Si Phoebe Concepcion ay isang babaeng pasan ang mundo at nawalan ng pag-asa magmula nang iwan siya ng kanyang mahal na ina at kapatid. Sa hindi inaasahang pagkakataon, isang lalaking mayaman at gwapo ang biglang lumapit sa kanya. Inalok siya ng isang kontrata na magtatagal sa loob lamang ng isang taon. At hindi siya makaka-hindi dahil ipapakulong siya nito. Magiging matiwasay kaya ang kanyang pagpapakasal sa lalaking ito o magdadala lang ito ng kaguluhan sa kanyang buhay?
Lihat lebih banyakPhoebe's POV
NAGLALAKAD ako sa gilid ng dalampasigan habang iniisip kung gaano kasakit ang nangyari sa buhay ko. Kakadrop ko lang mula sa school ko at kahapon lang naputol ang ugnayan ng mga magulang ko dahil hindi na nagkakasundo si mommy at si daddy. Sobrang sakit at wasak ang pakiramdam ko. Ayokong magkaroon ng pamilyang sirâ. Dati, masaya ako dahil buo kami, pero ngayon, alaala na lang lahat.
Miss na miss ko si daddy, pero nagdesisyon na siya at mas pinili niya ang bago niyang pamilya kaysa sa amin. Hindi ko mapigilan na hindi umiyak. Gusto ko na lang bumitaw para matapos na lahat ng sakit pero naiisip ko si mommy at ang kapatid ko. Ayokong madagdagan ang labis na kalungkutan nila. Ayokong masaktan pa si mommy nang dahil sa akin. Kaya heto ako, naglalakad nang mag-isa, nilalasap ang bawat hapdi ng alaala.
Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari, pero si mommy, palaging sinasabi na kasalanan niya raw lahat. Na kung may nagkulang man, siya 'yun. Wala akong magawa kundi umiyak at maghinagpis. Miss na miss ko si daddy. Hindi ko mapigilan ang luha ko tuwing naaalala ko kung paano niya kami pinaalis. Para bang wala na kaming halaga para sa kanya. .
Sa bawat hakbang ko sa buhanginan, pakiramdam ko'y bumibigat lalo ang puso ko. Pero alam kong kahit gaano kasakit, kailangan kong magpatuloy. Kailangan kong maging matatag para kay mommy, para kay Quila at para kay ate Ophelia.
[Flashback!!!]
"Bes, uwi na ako ah? Nandiyan na kasi si ate e. Kung saan-saan kasi s nagsusuot e, ingat ka," sabi ko.
“Thanks Pooh… for coming with me.” Sagot ni Myla sa akin, ang aking kaibigan. Tinulungan ko siya dahil nakitawag siya sa phone ko.
"Phoebe, tara," sabi ni ate Ophelia. Tumango lang ako at umuwi na kami dala ang mga pinamili namin. Pagdating sa bahay, iniwan ko muna ang mga dala namin sa sala at umakyat sa kwarto para magbihis.
Pagkatapos magpalit ng damit, bumaba na ako para sana ayusin ang mga pinamili namin ni Myla kanina pero ibang eksena ang bumungad sa akin.
Paglapit ko, nakita ko sina Glyzza at Glydel, inaaway si ate Ophelia at hawak-hawak nila ang mga pinamili ko sa mall kanina.
"Eh ano ka ngayon, ha? Kahit ano pang gawin mo, walang maniniwala sa'yo! Kaya kung ako sa'yo, ibigay mo na 'tong skirt at jeans sa amin. Mas bagay sa amin 'to kaysa sa inyo ng kapatid mong musmos!" Sabi ni Glyzza.
Dahil sa galit, hinablot ko ang mga pinamili ko. Napaupo si Glyzza sa sahig dahil sa pagkabigla. Sakto namang dumating sina daddy kasama sina lolo at lola. Sila ang mga magulang ni daddy. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Si ate naman, inayos ang sarili niya.
"Oh no, Glyzza darling! What happened?" Nagda-drama na tanong ni lola na parang artista. Sorry, pero wala akong galang sa kanya dahil wala rin naman siyang respeto sa mommy ko.
