Pitong taon na silang kasal, ngunit laging malamig ang pakikitungo ni Eduardo, Monteverde kay Luna Santos. Ngunit si Luna ay palagi paring nakangiti, dahil sa mahal na mahal niya ito. Naniniwala rin siya na darating ang araw, mapapainit niya ang puso nito. Ngunit ang kanyang inaantay na pag-ibig ng lalaki ay napunta sa ibang babae, at ang kanyang pakikitungo sa babaeng ito ay mabuti. Nanatili pa rin siyang determinado sa kanilang kasal. Hanggang sa kaarawan niya, lumipad siya ng libo-libong milya patungo sa ibang bansa para makasama ang lalaki at ang kanyang anak na babae, ngunit dinala nito ang kanilang anak, para samahan ang babaeng iyon, iniwan siyang mag-isa sa walang laman na silid. Tuluyan ng sumuko si Luna matapos niyang makita na ang kanyang anak na babae ay gustong palitan siya ng ibang babae bilang ina. Hindi na siya nag dam-dam pa, nag-iwan siya ng sulat sa sobre para sa kasunduan ng diborsyo, isinuko niya ang kustodiya, at umalis ng may estilo. Mula noon, hindi na niya muli itong pinansin at hinihintay na mailabas ang sertipiko ng diborsyo. Itinuring niya ang kanyang pag-alis sa kanyang pamilya bilang isang pagkakataon para bumalik sa kanyang karera. Siya, na dating hinahamak ng lahat, ay madaling makakuha ng kayamanan na umaabot sa daan-daang bilyon. Ngunit sa kanyang mahabang paghihintay, ay ang hindi lamang pagdating ng sertipiko ng diborsyo, kundi ang lalaking ayaw mang-uwi noon ay mas madalas ng umuwi ngayon, at mas lalong nagiging malapit ito sa kanya. Nang malaman niyang gusto na niyang makipaghiwalay, ang karaniwang tahimik at malamig na lalaki ay sinunggaban siya at sinabi, “Diborsyo? Imposible.”
view moreNang dumating si Luna Santos- Monteverde sa paliparan sa lungsod ng Villa Esperanza, lampas na sa alas nuebe ng gabi.
Ngayong araw ay kaarawan niya. Nang binuksan niya ang kanyang telepono, sunod-sunod na bati ang bumungad sa kanya. Ang mga mensahe na mula sa kanyang mga kaibigan, mga kamag-anak, at mga kakilala. Ngunit sa kabila ng mga mensaheng natanggap niya, wala ning isang bati man lang sa kanyang kinakasamang si Eduardo Monteverde ang natanggap. Bahagyang natunaw ang mga ngiti sa labi ni Luna. Nang makarating sila sa Villa, lampas na sa alas diyes ng gabi. “Madam, ahhh ano pong ginagawa niyo rito?” nagtataka at naguguluhang boses ng mayordoma na si Aurora. “Nasaan sina Eduardo at Aria?” mahinang tanong ni Luna. “Hindi pa po nakabalik si Boss, nasa kwarto naman ang bata naglalaro.” sagot ng mayordoma. Inabot ni Luna ang bitbit niyang maleta sa mayordoma at dahan-dahang umakyat sa itaas na palapag ng hagdan. Nang makarating siya sa silid ng kanyang anak, naabutan niya ang supling na nakasuot ng pajama na pantulog, nakaupo sa isang maliit na mesa at tila lubhang abala sa isang bagay. “Aria?” malambing na boses ni Luna. “Mom!” masiglang sigaw ni Aria, ang kanyang mukha ay nagliwanag sa tuwa nang makita ang kanyang ina. Pagkatapos ay binalik ng supling ang kanyang atensyon sa kanyang ginagawa, ang kanyang mga mata ay nakatuon sa bagay na kanyang pinaglalaruan. Lumapit si Luna at mahigpit na niyakap ang kanyang anak. Nang halikan niya ito, tinulak siya palayo ng munting bata. “Mom, may ginagawa pa po ako.” wika niya, halata sa boses ang pagkawalang gana. Dalawang buwan nang hindi nakikita ni Luna ang kanyang anak. Labis ang kanyang pagka-uhaw sa presensya ni nito. Kahit gaano karaming halik ang ibinigay niya, hindi pa rin ito sapat upang maibsan ang kanyang