Pagdating ko sa bahay. Kitang-kita ko si Darius na nakaupo sa may sofa, para bang may hinihintay.
Sino naman kaya ang hinihintay niya? Ako ba?
Ang aga niya atang umuwi ngayon? Wala bang masyadong ginagawa sa opisina?
Nang makita niya ako ay nakatitig lamang siya sa akin. Ang mga mata niya ay makikita mong pagod na pagod talaga . Saka ko lang naramdaman ang paninikip ng dibdib ko, nang maalala ko ang sinabi ng lola niya sa akin kanina.
Dahil sa daddy ko, kaya siya nawalan ng ina. Gusto niyang ipaghiganti ang mommy niya, at sa akin siya gustong maghiganti.
To kill me, huh!
Tinapunan ko lang siya ng tingin bago ako umakyat sa kwarto ko. Hindi ako dumiretso roon sa kwarto niya, dahil ayaw ko siyang makasama sa loob ng isang kwarto.
Hindi naman ako nakakaramdam ng takot sa kanya. Kung meron man akong nararamdaman ngayon, iyon ay ang pagkabigo. Ginawa pa talagang rason ang utang ng ate ko. Kung totoo nga ‘yun, bakit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ginawa ang plano niya?
Bakit, P