"Lola, iyong magaling niyo pong apo kasi, tinulak ako! Gusto ko lang naman yung skirt niya pero ayaw nilang ibigay. Maliit na bagay lang naman 'yun!" Reklamo ni Glyzza, halos maiyak-iyak pa. Maliit na bagay? Pinaghirapan ko ang perang binili nito. Para sa kanila maliit na bagay na iyon, pero para sa akin ay mahalaga ito dahil katas ito ng pagsisikap ko!
"You, you don't have to hurt my granddaughter!" Sigaw ni lola at tinangkang sampalin ako pero agad naman akong naka-iwas.
"Wala kang karapatang pagbuhatan ako ng kamay dahil kahit kailan, hindi ikaw ang nagpalaki sa akin, lola." Sabi ko nang mariin. Nagulat siya sa inasta ko pero mas nagulat ako. Hindi ko akalain na magagawa ko ito!
Alam kong mali ito at baka pagbayaran ko, pero tama na. Pagod na akong magpaapak. Bakit parang sila lang lagi ang tama? Bakit parang sila lang ang may karapatan sa lahat ng bagay? Wala na ba kaming sariling desisyon? Bakit kinailangan namin na sumunod sa kung ano ang gusto nila?
"Walang galang yang anak mo, Felix! Turuan mo 'yan ng leksyon!" Sigaw ni lolo. Akmang hahablutin ako ni daddy pero biglang tumayo si ate sa harap ko.
"Daddy! Ano ba! Uto-uto ka talaga!" Galit na sigaw ni ate. "Sasaktan mo si Phoebe? Ako na lang! Ako na lang ang saktan mo! Wag na wag mo siyang pagbuhatan ng kamay!"
Pero sa halip na si daddy ang sumampal ay ibang kamay ang dumapo sa kanyang mukha. Biglang sinampal ni Glyzza si ate at namumula ang pisngi niya.
"Wag mong bastusin sina lolo at lola! Atsaka wag mong pagsalitaan si daddy ng ganyan!" Sigaw ni Glyzza.
Parang nandilim naman ang paningin ko dahil sa ginawa niya sa ate ko kaya sinampal ko siya pabalik. Hindi ko na kaya. Hindi ko na iniisip kung nasa harap ko sila daddy o lola. Wala akong pakialam.
Pipigilan sana ako ni daddy pero pinagpalo ako ni lola gamit ang baston ni lolo. Masakit, pero hindi pa rin ako tumigil.
"Stop it, Phoebe!" Sigaw ni daddy.
Nabigla ako sa lakas ng boses niya. Unang beses niya akong sinigawan ng ganito. Dati kahit hindi ko nararamdaman ang pagmamahal niya, kahit papaano ay nirerespeto ko siya. Pero ngayon, parang gumuho ang mundo ko.
"Daddy..." umiiyak si Glyzza at niyakap si daddy. Niyakap naman ito ni daddy. Iyon dapat ang ginagawa niya sa amin ni ate at hindi sa kanila.
"Kapal ng mukha mong tawagin siyang daddy! Kami ang totoong anak at hindi kayo ng kapatid mo!" Sigaw ni ate, nanginginig na sa galit.
"Enough, Ophelia! Glyzza and Glydel are your sisters. Kahapon lang naming nalaman ang resulta. Nagpa-DNA test kami noong nakaraang buwan, and it's positive!" sabi ni daddy.
Parang tumigil ang oras. Mga kapatid ko sila? Kaagaw ko na nga sa lahat, pati ba naman sa ama ko?
"Dad, I want those skirts and jeans," pabebeng sabi ni Glydel.
"No," sagot ni ate, matigas ang boses.
"Ano'ng nangyayari dito?" Boses mula sa likod. Si tita Rochelle, ang unang pag-ibig ni daddy. Nakita ko kung paano niya hinalikan si daddy sa mga labi nito at sa harap pa talaga ng lahat. Napakasakit. Bakit niya hinahalikan si daddy sa mga labi nito?
Paano na si mommy?
Kabit ba siya ni daddy?Hinila ni tita Rochelle ang buhok ni ate. Nakita ko kung paano siya napaiyak. Hindi ko na napigilan at itinulak ko si tita. Tumama siya sa sahig, pero hindi ko na pinansin pa. Sawa na akong magpakumbaba.
"Anong ginagawa mo sa tita mo?!" Galit na tanong ni lola, taas ang baston. Pero bago niya ako mapalo, isang pamilyar na tinig ang narinig ko.
"Stop it, mama! Please, huwag ang mga anak ko!" Si mommy. Nangingilid ang luha niya habang naglalakad papunta sa amin. Agad naman namin siyang pinuntahan at niyakap.
"Walang kwenta ang mga anak mo, katulad mo!" Sigaw ni lola.Pinilit ni mommy na magpakatatag. Lumapit siya kay daddy. "Felix, mamili ka sa amin ngayon din. Ako o si Rochelle?" Nanginginig ang boses ni mommy.
Hindi nagsalita si daddy.
"Sabi na nga ba," bulong ni mommy, luhaang bumaling sa amin. "Aalis na tayo, anak."
Nang gabing iyon, iniwan namin ang bahay na iyon. Ang bahay na inakala naming magbibigay sa amin ng isang kumpleto at masayang pamilya pero hindi pala.
[End of flashback!!!]
Darius’ POVKasalukuyan kaming nasa presinto ngayon. Kasama ko ang asawa ko at si Quila. Ang anak namin ay iniwan na muna namin doon sa bahay. Binabantayan naman siya ni yaya Lita.“Ito na ba si Quila?” naririnig kong tanong ng daddy niya.Kinapa ko ang puso ko kung may galit pa ba akong nararamdaman sa kanya. Aaminin kong naroon pa rin ang sakit pero wala na ang galit. As much as possible, I don’t want to worry Phoebe. My grandma didn’t talk to me… even my dad and my cousins. They still didn’t like her. But they can’t touch her because I am here. They know that I will go berserk once they touch the woman I loved the most. Phoebe’s my only sanity. I’d kill whenever they do something bad against her or even if they’ll take her away from me.They hate her and they made me choose.Pero pipiliin ko ba sila kaysa sa taong mahal ko?Phoebe is my only source of happiness after my last heartbreak. Staying away from her would only burden myself. Being away from her will be a huge burden. Besi
“WALA na pala si Glyzza at Glydel sa school campus.” Sabi ni Myla sa akin.Kasalukuyan itong nasa bahay ngayon, karga nito si Quila.“Wala akong pakialam kung saan sila. Malaking problema ang dulot nila sa pamilya ko.”Sila pa ang mga naging favorite apo nila lolo at lola. Ayaw nila kay mommy kaya ayaw rin nila sa amin. Napa-buntong-hininga ako.“Saksi ako sa mga paghihirap mo, Pooh. Hindi naging madali ang buhay mo pero heto ka ngayon, nasa itaas ka na.” Sabi nito.“Wala pa ako sa itaas, bes. Pero hindi ko bibiguin ang mommy at ate ko. Magsisikap ako para balang araw ay wala nang tumapak sa pagkatao ko.” Sabi ko. Hindi ko man nagawang ipagtanggol ang sarili ko noon, nagpapasalamat pa rin ako dahil may mga taong naniwala sa akin at nagtatanggol sa akin. Binigyan nila ako ng pag-asang magpatuloy. Binigyan nila ako ng pag-asang maniwala na hindi ako ang laging mali. Naniwala sila sa akin kaya hindi ko sila bibiguin. Wala sa vocabulary ko ang manakit ng tao pero siguro kapag napupun
Kasalukuyan kaming nasa labas ng eskwelahan ngayon. Hinatid ako ni Darius hanggang sa classroom ko. Sabi ko naman na okay lang ako, ayaw niya mag-paawat. Kitang-kita ko kung paano ako tingnan ng iba pang mga estudyante at ng mga kaklase ko sa may hallway.Nang nasa labas na ako ng pintuan ng classroom ay tumingin siya sa akin.“I’ll go ahead. Please, take care of yourself and… our baby.” Bulong nito. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga. “I’ll fetch you after your class… same spot.”Isang tango lang ang ginawa ko bilang sagot ko sa kanya.Dinampian niya ng halik ang aking noo at pisngi bago siya umalis. Naririnig ko pa ang mga pagsinghap nila dahil sa ginawa niya sa akin. Ang mga estudyanteng babae ay kinikilig habang nakatingin sa likod niyang papaalis na. At nang hindi na ito matanaw pa ay bumaling sila sa akin… ngumiti. Pumasok na ako sa loob at naabutan si Myla roon na nakaupo. Ang mga mata nito ay parang nanunukso. “Ano ‘yun? Bakit ka niya hinatid hanggang dito? Nagul
