"Tsk!" Pumalatak si Theodore. "D'yan ka magaling magmaang-maangan!"
Umuwang ang bibig ni Aella, ni wala siyang ideya ba't ito nagagalit. Nanatiling kalmado ang asawa at walang paki kung matatakot nito ang bata.
Pinanlisikan siya ng tignin at nilabas ulit ang malamig na boses. "Inutusan lang kita na ayusin mo ang pagpasa ng trabaho kay Scarlet at tigilan ang panggugulo mo pero hindi ko in-expect na ang lakas ng loob mong paglaruan siya. Sinadya mo pang lagyan ng bug ang system!"
Lumapit ito sa kanya. "Ikaw ang dahilan kaya naantala ang project ni Mr. Harris at umalis siya!"
Sandali itong tumahimik. Umakyat-baba ang dibdib habang kinakain siya ng buo sa isip nito. "Hindi lang si Mr. Harris... may mga problema rin sa ibang investors at clients. Hindi sila nasisiyahan ngayon sa marketing strategy natin! Ito ba'ng pinaplano mo? You want to embarrass Scarlet, make her life difficult, and make her unable to stay in our company? Natatakot ka ba na baka agawan ka ng posisyon sa pamilyang it