pagnanasa. Nais din niyang makausap ang kanyang anak. Napapansin niya ang lubos na pagka-abala ng kanyang anak sa kanyang ginagawa. Ayaw niyang sirain ang kanyang konsentrasyon, kaya't mahinahon niyang tinanong, “Aria, nag-aayos ka ba ng kuwintas na gawa sa kabibe?” malambing na tanong ni Luna. “Oo!” masiglang sagot ni Ariya. Nang banggitin ang bagay na kanyang kinagigiliwan, nagniningning ang kanyang mga mata at nagsalita ng may kaguluhan. “Isang linggo nalang ang kaarawan ni Tita Regina, ito ang regalong inihanda namin ni Daddy para sa kanya, pinatingkad namin ng mabuti ang mga kabibe gamit ang mga kasangkapan. Maganda ba?” anito sa kanyang Ina. Nanuyot ang lalamunan ni Luna. Bago paman siya makapagsalita, narinig niya ang masiglang tinig ng kanyang anak na nakatalikod sa kanya. “Naghahanda rin si Daddy ng iba pang mga handog para kay Tita Regina. Bukas-?” Ninikip ang dibdib ni Luna, hindi niya napigilan ang kanyang damdamin. “Aria… naaalala mo ba ang kaarawan ni Mommy?” mapait na tanong ni Luna. “Ha? Ano?” Nag-angat ng tingin si Aria sa kanyang ina, at pagkatapos ay binalik ang kanyang tingin sa mga kabibe na nasa kanyang kamay. “Mom, huwag po ninyo akong kausapin, nagugulo po ang pagkakasunod-sunod ng mga kabibe–” wika pa nito. Binitawan ni Luna ang kamay ng kanyang anak, at nanahimik na lamang. Tumayo siya roon ng magtagal, at nang mapansing hindi man lang siya tinitignan ng kanyang anak, napakagat-labi na lamang si Luna, at sa loob ng silid, umalis siya ng walang imik. Nakita siya ng mayordoma at sinabi, “Madam, tinawagan ko lang ang aking asawa, at sinabi niyang may mga tungkulin siya ngayong gabi, kaya magpahinga na po kayo.” mahinahong tugon niya. “Nauunawaan ko.” Sagot ni Luna. Pagkatapos ay nag-isip siya saglit, naalala ang mga sinabi ng kanyang Anak kanina, at tinawagan si Eduardo. Matagal bago sumagot ng nasa kabilang linya, ngunit ang kanyang tinig ay magaan. “May gagawin pa ako, tatawag nalang ako bukas.” walang ganang tugon ng lalaki. “Eduardo, napakalalim na ng gabi, sino ba ang kausap mo?” isang biglaang boses ng pagsulpot. Boses iyon ni Regina. Mahigpit ang pagkakahawak ni Luna sa telepono. “Wala.” ang isinagot lamang ng Lalake. Bago pa man makapagsalita si Luna, ibinaba na ni Eduardo ang telepono. Dalawa o tatlong taon na ang nakalipas mula ng huli silang magtagpo. Sa wakas ay nakarating siya sa Villa Esperanza, at hindi man lang ito nagmamadaling bumalik para makita siya. Kahit na sa pamamagitan ng telepono, wala man lang pasensya ang lalaki na makinig sa kanya. Napakaraming taon na ang nakaraan ng kanilang pagsasama, ngunit ganun pa rin ito sa kanya, malamig ang pakikitungo, malayo at walang pasensya. Sa katunayan, nasanay na si Luna. Kung noon, tiyak na tatawag muli ito sa kanya at mapagpasensyang tatanungin kung saan siya naroon at kung maari ba itong bumalik. Marahil ay napagod lang siya ng sobra ngayon, at bigla nalang siyang nawalan ng gana na gawin muli iyon. Kinabukasan, nang magising siya naisip niya ang tungkol kagabi at tinawagan si Eduardo. May labing pito o labing walong oras na agwat sa pagitan ng Valley Heights at sa Villa Esperanza. Sa araw na ito ginugunita ang kaarawan niya. Ang dahilan ng kanyang paglalakbay patungo sa Villa Esperanza sa pagkakataong ito, bukod sa nais niyang makita ang kanyang anak na babae at si Eduardo, ay ang pag-asa na makakasama silang makakain ng masaya sa kanyang espesyal na araw. Ito nga ang munting kahilingan ni Luna para