng kanyang pisngi.
Bahagya siyang tumikhim, pilit nilalabanan ang pag-aalangan, at sa huli'y kalmado siyang nagsalita, "Nakalimutan kong kunin ang pantulog ko." mahinahong niyang wika.
Bagama’t may bahid ng pagkapahiya, hindi na ito ganoon kabigat sa kanya. Sa paglipas ng mga taon nilang mag-asawa, hindi na bago sa kanila ang ganoong sitwasyon, marami na ring ulit na mas mahigit pa rito ang kanilang pinagsamahan.
Sa mga taong lumipas mula nang sila’y ikasal, bagaman hindi niya kailanman tahasang sinabi, palihim na umaasa si Luna, umaasang sa pagdaan ng panahon ay matutunan din siyang mahalin ni Eduardo.
Ngunit kailanman, hindi pumasok sa isip ni Luna na akitin o siluin si Eduardo.
Kaya't ang mga pajama na madalas niyang isinusuot sa bahay ay payak lamang, karaniwang dalawang pirasong kasuotan, maluwag ang kwelyo, walang kapansin-pansing ganda, tanging kaginhawaan lamang ang isinasaalang-alang.
At ang suot niyang pang-