Chapter 10
Ang gabing iyon ay puno ng pagsubok sa aking isipan. Paulit-ulit kong inalala ang lahat ng nangyari—ang pagkakanulo ni Vince, ang kanyang mga salita, ang pagtawa niya kasama ang kanyang mga kaibigan. Lahat ng iyon ay parang isang malupit na biro na iniukit sa puso ko.
Pero hindi ko sila hahayaang basagin ako. Hindi si Sabrina, hindi si Vince, hindi kahit sino.
Kinabukasan, nagising ako na puno ng determinasyon. Paglabas ko sa dining room, nandoon na sina Ate Leah at Ate Mae, abala at puno ng sigla.
“Good morning, beauty queen!” biro ni Leah habang iniabot sa akin ang isang baso ng orange juice.
“Good morning,” sagot ko, pilit na ngumiti habang tinatago ang kaba.
“Huwag kang mag-alala, Safara,” sabi ni Mae na tila nababasa ang iniisip ko. “Nandito kami para sa’yo. Wala nang laban ‘yang Sabrina na ‘yan at ang grupo niya.”
Dumating ang araw ng pageant nang mas mabilis kaysa sa inaasahan ko. Ipinakita ni Mae ang gown na dinisenyo niya para sa akin—isang napakaganda