sa kanyang kaarawan ngayong taon. Nang tawagan ni Luna si Eduardo, ay hindi ito sumasagot. Matapos ang ilang sandaling paghihintay, ay nagpadala ito ng isang mensahe. [May kailangan ka?] Anito ng lalaki. Luna:[ Mayroon ka bang oras sa tanghalian? Dalhin mo si Ariya, at kakain tayong tatlo sa labas ?] tugon niya. [Okay, ipabatid mo sa akin kung kailan napagpasyahan ang lokasyon.] sagot ni Eduardo. Luna: [Sige.] Pagkatapos nun, walang anumang balita ang dumating mula kay Eduardo. Hindi man lang ito naalala ang araw ng kaarawan niya. Sa isip ni Luna, kahit pa siya’y nakapaghanda na, ngunit hindi parin niya maiwasang makaramdam ng pagka dismaya. Matapos niyang maligo at maghanda upang bumaba, mula sa ibaba narinig niya ang boses ng anak niyang babae at ang mayordoma. “Aria, bumaba ka na rito, malungkot ba ang munting dalagita?” mapagbirong wika ng mayordoma.Ngunit pagdating kay Luna, kahit may ngiti siya sa mukha habang nakikisalamuha sa mga bata at laro, iba ang hatid niyang pakiramdam sa mga nakamasid. May halong kalmadong awtoridad at malalim na pag-iingat, na hindi basta-basta ramdam ng iba.Parang may agwat sa pagitan niya at ng kanyang asawa at anak, kahit na magkasama sila sa parehong espasyo. Ngunit naaalala niya ang huling papupulonf ng mga magulang kung saan kitang-kita ang magandang samahan ng kanyang anak at ng babaeng iyon. Kaya naman, hindi maiiwasang makaramdam siya ng kaunting pagkailang, na tila ba pilit siyang sumusubok na pumasok sa isang relasyon na dati nang maayos at natural na umiiral sa pagitan ng ama at anak.Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng pagkailang kapag ang sariling anak ay lumalapit sa “pumapasok” sa kanilang pamilya? Naiisip ito, ramdam na ramdam niya ang sakit na tiyak na nararamdaman ni Luna. Ngunit habang tinitingnan siya, hindi niya alam kung paano sya mapapalakas o mapapawi ang lungkot sa puso
Muli siyang tinanong ni Eduardo, mahinhin ngunit may bahagyang pagkamausisa, “Ikaw ba ang pupunta, o ako?”Tumingin si Luna kay Aria, hinayaan ang maliit na kamay na humawak sa kanyang daliri, at mahinang sabi, “Aria, ikaw ang magdesisyon.” aniya.“Dad,” wika ni Aria, may ngiti sa mukha, “hindi marunong mag basketball si Mom, pero mahusay ka, Dad.” anito.Alam ni Luna na kaya rin niyang mag-basket, ngunit pinili niyang manahimik. Dahil desidido na si Aria, mahinang sabi niya, “Ikaw na ang pumunta.”“Okay,” tugon ni Eduardo, kasabay ng bahagyang ngiti.Habang tumitindi ang sikat ng araw, ramdam na ramdam ang init sa paligid. Tinanggal ni Eduardo ang kaniyang mahabang itim na amerikana at iniabot kay Luna: “Pahawakan mo nga ito sandali.” aniya.Tahimik siyang tumingin kay Luna.Hinawakan niya ito at maingat na inilapag sa damuhan sa tabi niya, at muling tumingin kay Eduardo.Itinaas lamang ng huli ang kaniyang kilay, tahimik na nagmamasid, na para bang iniinspeksyon ang bawat kilos ni L
Lumapit si Eduardo, bahagyang nakayuko para makita ang screen ng hawak ni Luna. “Tapos ka na bang mag-video?” tanong niya, may bahid ng kaswal na ngiti sa tinig.Tumango si Luna, maingat na pinindot ang screen. “Oo, tapos na,” sagot niya, saka mabilis na ipinadala ang file sa kanya. Matapos ang larong musical chairs, sinimulan naman ang palaro na tinaguriang Di-Matutumbang Gulong ng Apoy.Sa larong ito, apat na pamilya ang binubuo sa bawat pangkat. Bawat isa’y papasok sa loob ng isang malapad at paikot na sapot na wari’y malaking bilog na gulong. Kasabay ng pag-ikot ng bilog ay marahan nilang igugulong ang kanilang mga katawan pasulong, hanggang marating ang hanggahan ng paligsahan. Ang pamilyang unang makarating sa dulo ang kikilalaning nagwagi.Tumitig si Eduardo kay Luna sa ikalawang pagkakataon.“Ikaw ba ang sasali sa larong ito?” tanong niya.Tumango si Aria at mariing nagsabi,“Si Mommy ang sasama sa akin ngayon.” anito.Hindi tumutol si Luna at marahang ngumiti,“Sige.”Nang m
