"Xzav, I'm nervous.." ani ko habang nakatingin sa mataas na gusaling nasa harap namin.
Kanina pa kami nakarating pero narito pa rin kami sa loob ng sasakyan. Buong buhay ko, never ko pang na-meet ang mommy ni Xzavier. Ngayon pa lang talaga.
Napatingin naman ako sa kaniya nang hawakan niya ang kamay ko.
"Don't be, I'm with you kaya 'wag kang kabahan." Pangpalubag-loob niya.
Pinilit kong ngumiti para hindi niya mahalata na kinakabahan pa rin ako.
"Let's go?" Huminga muna ako nang malalim bago tumango.
Nakasunod lang ako sa likod ng tatlo habang papunta kami sa lobby nitong hospital.
"Anong room number ni Elena Ventorina?" Rinig ko tanong niya sa nurse.
"Kaano-ano po kayo ng pasyente?" Tanong naman noong nurse.
"She's my mother." Sagot naman ni Xzavier
"Nasa room 307 po siya, third floor po," nag-thank you na lang kami roon sa nurse bago puntahan ang room ng mommy niya.
Sumakay na kami ng elevator para mas mapabilis ang pagpunta namin sa third floor. Kung ano-ano ang ginagawa ko sa