Kinabukasan, magkasama kaming pumunta sa sinabing restaurant. Nakakaramdam ako ng kaba sa totoo lang dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Wala rin akong ideya kung ano nga ba ang kailangan niya sa akin.
Habang pumasok kami sa loob, kitang-kita ko kung paano kami tignan ng mga tao. Si Darius ang kumarga kay Quila ngayon kaya kung sino man ang makakita sa kanya, iisipin na anak niya ang bata. Ako naman ay naunang maglakad dahil hindi ko kinaya ang mga mata ng lahat.
Nakuha ang atensyon ko sa isang lalaking kumakaway. Gwapo ito, maputi saka chinito. Nakangiti siya habang kumakaway kaya agad akong lumapit doon sa kinaroroonan niya. Siya lang ang mag-isang nakaupo.
“Glad you came, Phoebe,” sabi nito. “I’m Carlo Palmi, your cousin.” Ipinaghila niya ako ng upuan, pero hindi na muna ako umupo dahil hinihintay ko si Darius.
Sinundan naman ng tingin ni Carlo kung sino ang tinitingnan ko.
“Who is he?” naririnig kong tanong nito.
“Asawa ko,” simple kong sagot.
Tumango-tango lang siya. “Y