Sandaling natigilan si Aria, tila hindi mawari ang narinig. Ngumiti si Luna, bagaman may bigat ang tinig:“Maghihiwalay na rin kami.” aniya.Hindi na nasilayan ng ina ni Isabella ang gulat, sapagkat matagal na niyang nahinuha ang totoo. May anak nga si Luna, ngunit madalas niya itong nakikitang mag-isa sa bahay sa tapat nila…Nagtagpo ang kanilang mga mata. Ang ina ni Isabella ay bahagyang natigilan, wari’y naalala ang nakaraan kung saan hindi si Luna ang humarap sa paaralan, kundi ang isang babaeng maganda’t kaakit-akit, nakabibighani ngunit may ibang anyo ng presensya.Si Eduardo ang unang nagpakita ng galang. Banayad ang kanyang tinig habang nagsabi:“Magandang araw.” Kahit medyo nabigla, napilitang ngumiti ang ina ni Isabella at tumugon:“Magandang araw rin.”Sandaling natahimik ang paligid bago muling nagsalita si Eduardo, nakapako ang tingin sa pagitan nina Luna at ng babae:“Magkakilala ba kayo?”Bahagyang nag-angat ng kilay si Eduardo wari’y sinusukat ang bigat ng kasagutang
Ngunit matapos ang ilang pagkakataong nakasalamuha niya si Luna, napagtanto ni Ricardo na tila hindi siya ganoong uri ng tao.Hindi ganoon kabigat at kalalim ang kaniyang mga balak, ni hindi ganoon kakumplikado ang kaniyang isipan.Pagsapit ng hapunan, matapos ang kasayahan, unti-unti nang dumaong ang yate sa pampang.Makalipas ang maghapong laro at tawanan, tila nagiging magkababata na sina Christian, Kate at Samantha, magaan na ang kanilang ugnayan, puno ng tiwala at kasayahan.Pagdating ng oras ng pamamaalam, wala na ang anumang pagkailang sa magkapatid. Humarap sila kay Ricardo na may magiliw na ngiti at malayang tinawag:“Uncle Ricardo, sa susunod uli ha, magkita tayo!”Ang simpleng bati ay puno ng init at pagtanggap, wari’y unti-unti nang binubuksan ng magkapatid ang kanilang puso para tanggapin siya bilang bahagi ng kanilang mundo.Pagbalik nila sa mansyon ng mga Rong, walang bakas ng panghihinayang sa mukha ni Luna nang siya’y umakyat patungo sa kaniyang silid.Samantala, naiw
Lumapit sina Christian at Kate kay Samantha at magiliw na nagtanong kung nais ba nitong subukan ang makukulay na water slide.Pagkakita ni Samantha sa makislap at makukulay na slide na nagniningning sa hindi kalayuan, agad siyang tumango nang sabik, bakas sa mga mata ang pananabik at kagalakan.Ang water slide na nasa loob ng yate ay may istilong mainit na bukal, kaya’t hindi malamig kahit taglamig.Bagama’t puwedeng maglaro roon ang matatanda at bata, malinaw na higit itong nilikha para sa kasayahan ng kabataan at mga musmos.Mabilis ding nagsawa sina Luna at Ricardo matapos ang ilang ulit na pagdulas sa water slide, kaya’t pinili nilang umahon at magpahinga.Samantala, si Samantha kasama sina Christian at Kate ay waring walang kapaguran, tawa at hiyawan ang umalingawngaw habang paulit-ulit silang dumudulas, wari’y ayaw nilang matapos ang saya.Nang sa wakas ay mapagod, naupo si Luna sa gilid ng mainit na bukal, hinayaang lamunin ng init ng tubig ang lamig at pagod sa kanyang katawan
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments