Search
Library
Home / Romance / HER TURN TO BREAK HIM / Chapter 01
HER TURN TO BREAK HIM
Author: SKYGOODNOVEL

Chapter 01

Author: SKYGOODNOVEL
2025-01-02 14:05:01

Chapter 01

Safara POV

Mula noong pa ay palagi kong tinatanong ang aking ina kung sino ang aking ama, kung bakit ako pinasuot ako ng makapal na salamin pero wala naman grado.

Ang tinging sagot lamang niya sa akin ay 'patawad anak, pero kailangan mong itago ang iyong tunay na mukha para sa kinabukasan mo ito,' kaya wala akong magawa kundi sinunod ko na lamang ang sinabi ng aking ina.

Hanggang ngayon ay naging college na ako at nakasanayan ko na ding magsuot ng ganito kaya baliwala na lamang sa akin ang mga pangungutyang nila sa akin lalo na ang mga ka-klase ko noon elementary at high school.

Laking pagsasalamat ko sa Panginoon dahil may katulad sa pamilyang ng Alcantara ang may busilak na puso. Kahit na mayaman sila ay doon ko lang masabi na, "hindi lahat na mayayaman ay masama, mapag-mataas at mata-pobreng tao," kaya lagi kong iniisip ka kailang masuklian ko ang kanilang pagbigay sa akin ng schoolarship pamamagitan ng pag-aaral mabuti.

Nagsimula akong magtrabaho dito noong high school pa lamang ako, at sila rin ang naging dahilan kung bakit natupad ang pangarap kong makapag-aral. Scholar nila ako. Ngunit kung gaano kabait ang pamilya Altacara, kabaliktaran naman ang mundong aking ginagalawan sa eskuwelahan.

Unang araw ko bilang isang first-year college student sa kursong Business Administration at isang transfe . Dala ang simpleng bag, naglalakad ako papunta sa aking locker nang maramdaman ko ang mga mapanghusgang tingin ng ilang estudyante.

Tulad ng dati, nakasuot ako ng makapal na salamin at wig upang maitago ko ang aking pagkilanlan hanggang biglang may sumigaw sa akin sabay bato ng kamatis.

"Hoy, pulubi!" sigaw ng isa sa kanila, sabay hagis ng kamatis na tumama sa damit ko.

"Ang baho mo! Hindi ka bagay dito!" sabay-sabay silang nagtawanan.

Napayuko na lang ako, sinubukang hindi pansinin ang sakit ng kanilang mga salita. Alam kong kailangan kong magtiis. Sayang ang scholarship kung susuko ako. Ngunit bago pa ako makalayo, may pumatid sa akin, dahilan para matumba ako at masugatan ang tuhod. Halos lumambot ang tuhod ko sa sakit, pero tumayo ako agad.

Habang papunta ako sa locker room, narinig ko ang isang pamilyar na boses.

"Safara! Anong nangyari sa’yo?" tanong ni Mae, ang panganay na anak ng amo ko. Kasama niya ang kapatid niyang si Leah, parehong nakatingin sa akin nang may pag-aalala.

"Wala po, nadapa lang po ako," sagot ko, pilit na ngumiti.

"Hindi mo kami maloloko. Sino ang gumawa nito?" seryosong tanong ni Leah, na halatang mas taray kumpara kay Mae.

"Okay lang po, Ate. Ayoko pong makagulo. Ayoko rin pong madamay kayo," sagot ko habang pilit na itinatago ang sugat sa tuhod ko.

"Ang bait mo talaga, pero hindi namin hahayaan na ganyanin ka," sabi ni Mae.

Hinila nila ako papunta sa ladies' room at binigyan ng damit mula sa locker ni Mae. Habang nagpapalit ako, hindi ko maiwasang mapansin ang sinabi ni Leah, "Alam mo, ang ganda mo kaya. Kung hindi mo lang tinatago iyan, daig mo pa ang artista," wika nito.

Napangiti ako. Kahit paano, naramdaman kong hindi ako nag-iisa.

Pagkatapos magbihis, hinatid nila ako sa classroom ko. Pero bago kami makarating, naramdaman ko ang mga tingin ng ilang grupo ng kalalakihan sa hallway. Hindi ko sila pinansin, pero ramdam ko ang pag-usisa nila sa akin.

"Hi, Prof. Good morning!" bati ni Leah at Mae sa professor ko.

"Good morning, Ms. Altacara. Ano'ng sadya ninyo?" tanong ni Professor Miranda.

"Hinatid lang po namin si Safara. Hindi po namin siya kadugo, pero itinuturing na naming bunso," paliwanag ni Leah habang nakangiti.

"Gano’n ba? Oh siya, Safara Gomez, umupo ka na doon sa ikaapat na upuan. Mr. Rosales, pakitabi si Miss Gomez," sabi nito sa akin.

Pagtingin ko sa tinutukoy ni Professor, napatigil ako. Nakita ko ang isang lalaking seryosong nagbabasa ng libro. Ang itsura niya ay parang modelo sa isang magazine—matangkad, maputi, at matalim ang mga mata. Nang magtama ang mga mata namin, tila tumigil ang oras.

"Salamat po sa paghatid, Ate Mae, Ate Leah," sabi ko bago tuluyang umupo.

"Basta tandaan mo, Safara. Hindi ka nag-iisa. Nandito lang kami," sabi ni Mae, sabay ngiti.

Nang umupo ako sa tabi ng lalaking tinawag na Mr. Rosales, naramdaman ko agad ang tensyon. Hindi niya ako pinansin, pero alam kong naririnig niya ang mga bulong ng mga kaklase namin.

"Siya ang scholar ng Altacara? Mukhang wala naman siyang karapat-dapat dito," bulong ng isang estudyante.

Hindi ko na lang sila pinansin. Sa kabila ng lahat, alam kong kailangang magpakatatag ako. Hindi ko hahayaang masira ang mga pangarap ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP