Pumasok muli kinabukasan sa trabaho si Xzavier. At gaya nga ng sabi niya ay araw-araw na pumupunta si Manang Carla rito sa bahay para maglinis.
Hindi raw siya pupunta ng puwesto nila ngayon kaya naman dumito muna siya para may kasama at kakwentuhan ako.
"Kaedad mo lang po 'yong isang anak ko at mayroon na rin siya tatlong anak." Pagkwento niya.
Nandito kami ngayon sa likod-bahay dahil naliligo na naman sa swimming pool ang kambal.
"Ilan po ang anak niyo?" Tanong ko.
"Dalawa po, 'yong panganay ko ay nasa ibang bansa kasama ang asawa niya." Sagot niya.
"Ah, so 'yong isang anak niyo lang po ang kasama niyo sa buhay?" Tanong ko pa.
"Opo. Eh ikaw po ba, may kapatid ka rin po ba?" Tumango naman ako.
"Actually, twin sister po pero wala na po siya ngayon eh. Baby pa lang kaming dalawa ay namatay na siya dahil nagkaroon na kumplikasyon ang puso niya." Sagot ko.
"Ay hala, pasensiya na po kayo at naitanong ko pa," paumanhin niya.
"It's okay po, matagal naman na po 'yon eh," ani ko.
Magsasalita s