“Phoebe,” tawag nito sa pangalan ko. Bigla akong napabalik sa reyalidad. “Oo,.”“What’s the result?” tanong ulit nito. Huminga ako ng malalim bago ako nakapag-desisyon na sabihin sa kanya ang totoo.“Positive.” Sabi ko sa kanya. Isang malapad na ngiti ang kanyang pinakawalan. Nararapat ba ang ngiting ‘yan?Mabilis naman na tumulo ang mga luha ko habang nakatingin sa kanya. Kunot-noo siyang nakatingin sa akin. Nagtataka kung ano ang nangyari. “Hindi ako gusto ng pamilya mo.” Sabi ko sa kanya.“And so?” Sagot niya lang.Napailing ako.Big deal para sa akin ang bagay na ‘yun.“Paano kung darating ang araw at biglang magbago ang pagtingin mo sa akin? Ang pamilya mo… katulad na katulad sila ng lolo at lola ko. Kinamumuhian kami noon pa man. Ayaw kong umabot sa punto na kailangan kong umalis… gaya ng ginawa ni mommy. Kaya, habang mas maaga pa. Mas mabuting–”“Are you planning on aborting our child?”Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.Saan naman siya kumuha ng ideyang ‘yun?Kahit k
Dalawang linya. Buntis ako!Nanghihina ako nang matingnan ang resulta ng pregnancy test. Hindi ako mapakali at kanina palakad-lakad sa loob ng kwarto.Hindi alam ni Darius na nag-test ako ngayon. Si Myla pa ang inutusan kong bumili nito. Ilang araw na ang lumipas noong nagpunta sila lola rito. Si Quila ay kasama ko ngayon sa kwarto, mahimbing na natutulog. Dito na siya matulog mula ngayon.Si Darius ay kasalukuyang nasa opisina niya, nagtatrabaho. Hindi na rin muna ako pumasok sa eskwelahan dahil tinamad ako. Bigla na lang akong nakakaramdam ng pagod. Ayaw kong lumabas. Gusto ko na lang manatili muna rito sa bahay. Biglang bumukas ang pinto at niluwa no’n si manang.“Anak, okay ka lang?” tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot.“Masama lang ang pakiramdam ko manang.” Sabi ko sa kanya. May dala siyang tray ng pagkain pero wala man lang akong ganang kumain. Hindi kapani-paniwala! Nilagay niya ‘yun sa maliit na mesa.“Sige na, kumain ka na muna. Kanina ka pa hindi bumaba.” sabi ni
Papasok na kami ng gate nang may madatnan kaming sasakyan sa labas ng bahay. Kilalang-kilala ko ang sasakyang ‘yan. Kung hindi ako nagkakamali, kay daddy ang sasakyan na ‘yan. Pero nakulong na si daddy, nasa police station na siya. Hindi kaya ay sina lolo at lola ang nariyan?Sino ang nagmamaneho niyan ngayon? “T–Teka lang, bababa lang ako. Hintayin mo ako rito Darius.” Sabi ko sa kanya. Dali-dali akong bumaba at dumiretso agad sa sasakyan. Bumukas ito at bumungad nga sa akin ang mukha ng dalawang matanda. “Bakit kayo nandito?” Hindi ko maiwasang tanong. Nanlilisik ang kanilang mga matang nakatingin sa akin. Para bang gusto nila akong kainin ng buhay.“Walang hiya kang bruhita ka! Ano’ng ginawa mo sa daddy mo?! Bakit mo siya pinakulong? Kahit kailan wala ka talagang respeto! Katulad ka ng ina at kapatid mo. Mga wala kayong pinag-aralan.” Sigaw ni lola. Pait akong napangiti. Hanggang dito ba baman? At least man lang, bigyan nila ng katahimikan ang ate at mommy ko. “Hindi ko siy
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen