"Maayos na po ang lagay ng bata. He will soon wake up after a long rest."
Agad na naglaho ang bigat sa dibdib ni Divine nang marinig ang sinabi ng nurse. Napangiti siya, saka huminga nang malalim, ramdam ang matinding ginhawa. Pumikit siya sandali at taimtim na nagpasalamat sa Diyos dahil maayos na ang kalagayan ng anak niya.
"Maraming salamat, nurse."
Tumango ang nurse bago siya pinaalalahanan tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin kapag nagising na ang bata. Matapos no’n, tahimik itong lumabas ng silid.
Pagkaalis nito, muling ibinaling ni Divine ang tingin sa anak niyang nananatiling walang malay. Ziancio payed for a very wide and quiet private room so Zaurus would be comfortable. Natutuwa siyang makita ang effort na binibigay ng nobyo sa anak nila.
And speaking of Ziancio, hindi niya na ito muli pang nakita simula nang kuhanan ito ng dugo. She assumed that he has something important to do she didn't question him about it. Marami pa kasi itong kailangan asikasuhin sa opisina, at