Maaga kaming nakarating ng kambal sa lugar kung saan namin kikitain si Lina.
"Mama, why Ninang Lina took so long?" Tanong sa akin ni Ainsley habang pinaglalaruan ang straw ng milkshake niya.
"Darating na rin 'yon maya-maya, be patient, okay?" Nakanguso naman siyang tumango.
"Calli!" Hingal na hingal si Lina nang makalapit siya sa amin.
"Bakit hingal na hingal ka?" Tanong ko sa kaniya.
"Tumakbo ako kasi nasiraan 'yong taxi na sinasakyan ko." Sagot niya at saka binalingan ang kambal. "Hello, mga bebe! I have something for you!" Aniya at nilabas ang dalawang maliit na box saka binigay na sa kambal.
"Wow, thank you po!" Wika ng kambal at parehong hinalikan sa pisngi si Lina.
"You're always welcome, mga bebe ko." Aniya saka bumaling ulit sa akin. "May gift din ako para sa 'yo pero mamaya ko na ibibigay," saad niya.
Lumipat kami ng lugar at ang pinili niya ay 'yong may palaruan sa loob para raw makapaglaro ang kambal at para maibigay na niya 'yong 'gift' niya kuno sa akin.
"Ano ba kasi 'y