
Hearts Under Contract
Si Phoebe Concepcion ay isang babaeng nawalan na ng pag-asa. Matapos silang palayasin ng kanyang ama kasama ang kanyang ina at mga kapatid na babae, inakala niyang makakabuo pa rin sila ng isang payak ngunit masayang buhay. Ngunit nagkamali siya dahil sunod-sunod na trahedya ang nangyari sa buhay niya. Namatay ang kanyang ina dahil sa sakit na cancer at ang panganay na kapatid niya ay namatay dahil sa isang aksidente. Pakiramdam niya ay wala nang patutunguhan ang kanyang buhay, at ang tanging liwanag na lang na natitira ay ang bunsong kapatid niyang si Quila. Labis niyang kinamumuhian ang ama dahil mas pinili nito ang ibang pamilya kaysa sa kanila.
Sa gitna ng kawalang pag-asa, nakilala niya si Darius Villarosa — isang lalaking wasak at walang-awang makitungo. Her late sister left a massive debt to Darius, and with no means to repay, he offers a cold solution: a marriage contract.
Wala nang ibang pagpipilian si Phoebe. Desperado at walang matatakbuhan, tinanggap niya ang alok. The contract binds them, but will it also warm her heart, or will it shatter her completely? Sa pagitan ng dalawang taong parehong sugatan, may puwang pa kaya ang pagmamahalan o mananatiling malamig na kasunduan lamang ang lahat?
읽기
Chapter: Chapter 25“Oh my god, nakatingin sila sa’yo.” Ramdam ko ang pagkurot ni Myla sa balat ko.Hindi ako komportable sa mga mata na nakatingin sa akin. “Magandang gabi sa inyong lahat, and welcome to our most enchanting night of the year. Tonight is not just any ordinary evening. It’s a celebration of elegance and unforgettable memories. To our dear guests, thank you for coming tonight. And to our generous sponsors, this night wouldn’t be possible without you. Thank you very much. Students, this is your moment to shine, to dance, and to enjoy the night with friends, classmates, and new faces. Welcome, and may this Masquerade Ball be a night to remember.” Anunsyo ng host.Nagpalakpakan naman ang lahat.Naglalakad kami patungo sa table namin habang nagpapatuloy sa pagsasalita ang host. Kinakabahan ako ng sobra. Biglang may lumapit sa table namin, isang lalaki at kinausap ako. Ang akala ko ay makikipagsayaw pero hindi pala. Sa halip ay kinuha nito ang kanyang cellphone para hingin ang cellphone numbe
최신 업데이트: 2025-05-01
Chapter: CHAPTER 24ANG akala ko ay mag-shopping kami ng damit na susuotin niya pero hindi pala. Lahat ng mga binili niya ay para sa akin. Sandals, jewelries, bags at marami pang ibang dresses. “Oh heto pa, sa’yo lahat ng ito.” Sabi niya.“Hindi mo na ako kailangan na bilhan pa nito,” reklamo ko sa kanya.Umiling siya. “No, No! Gusto ko lang makasigurado na present ka sa araw na ‘yun. Huwag kang mag-alala dahil ako ang bahala sa’yo sa araw na ‘yon.” “Bakit kailangan mo pa akong bilhan ng damit?”Pilay siyang ngumiti. “Dahil ang mga sponsor ng unibersidad at ang ibang importanteng bisita ay dadalo sa ball na ‘yon tulad noong mga nakaraang taon. Baka matipuhan ka ng isa sa kanila, di’ba?”Napailing na lang ako dahil sa lawak ng imahinasyon niya. Ano naman ngayon kung bibisita sila? Paanong magkakagusto sa akin ang isa sa kanila? Ang dami kasing binili nitong si Myla. Higit kasi sa sampo ang mga pinamili niya. Lahat ng ito ay para sa akin. Ngayon, kung uuwi ako ng bahay at makikita ako ni Darius dala ang
최신 업데이트: 2025-04-29
