"Hey, hurry up!" sabi ulit ni Raffaelo nang marating ni Aella ang banyo. "You should know that the position you're aiming for is highly in demand. Many are fighting for it. Check the address I just sent you—now. You need to be there before nine o'clock sharp, or your salary will be deducted. No excuses!"
She found it outrageous. Hindi pa nga siya nakapagsimula ay babawasan agad ang sahod niya. Gusto niyang sigawan ito na ang 'OA mo!'
Pinagpaliban niya muna ang pagsisipilyo para tignan ang WhatsApp niya. Dumating ang message ni Raffaelo. Address iyon ng clothing company nito.
Natuod siya saka muling binalik ang cellphone sa tenga. "Tama ba ang address na binigay mo? Sa Aurelia ito?"
Iyon ang pangalan ng kompanyang pinatayo niya sa tulong nito noon. Ito rin ang pinakasikat na brand lalo na sa mga Gen Z. Gusto yata nitong ipa-manage sa kanya ulit.
"Hindi ako tanga! Tama ang adress na pinadala ko sa'yo," kalmado nitong sagot.
Tila alam na nito na magtatankng siya ulit kaya magsalita uli