Chapter: Chapter 81: P.2"Thessa… gusto kong marinig mula mismo sa ‘yo." panimula ni Carlo.Pigil ang damdaming bumabagabag sa kanyang dibdib. Ang tinig niya’y halos bulong na lamang, mababa, puno ng pangamba at pag-aalinlangan."Si Bella… anak ko ba siya?" anito.Tila may kung anong pagtataka sa mga mata ni Thessa habang nakatitig sa lalaking nasa harapan niya. Naguguluhan siyang tinatanong ang sarili: hindi pa ba lumalabas ang resulta ng pagpapasuri niya bilang isang ama?Sa tanong ni Carlo, umikot-ikot muna sa loob ng kanyang isipan ang mga sagot, tila ba naghahanap ng tamang salita sa pagitan ng damdaming pilit niyang ikinukubli. Ngunit sa huli, isa lamang malamig at walang-buhay na salita ang pinakawala niya.Thessa: "Hindi." kalmado niyang tugon.Mabilis na tumalikod si Thessa at lumakad palayo nang walang pag-aalinlangan, walang baling ng ulo. Hindi siya lumingon kahit isang beses. Tila ba bawat hakbang ay pagputol sa tanikala ng nakaraan.Hanggang sa tuluyan siyang makapasok sa loob ng bahay-laruan, a
Last Updated: 2025-06-10
Chapter: Chapter 81: P.1Lumapit si Bella habang yakap-yakap ang kulay-rosas niyang munting fox plushie, at pinapahid ang antok sa kanyang mga mata.Ang munting bata ay nakasuot pa rin ng kanyang isang pirasong pajama, at ang buhok niya'y magulo pa mula sa pagtulog. Ngunit sa halip na makabawas sa kanyang itsura, mas lalo pa siyang naging kaibig-ibig at malambing sa paningin, parang isang malambot na ulap na gusto mong yakapin buong maghapon.Diretsong lumapit si Bella kay Carlo na nakaupo sa sofa. Walang alinlangan, umakyat siya sa kandungan nito gamit ang kanyang maliliit na kamay at paa, na para bang likas na sa kanya ang pagiging malapit dito.Parang isang kuting na naghahanap ng init, dumapa siya sa kanyang dibdib at huminga ng malalim, tila ba doon siya pinakapanatag.Ipinaliwanag naman ng yaya na nagdala kay Bella, "Ginoong Carlo, tumanggap po ang ating munting ng tawag na emergency kagabi, kaya lumabas siya. Nang magising siya kanina, hindi niya nakita ang kanyang ina kaya siya lumapit sa inyo." anito
Last Updated: 2025-06-05
Chapter: Chapter 80: P.2Kung kaya mang ibigay ni Thessa ang sapat na pagmamahal ng isang ina para sa kanyang anak, paano kung ang munting bata ay naghahangad din ng pagmamahal ng isang ama sa kanyang puso?May isang sandali ng pagkabigla sa kanyang mga mata, at napahinto ang kanyang paghinga.Mahinahong sumagot si Thessa, "Yan ay... Hintayin muna natin ang resulta bago mo husgahan kung karapat-dapat kang mangialam." aniya.Isinara niya ang pinto ng silid-aklatan at iniwan ni Thessa ang lalaking nakatayo roon, ang likod ay isang larawan ng walang pakialam.Sa katahimikan ng silid-aklatan, si Carlo na lamang ang natira. Nagtikom ang kanyang mga labi, at dahan-dahang umakyat ang kanyang mga mata sa isang larawan sa may ibabaw ng mesa. Isang polaroid, kuha nina Thessa at ng tatlong mga bata.Sa araw ding iyon, sa tahanan ng mga Santiago. Nagtungo si Carlo upang sunduin ang mga bata, at nasaksihan niya ang kanilang pagkuha ng mga larawan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit pa siya sumingit nun sa kuha. Maaari na
Last Updated: 2025-04-25
Chapter: Chapter 80: P.1Ang maliwanag at magandang mga nata ni Thessa ay may bahid ng pagdududa. Tumingin siya kay Carlo na puno ng may hindi pagkakaunawa, para bang siya'y sinasapian."Bakit ngayon ka biglang naging mabait kay Bella?" pagtatakang tanong ni Thessa.Sa harap ng mga matang puno ng pagdududa, parang iniipit si Carlo sa isang nakakasakal na silid. Nanghihina ang hangin, bawat paghinga'y tila pagsuong sa makapal na putik, unti-unting nauubusan siya ng lakas. "Thessa, nais ko lang bilhan ng mga laruan ang mga bata." giit pa nito.Sa isang tinig na walang bahid ng pagmamadali, ibinaon niya ang katotohanan: ang bagay na di masusukat ang halaga ay ginagawa niyang parang mga mumurahing paninda sa bangketa, walang saysay na banggitin."Milyon-milyong mga branded ang kasuotang pambihira, mga laruan lang ba talaga iyon sa paningin mo?" Malamig na usal ni Thessa, halos walang awang bumulwak mula sa kanyang bibig."Carlo, ginugulo mo ang lahat sa pagtatanghal mo, ano ba talaga ang pakay mo!" Dagdag pa niy
Last Updated: 2025-04-22
Chapter: Chapter 79: P.2"Sige po Mr. Carlo!" masiglang boses ng tauhan.Para sa isang taong may mataas na posisyon katulad ni Carlo na kumikita ng bilyon-bilyon sa isang iglap, ang oras ay pera, pero handa siyang maglaan ng napakaraming oras kasama ang kanyang anak para pumili ng damit. Ang kanyang mga mata ay nakatuon, na para bang nag-aayos siya ng isang proyekto ng kooperasyon na nakakahalaga ng daan-daang milyong piso.Ang mga tauhan na nagbebenta ay nag bubulong-bulongan sa kanilang isipan; Sobrang saya ni Mr. Carlo magkaroon ng anak na babae! ani nila, ang saya'y tila ba isang lihim na kayamanan.Simula sa araw na ito, isang bagong kabanata ang nagbukas. Isang mahiwagang mensahe, isang bulong sa dilim, ang dumapo sa bawat taong bahagi sa kanilang mundo. Si Carlo ang Presidente ng Davilla's Group, ay may isang maliit na prinsesa matapos ang dalawang pinakamamahal na anak na lalaki. Isang karagdagan sa kanilang pamilya na nagdudulot ng matinding kagalakan, ngunit sa likod ng matamis na kagalakan, isang
Last Updated: 2025-04-07
Chapter: Chapter 79: P.1"Ilipat niyo ang mga hilera roon," boses ng isang batang babae, ang boses ay may bahid ng awtoridad ngunit may pagpipigil din upang hindi masyadong mahigpit. Ang kanyang mga mata ay mapanuri, sinusuri ang bawat galaw ng mga taong nag-aayos ng mga mamahaling tela, "At ang mga hilera naman dito." aniya.Isang daing ang sumabog mula sa gitna ng mga nagtatrabaho. "Aray! Dahan-dahan lang! Mag-ingat kayo baka masabit ang mga diyamante sa mga palda!" matigas nitong sabi."Ayusin ninyo ang mga maliit na lobo ayon sa laki, saka ninyo ipasok!" sumunod nitong wika.Habang nakaupo, ang mga mata ni Carlo ay bahagyang nakatitig sa orasan, hinihintay ang resulta ng pagpapahalaga. Ngunit sa gitna ng kanyang pagkabalisa, napansin niya ang batang babae. Kitang-kita niya ang pagkagusto ng bata sa mga alahas.Hindi pa man lumamig ang mga salitang binitawan niya, isang alon ng pagkilos ang sumunod. Sa isang iglap, ang mga pangunahing brand, mga pangalang kilala sa mundo ay nag-uumpisang magpadala ng mga k
Last Updated: 2025-04-02

Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall
Pitong taon na silang kasal, ngunit laging malamig ang pakikitungo ni Eduardo, Monteverde kay Luna Santos. Ngunit si Luna ay palagi paring nakangiti, dahil sa mahal na mahal niya ito. Naniniwala rin siya na darating ang araw, mapapainit niya ang puso nito. Ngunit ang kanyang inaantay na pag-ibig ng lalaki ay napunta sa ibang babae, at ang kanyang pakikitungo sa babaeng ito ay mabuti. Nanatili pa rin siyang determinado sa kanilang kasal. Hanggang sa kaarawan niya, lumipad siya ng libo-libong milya patungo sa ibang bansa para makasama ang lalaki at ang kanyang anak na babae, ngunit dinala nito ang kanilang anak, para samahan ang babaeng iyon, iniwan siyang mag-isa sa walang laman na silid. Tuluyan ng sumuko si Luna matapos niyang makita na ang kanyang anak na babae ay gustong palitan siya ng ibang babae bilang ina. Hindi na siya nag dam-dam pa, nag-iwan siya ng sulat sa sobre para sa kasunduan ng diborsyo, isinuko niya ang kustodiya, at umalis ng may estilo. Mula noon, hindi na niya muli itong pinansin at hinihintay na mailabas ang sertipiko ng diborsyo. Itinuring niya ang kanyang pag-alis sa kanyang pamilya bilang isang pagkakataon para bumalik sa kanyang karera. Siya, na dating hinahamak ng lahat, ay madaling makakuha ng kayamanan na umaabot sa daan-daang bilyon. Ngunit sa kanyang mahabang paghihintay, ay ang hindi lamang pagdating ng sertipiko ng diborsyo, kundi ang lalaking ayaw mang-uwi noon ay mas madalas ng umuwi ngayon, at mas lalong nagiging malapit ito sa kanya. Nang malaman niyang gusto na niyang makipaghiwalay, ang karaniwang tahimik at malamig na lalaki ay sinunggaban siya at sinabi, “Diborsyo? Imposible.”