Chapter: CHAPTER 23“Sa totoo lang, hindi mo dapat siya iniiwasan,” naririnig kong sabi ni Myla. Halata sa boses niya na naiinis siya.“Hindi ko naman siya iniiwasan, ikaw itong nagtulak sa akin na sa kabila na lang tayo dadaan.” Sabi ko. Bigla siyang napakamot sa ulo niya.“Basta next time, huwag kang huminto. Tila naestatwa ka kasi kanina, kaya ang akala ko ay hindi ka pa handa na makita siya.”Handa nga ba akong haraping muli sina Glyzza at Glydel?Siguro ay hindi ko pa siya kayang harapin. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling magtagpo ang landas namin. “The uniform she’s wearing… it was mine.”“I know! Dahil pinalitan na niya kayo ng ate mo. Her twin sister was also wearing your ate Ophelia’s dresses.”Kuyom ang aking kamay dahil sa galit na naramdaman ko. Hindi matanggap ang salitang aking narinig. “Alam ko. Dati pa, inaagaw na nila ang mga bagay na para sa amin. Iyan din ang isa sa mga rason kung bakit kami pinalayas ng bahay,”Kung sana… naging mabuti lang din ang ama ko at ang mga
최신 업데이트: 2025-04-25
Chapter: CHAPTER 22Maya’s POVMAAGA akong gumising kinabukasan. Gusto kong ipaghanda ng agahan si Darius. Hindi ko naman ito karaniwang ginagawa pero… kailangan kong gampanan ang papel ko bilang asawa niya.Ilang linggo na rin akong nagpapaturo kay Manang Lita tungkol sa mga paboritong pagkain ni Darius. Nahihiya lang akong magluto para sa kanya at baka hindi pa ako masyadong magaling. Baka hindi niya magustohan ang luto ko.Pinuntahan ko na muna si Quila at kinarga saka pinupuno ng halik ang buong mukha. Maya-maya lang ay ibinalik ko na siya sa kanyang crib pagkatapos ay dumiretso agad ako sa kusina.“Maaga ka ngayon, anak,”“Ipagluto ko po sana si Darius… para makakain po siya ng maayos, manang.”Isang makahulugang ngiti ang binigay niya sa akin pero binalewala ko na lang. Sinamahan ako ni Manang Lita sa pagluluto ngunit ako lang ang gumagawa ng lahat. Gusto kong subukan na ako lang. Ang niluluto ko ay ginataang kalabasa. Hindi ako sigurado kung magugustuhan niya ang lasa nito dahil hindi naman tala
최신 업데이트: 2025-04-24
Chapter: CHAPTER 21Darius’s POVSHE’S peacefully sleeping in my bed. Hindi ko mapigilang haplusin ang kanyang makinis na mukha. Hindi ko rin maiwasan ang ngumiti dahil sa nangyari sa amin sa private suite ko. At nasundan pa ang pangyayaring iyon. Ako ang unang halik niya. Ako ang unang lalaking kumuha sa kanyang pagkabirhen. Tungkol naman sa pag-angkin ko sa kanya, hindi ko inaakalang inaalagaan pa niya ang kanyang puri gayong nagmula siya sa isang galanteng angkan. Ang akala ko ay hindi ako ang una.Iyon talaga ang inaasahan ko noong unang gabing pagkatapos naming ikasal. Ang akala ko ay isa siyang liberated na babae tulad na lang ng ibang nakilala ko. But I was her first… in everything.Yun ang dahilan kung bakit ako nagalit noong makita ko siyang may kasamang ibang lalaki. Gusto ko siyang saktan gamit ang mga masasakit na salita mula sa aking bibig. Iyon ang parusa ko sa kanya dahil hinawakan siya ng lalaking iyon. Hindi ko alam kung bakit ako biglang nagalit kahit na narinig ko naman ang pinag-u
최신 업데이트: 2025-04-22
Chapter: CHAPTER 20PAGKAUWI ko ay agad kong naramdaman ang bigat dahil sa katahimikan sa loob ng bahay. Walang akong narinig na kahit anong tunog—maliban na lang sa mahinang tunog ng orasan sa may dingding.Nanlaki ang mga mata ko dahil sa bumungad sa akin.Si Darius.Nakaupo habang nakasandal siya sa may sofa, hawak ang isang baso ng whiskey. Hindi siya agad tumingin sa akin, pero alam kong alam niyang naroon na ako. Tahimik lang siyang tumungga, saka dahan-dahang inilapag ang baso sa mesa.Kinapa ko ang aking dibdib. Mabilis ang pagtibok nito, halos hindi ako makahinga dahil sa sobrang bilis.“Anong oras na?” malamig niyang tanong. Hindi agad ako nakasagot. Hinubad ko na muna ang suot kong sapatos saka ako dumiretso sa sofa at umupo. Galit siya!Nararamdaman kong galit siya. Nanlamig ang mga kamay ko. Gusto kong magpaliwanag, pero natatakot ako at baka mas lalo pa siyang magalit. Alam kong kahit anong sabihin ko, may mali pa rin ako.Hindi man lang ako nagpaalam sa kanya kung saan ako pupunta. Pero ku
최신 업데이트: 2025-04-21