Read
Chapter: Chapter 86: P.2Pagpasok niya, bahagya lang siyang tinignan ni Eduardo saka muling binalikan ang laptop sa kanyang kandungan, tila walang intensyong makipag-usap.Sa hapag-kainan, umupo ito sa tabi ni Luna. Abala pa rin sa cellphone.Tahimik si Luna sa una, pero maya-maya'y bumulong, bahagyang nakayuko, "May oras ka ba mamaya? May gusto sana akong sabihin." aniya.Hindi man siya tinignan nang lalaki ay narinig naman nito ang sinabi niya. "Okay," maikling sagot nito habang nakatutok pa rin sa cellphone.Bahagyang huminga ng maluwag si Luna. Kahit papaano, pumayag ito.Kanina pa nakikipag-usap ang matandang ginang sa kasambahay kaya hindi nito narinig ang pag-uusap nina Luna at Eduardo. Pero nang mapansin niyang tila may mahalaga silang pinag-uusapan, napangiti ito nang may kasiyahan.Pagtapos ng hapunan, ipinahanda agad ng matandang ginang ang kanyang iniatas, ang pagpapainom ng gamot kay Luna. Inutusan niya ang isa sa mga kasambahay na dalhin ito sa babae.Pagkatapos uminom ng gamot, lumabas si Luna
Last Updated: 2025-07-29
Chapter: Chapter 86: P.1Sa puntong iyon, napabuntong-hininga si Heneral Francisco at napailing. "Kung iisipin, si Miss Saison... sobrang swerte talaga niya." Hindi pa man nakakareak sina Luna at Jeriko, nagsalita na agad si Francisco na may halong lihim sa tono, "Ah, oo nga pala, dalawang araw nang nag-o-overtime ang team ni Miss Saison nung Sabado at Linggo, pero ni kaunting progreso, wala pa rin daw sa proyekto? Kagabi, mga bandang alas-siyete, bumalik daw sa kumpanya si Mr. Eduardo. Naawa raw kay Miss Saison, kaya siya na mismo ang tumulong buuin ang core ng proyekto. Doon pa lang daw umusad ang trabaho." "Ngayon, ito na ang pinaka-punto," sabay lapit pa ni Francisco at bahagyang ibinaba ang boses."Narinig ko raw, si Mr. Eduardo at si Miss Saison magdamag silang nasa opisina sa itaas kagabi. Hanggang ngayon, hindi pa raw bumababa." dagdag nito.Sa huli, bahagyang tinaas ni Heneral Francisco ang kilay kay Jeriko, may kahulugang ngiti sa mukha.Agad namang naunawaan ni Jeriko ang gustong ipahiwatig nito.
Last Updated: 2025-07-29
Chapter: Chapter 85: P.2Gayunpaman, unti-unting nawala si Luna sa sarili habang nagbabasa ng libro, kaya hindi na niya namalayan ang tunog ng sasakyan sa labas.Lumabas si Eduardo nang ganoong oras ng gabi. Malamang ay may naging problema sa proyekto ni Regina, kaya't tinulungan niya ito upang ayusin.Samantala, humiga si Aria sa mga hita ni Luna at nagkunwang tampo: "Ayaw akong isama ni Dad."Alam naman ni Luna na hindi talaga siya isasama ni Eduardo. Dahil kapag isinama siya nito, malalaman ng lahat na may asawa na siya, at may anak nang kasinglaki ni Aria.Paanong maisasangkot pa niya si Regina sa kahihiyan?At si Eduardo, paano niya mahahayaang si Regina ang mapulaan? Hindi niya matatanggap na masaktan o masabihan ng masama ang Kabet niya!Hinawi ni Luna si Aria at marahang sinabi, "Hindi pa magaling si Mommy, anak. Umupo ka muna sa iba."Napakunot ang noo ng bata pero tumango rin, "…Sige po."Hindi na nakayanan ni Luna ang antok pagdating ng alas-diyes. Dahil hindi pa siya lubos na magaling, naligo siya
Last Updated: 2025-07-28
Chapter: Chapter 85: P.1Napahinto sandali si Luna, at bago paman siya makapagsalita, muling nagsalita pa ang binata: "Gusto ko sanang si Kuya ang magturo sa 'kin, pero sabi niya may ginagawa raw siya, kaya pinapunta niya ako sa ’yo para ikaw na raw magturo."Sandaling natahimik muli si Luna, saka walang imik na kinuha ang papel nang binata sa pagsusulit.Nang tignan ito ni Luna. Maganda naman ang mga grado ni Augustin at matibay ang pundasyon niya. Kinuha ni Luna ang dalawa niyang papel ng pagsusulit at matapos suriin, natukoy na niya agad kung ano ang problema."Ate ang galing mo talaga, salamat ha!" masiglang usal ng binata.Pagkatapos niyang maintindihan, umupo si Augustin sa harap ng mesa sa gitna at nagsimulang magsulat nang walang pakialam sa itsura niya.Pagkatapos matapos ang mga tanong sa pisika, inayos niya ang mga libro at panulat niya at nagsabing, "Ayos! Pwede na ulit ako maglaro sa phone!" Ngumiti si Luna at ibinaba ang dyaryong halos patapos na niyang basahin. Medyo gumaan ang pakiramdam niya
Last Updated: 2025-07-23
Chapter: Chapter 84: P.2Pagkasabi niya niyon, tumalikod agad si Eduardo at bumaba ng hagdan, hindi na hinintay pang magsalita si Luna.Ilang minuto ang lumipas, dumating sina Mr. Nel, ang matandang ginang, si Eduardo, at Aria sa silid.Tiningnan ni Mr. Nel si Luna at sinabi niyang mas bumuti na ang lagay nito, ngunit kailangan pa rin niyang uminom ng gamot. Mahina raw ang katawan at may dinadala sa kalooban, kaya’t madaling dapuan ng sakit kapag nagkakatrangkaso. Kailangan daw niyang palakasin ang kanyang katawan.Tumango si Luna habang nakikinig.Muling nagtanong si Ginang, "Nagugutom ka na ba, Luna?"Dahil hindi maganda ang pakiramdam ni Luna noong tanghali, nakatulog siya matapos kumain ng kaunting pagkain lamang.Palubog na ang araw, at kahit nararamdaman ni Luna ang gutom, nanatili pa rin siyang walang ganang kumain.Gayunpaman, mahinahong pinakiusapan siya ng matanda na kumain kahit kaunti. Pagkatapos ay iniutos nito kay Eduardo na bumaba sa kusina upang kunin ang pagkaing espesyal na inihanda para kay
Last Updated: 2025-07-21
Chapter: Chapter 84: P.1Hindi tumingin si Eduardo kay Luna. Marahan niyang hinaplos ang ilong ni Aria at mahinahong sinabi:"Busy si Daddy ngayon, kaya sumunod ka na lang kay Mommy at magpakabait ka, ha?" aniya."Okay." ani Aria na may pag-aatubili, sabay sulyap kay Luna mula sa gilid ng mata.Pagkalapit niya kay Luna, tahimik niyang iniabot ang kamay niya, hudyat na gusto niyang hawakan siya ng kanyang ina. Ito ay maituturing na unang hakbang para makipag-ayos sa kanya.Hinawakan ni Luna ang kamay ng anak, binati ang mayordoma, at saka sila lumabas.Pagdating nila sa bahay ng mga Santos, naroon na si Ginang Monteverde.Pagkakita ni Ginang Monteverde na sina Luna at Aria lamang ang dumating at wala si Eduardo, agad siyang napakunot-noo:"Nasaan si Eduardo? Abala na naman ba siya?" matigas na tanong nito.Maikli lamang ang sagot ni Luna: "Oo."Galit na dinampot ni Ginang ang kaniyang telepono upang tawagan si Eduardo.Samantala, si Ginang Santos na alam na ang tungkol sa nalalapit na paghihiwalay nina Luna at
Last Updated: 2025-07-19